Nilalaro-laro ni Gilbert sa kamay nito ang baso na may laman ng alak.
Samantala siyang namalagi sa isang Resort na pagmamay-ari niya at katulad ni Gal ay may na ipundar siyang maliit na negosyo.
He to do heaved a sighed.
Ginawa niya rin ang paghagod sa batok matapos maalala ang sinabi sa kanya ni Sabel.
Kung gaano kadali niyang mahulog sa dalaga, ay ganun din naman kadali siya nitong i-reject.
'' D*mn! napakatigas ng puso niya.'' nai-usal niya't walang gatol na ininom ang alak sa basong hawak niya. '' For my entire life, ngayon lang ako nasaktan ng ganito.'' Muli niyang ani sabay tapon ng basong hawak niya at nabasag iyon dahilan para gumawa ng ingay at nakuha ang atensiyon niya.
Napasilip si Manang Soling sa amo nito sabay pag-iling.
Nitong mga nagdaang araw ay naging matamlay ito na animo'y binagsakan ng langit.
'' Hindi kaya broken hearted si ser, manang?'' Pag-usisa ni Lita na kakarating lang galing banyo.
Pinandilatan naman siya ng matanda at sinaway.
'' Bibig mo at baka madinig ka niyan. Siya, tayo na sa loob at baka makita niya pa tayong nag-uusap...baka, tuluyan na tayong ipapatanggal ng wala sa oras.''
Bigla naman natutop ni Lita ang bibig sa takot nito bago sinilipan ang among masama ang mukhang nakatingin sa dalampasigan.Lingid kasi sa kanilang kaalam na strikto ang binata. Ayaw na ayaw niyang makakita ng mga nag chi-chismisan.
Napangiwi ng bahagya si Lita at muling ibinalik kay Manang Soling ang tingin.
KINABUKASAN...
Bumyahe sa bayan si Gilbert, balak niya sanang dumeretso sa mansiyon nila ngunit may kung mayroong nag-udyok sa kanyang tumigil muna sa isang convinience store. May hang over pa naman siya kaya naisipan niyang bumaba at bumili ng mainit na kape.
Matapos niyang makuha ang nais ay lumabas siya at humigop ng kape nang siya namang pagkunot ng noo niya sa nakita ng kanyang mga mata.
MABILIS kumaripas ng takbo nito si Sabel matapos mapansin ang dalawang lalaking umaaligid sa kanya habang siya ay abala pa sa pag-grocery. Hindi niya inalis ang tingin sa dalawa at ng makatiyempo ay nailigaw niya ang mga ito sa paraang pagsabay niya sa matandang babae.
Ngunit, matalas ang paningin ng isang lalaki at agad siyang nakita---tuloy nagmukha silang nag ma-marathon.Tumakbo lang ng tumakbo ang dalaga, hindi niya rin hinayaang maiwan ang binili. Ayaw din niyang mahuli ng mga ito dahil sigurado siyang mga tauhan ito ng kanyang Mama at pipilitin na naman siyang ipakasal sa lalaking ni sa guni-guni ay hindi niya makita.
Mabilis siyang tumungo sa makipot na daan ngunit sa pag-aakalang makakatakas ay biglang may kamay na humablot sa kanya at agad nitong tinakpan ang kanyang bibig.
Huli na ng pumalag at natigil siya matapos maramdaman ang isang bagay na nakatusok sa likod niya.
'' Don't move.'' Bulong ng isang pamilyar na boses sa may punong teynga niya.
She's holding her breath.
At tila kinapusan na siya ng hiningang ginawa iyon.
'' Lintik na! Saan nagpunta ang babaeng 'yun!'' Galit ang boses na ani nung lalaking may itim na sombrero at nababakas sa mukha ang pagka-inis.
'' Natakasan tayo, 'di bale na. Nasa tabi-tabi lang iyon. Hindi siya makakalayo.'' Turan naman nung isa na ikinanlaki ng mata ni Sabel at tumambol ang kaba niya ng mapasilip sa kinaroroonan nila ang lalaking may sombrero.
Naramdaman niyang huminga ang lalaking may hawak sa kanya at tuloy naamoy nito ang mabangong hininga nito. Unti-unti na rin lumuwag ang pagkakatakip nito sa bibig niya at nanlaki ang mga mata niya ng iharap siya nito ng mabilis.
Kung paano siya nito kabilis iharap ay ganoon din nito kabilis angkinin ang kanyang labi at siilan iyon ng malalim na halik.
'' Mmmp.'' naiungol niya at tila'y pakiramdam niya'y kakapusin na siya ng hininga.
'' P-pasenya na'' Hinging paumahin ng lalaking nakasaksi sa kanila at tanging yabag na lang ang nadinig niya at paglayo ng tuluyan ng dalawang humabol sa kanya.
Matapos siyang bitawan ng lapastangan ay naiwang nakanganga ang bibig na sinundan ng mata ni Sabel ang papalayong binata.
'' Gilbert'' naisambit niya't hindi makapaniwala.
'' Tutunganga ka na lang ba diyan? Gusto mo bang balikan ka ng mga gag*ng 'yun!'' Dinig niyang anito at walang mababakas na ekpresyon sa kanyang mga mata at isang masamang tingin lang napuna niya.
Tila nahimasmasan naman mula sa pagkabigla si Sabel at walang gatol na sinundan ang binatang naunang naglakad. Binuksan nito ang nakaparadang sasakyan niya sa hindi kalayuan at bago siya nito tapunan ng tingin.
'' Hop in. I drive you home.'' Maawtoridad nitong ani na ikina sunod kaagad ni Sabel.
Should she be thankful?Malamang oo, dahil kung hindi dahil kay Gilbert ay malamang ngayon ay ikukulong na siya sa kwarto.
But that kiss he made is like an everlasting,nalalasap pa niya't nararamdaman ang init ng labi ng binata sa labi nito.
A/N: Bitin ba? Pasensya na guixe... hehe yan lang nakayanan ni utak ngayon. Hindi ko alam kung kalian uli ako makapag-update pero I promise. Tatapusin ko po ito dito.
Thank you for keep reading and supporting this story.
LOVELOTS.
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 2: Gilbert Gustav (COMPLETED_Under for Revision)
RomancePreserving one's dignity is important to Gilbert. He is the only man who is afraid to socialize with women. That is why he is a certified never-been-kissed, never-been-touched. How come a night of temptation broke his innocence? A night with a str...