Again?

3.6K 55 8
                                    

Kasalukuyang nanunuod ng TV ang mag-asawa nang biglang may tumawag kay Kiefer.

"Hello?" Bati nito sa kausap.

"Hi! remember me?!" Tanong kausap niya.

Napatingin naman si Alyssa sa asawa. Alyssa mouthed, Sino yan?

Kiefer shrugged.

"Sino ka?" Tanong ni Kiefer.

"Mika Reyes!"

Napatulala si Kiefer at napatingin kay Alyssa. Napataas naman ng kilay si Alyssa.

"Ah! Kamusta na!" Tanong ni Kiefer.

Napakunot naman ang noo ni Alyssa at nakasimangot.

"Okay naman. Pwede ba tayo magkita?" Paalam ni Yeye.

"No. sorry." Simpleng sagot ni Kiefer.

Bigla namang binaba ni Mika ang tawag.

"Pa sino yung tumawag? Bakit ka natulala?" Tanong ni Alyssa.

"Si Yeye. Gusto makipagkita." Explain ni Kiefer

"And you said no?" Tanong ni Alyssa.

"Oo naman. Ayoko na mangyari yung nangyari nung nakaraan" sabi ni Kiefer.

Napangiti naman dun si Alyssa. "I love you Pa." Sa nito.

"I love you too." At hinalikan din si Alyssa sa labi.

"Papa! Mama!" Sabi ni Kervin habang tumatakbo.

"Oh bakit?" Tanong ni Alyssa.

"Aly and Kief are fighting."

Agad na tumakbo ang dalawa para tignan ang kambal.

"Anak, bakit kayo nagaaway?" Tanong ni Kiefer sa anak na babae.

Bigla nalang ito umiyak. Kinarga naman ni Alyssa si baby Aly at pinatahan.

"Bakit ba baby?" Tanong niya naman kay baby Kief.

"She wants me to play barbie" mahinang sagot naman ng bata.

"I dont have a playmate, mama" sabi ni Baby Aly na umiiyak parin.

Hinalikan nalang ni Alyssa ang anak.

"Nak, play with your sister nalang. Wala kasi syang kalaro eh. Ikaw nandyan si kuya oh. Pwede mo kalaruin. Sa susunod play with your sister ha?" Mahinahon na sabi ni Kiefer kay baby Kief.

"Opo, Sorry" sagot ni Kief.

"Say sorry to your sister." Utos ni Kiefer.

"Sorry Aly" sabi ni baby Kief habang inaakap ang kakambal.

"Sorry" sabi rin ni Aly.

Napangiti naman ang magasawa sa ginawa ng mga anak. Biglang pumunta si Kervin sa tabi ni Alyssa.

"Why are both smiling?" Tanong ni Kervin sa kanyang nanay.

"We're just happy." Simpleng sagot ni Alyssa at hinalikan ang noo ni Kervin.

"I love you Mama" sabi ni Kervin.

"I love you too, Kuya. Next time remind Kief to play with your sister. Ikaw rin, dapat makipaglaro ka na sa kapatid mo para hindi na sila magaway ha?" Sabi ni Alyssa.

"Opo mama!" Agad na sagot ng anak.

Napatingin naman ang dalawa kila Kiefer at sa kambal na nakatingin lang sa kanila.

"Oh, bakit ganyan kayo makatingin?" Tanong ni Alyssa.

"Wala lang." Sagot ng mga ito.

"I love you babies" sabi ng mag-asawa.

"I love you too, mama and papa!"

My Crazy Family BOOK 2 (AlyFer/KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon