Chapter 10: Selos_Pag amin

1K 25 4
                                    


MAHIGIT isang linggo na rin namalagi sa tahanan ng binata si Sabel. Kusa na rin siyang tumutulong sa gawaing bahay na hinahayaan lamang ng dalawang katulong maging ang binata lalo't laging wala sa resort ang lalaki at may inaakasong ibang trabaho maliban sa resort.

Madalas na rin silang magkausap ng binata at kung kausapin naman niya ito ay tila pormal at hindi na kagaya ng dati na lagi siya nitong kinukulit na panagutan niya. Kumirot ang pusong napalabi si Sabel habang iniyuko ang ulo't napabuga ng hangin.
Kasalanan niya rin, masyado siyang OA noon at ayaw paniwalaan ang binata.
'' May bumagabag ba sa isipan mo, iha?'' Boses ni Manang Soling na nakalapit sa tabi niya.

Ngumiting humarap sa matanda si Sabel at umiling.
'' W-wala ho, naalala ko lang ang Mama. Sana ay nasa maayos siyang kalagayan.'' Malungkot ang boses niyang ani.

Naramdaman niya naman ang paglapat ng kamay ng matanda na humaplos sa balikat nito.
'' Sa nakikita ko sa mga mata mo ay naiiba ang ibig nitong iparating, Sabel. Hindi ka ganun kagaling magsinungaling para ikubli ang iyong totoong nararamdaman.'' Makahulugang ani ng kausap na ikina-tigil ng dalaga.
'' Alam kung may lihim kang pagtingin kay Senyorito. Hindi mo man aminin, nahahalata ko satwing titigan mo siya.'' Nangingiting dugtong ng matanda na ikinapula ng pisngi ni Sabel.

''HAHA si manang talaga, hindi po totoo 'yun.'' Depensa niya kaagad at agad na iniwas ang mukha.

''Asus! Bahala ka. May Sofie pa naman umaagilid dun.'' Pagparinig ni Manang Soling na ikinatitig dito ni Sabel at biglang nagpantig ang teyngang marinig ang pangalan ng isang babae.

Ayaw niyang pag-isipan siya ng matanda uli kaya nangingiti lamang siya ng peke. Paki-alam ba niya dun sa Sofie ang pangalan. Paki-alam niya kung may Sofie ang Gilbert na 'yun.
Bago paman siya umapoy sa inis ay narinig niyang magsalita uli si Manang Soling.
'' Tena sa loob. Ngayon ang dating ni Senyorito at may kasama siya pag-uwi kaya kelangan mo raw ligpitin ang ibang gamit mo doon sa Guestroom---doon kasi niya papatulugin ang bisita niyang kasama, Sabel.'' Malungkot ang boses na saad ni Manang Soling ng humarap ito.

May kung anong kumurot sa puso ng dalaga, kung iisipin niya. Wala na nga siyang puwang sa binata. Nakakalungkot pero alam niyang may hangganan ang isang tao kung ito ay pagod na. Gusto niyang maiyak pero ang isiping kasama si Manang Soling ay hindi niya nagawa.

NAKA-ANGKLA ang braso ni Sofie sa braso ng binata habang tinatahak nila ng sabay ang papasok ng bahay. Tanaw iyon ni Sabel kahit nasa malayo siya at gusto na niyang durugin sa kamay nito ang seashell na napulot niya sa tabing dagat.

'' Psh. Mga talaba!'' Inis niyang bulong sabay pag-irap nito ng matindi.

Tinahak nito ang dalampasigan upang makalayo sa makikita ng mata niya. Umusbong ang selos na nararamdaman niya lalo't hindi nito nakikitaan si Gilbert ng anumang pagtutol sa ginawa ng babaeng iyon.
'' Kainis! kainis! sarap nilang pag-umpugin dalawa.''

Hindi magkaumayaw na inis niyang sambit at natigilan kung bakit siya naiinis ng ganoon. Bigla nasabunot nito ang buhok at pabagsak na umupo sa buhangin at nagsisipa na animo'y batang inagawan ng laruan.
Nahinto siya mula sa pagsabunot ng sariling buhok ng mapansin ang taong nasa harapan niya. Pagtaas niya ng mukha ay nagulat siya ng bahagya ng mapagsino ang kaharap.

'' Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala at mukhang mas gusto mo ang pagsabunot sa buhok mo.'' Sarkastikong ani ng binata na ikinasalubong ng kilay niyang iniwas ang mata rito.

Agad na tumayo si Sabel at pinagpag ang hapit na floral daster at walang pasabing tumalikod at humakbang. Nangingiting napa-iling na lamang si Gilbert na inasta ng dalaga ang hindi nito alam ay kanina pa siya nakamasid sa kanya.

LIHIM na nanliit sa sarili nito si Sabel matapos makilala ang babaeng kaibigan ni Gilbert. Napakaganda nito at pang modelo ang katawan kahit na simple lamang ang damit na suot. Nagpasya si Gilbert na ipasyal niya muna si Sofie sa dalampasigan upang ipakita rito ang binabalak niyang pagtayuan ng lighthouse. Hindi tuloy maiwasan mainsecure ni Sabel ng madinig iyon, sa isang linggo niyang pagtira sa bahay ng binata ay hindi pa siya nito kinausap ng maayos at tratuhin ng mabuti. Tila para siyang hangin sa mata nito.

OBSESSION SERIES 2: Gilbert Gustav (COMPLETED_Under for Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon