CHAPTER 4: Blackmailing Jerk!

1.8K 39 3
                                    

HINUBAD ni Sabel ang suot niyang pang waitress uniform dahil may suot naman itong kulay itim na damit panloob pagkatapos pasimple niyang niliko ang bandang madilim na parte ng mansyon. 

Inilagay niya sa kanyang likuran ang 45 calibre na pagmamay-ari ni Freya at maingat niyang itutulak na sana ang pintuan nang kusa iyong bumukas, kung kaya ay kaagad-agad siyang kumubli sa parteng madilim dahil, lumabas mula roon ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng Navy Black Suit Italian Style. 

Sinilip iyon ni Sabel at sinipat ng mabuti ang lalaki upang kilalanin ito. Ngunit, ganun na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata matapos makilala ang lalaking abala sa kausap mula sa kabilang linya.

“Shit! anong ginagawa ng lalaking 'to dito?” nagsusumigaw ang loob niyang tanong sa sarili at nararamdaman niya ang kakaibang tensyon at kaba dahil sa nakita.

Mahigit isang buwan mula mangyari ang gabing ipinagkaloob niya sa isang estranghero ang kanyang bataan, at hindi siya pwedeng magkamali dahil memoryado na niya ang kabuuan ng lalaki.

“Hey! Linares. Are you still there? Mag-ingat ka sa ikikilos mo. May nakabantay sa balkonahe. Bumalik ka rito at si Freya na ang bahalang pumasok sa loob, mukhang hindi siya tatantanan ng Gustav na 'yun,'' rinig niyang babala ni Uno mula sa nakakabit na earpiece sa tainga niya na ikinatigil niya sandali at inilibot ang paningin sa paligid. 

Tama nga si Uno, may nakabantay sa bawat sulok ng bahay at pasasalamat na lamang siya ay madilim ang parteng kinaroroonan niya. Mabilis niyang nilisan ang lugar na pinagtaguan niya't agad na rin ibinalik ang suot na uniform. 

Pasimple siyang naglakad pabalik sa pwesto ng kanyang mga kasamahang waitress at inayos ang sarili at sa medyo gusot na damit.

“Tang'na! Bakit hindi ko kaagad na alala na kapatid niya si Gal?” nagtatakang tanong niya sa sarili habang patuloy sa paghakbang tungo sa kinaroroonan ni Uno ng biglang may brasong humarang sa kanyang dinaraanan na hindi niya alam kung saan ito nanggaling.

Kunot-noo niyang inangat ang kanyang mukha at ganun na lamang ang pagkagulat niya ng makilala kung sino ang nasa kanyang harapan. Nakangisi sa kanya ang lalaki.

“Trying to hide from me huh? What a small world, whore gold digger!” pang-iinsulto ng lalaking nakaharang sa dinaraanan niya at nakangising masamang nakatingin sa kanyang kabuuan.

Natulos sa kanyang kinatatayuan si Sabel dahil sa sakit na ipinaratang ng nakaharap. Tila'y nakakita siya ng multo dahil sa sobrang gulat. 

“Jeez! Kaya mo 'yan Isabel. H'wag kang paapekto,” kausap niya ang kanyang sarili at lakas loob niyang hinarap ang lalaki.

Nagtagis ang pangang humakbang ni Gilbert papalapit sa babaeng gusto niyang ipakulong dahil sa ginawa nito sa kanya at pagnanakaw nito sa pera niya habang siya'y tulog pa at hubo't hubad sa hotel.

Tumambol naman sa kaba ang puso ni Sabel at gusto ng malusaw ora-mismo. Dahil, kahit gaano pa man siya katapang at katigasan ng loob ay napapalambot ang kanyang mga tuhod matapos makita sa lalaking ito kung gaano kasama ng titig nitong ipinukol sa kanya.

“What a gross air bring you here?” mahinang asik sa kanya ng lalaki.

A smirk smile forms on her lips while staring at the stranger. But she stunned.

“You still really want to come here after you've done to me, huh? Tell me! You know me, don't you?” inis at nanggigigil nitong hinawakan ang kanyang baba at marahas nitong iniangat ang kanyang mukha upang iniharap dito.

Ngunit, isang matinding pag-irap ang kanyang pinakawalan bago sapilitang iwinaksi ang kanyang braso at isang ngiting nakakairita ang kanyang ibinigay rito.

OBSESSION SERIES 2: Gilbert Gustav (COMPLETED_Under for Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon