Chapter 14: Misserable Gilbert

974 15 0
                                    


Bubuksan na sana ni Joaquin ang pintuan ng kwarto ni Sabel ng marinig nito ang impit niyang pag-iyak. Kaya imbis na katukin ang dalaga para kumain ay hinayaan niya na lamang ito.
Sa isang tahimik na silid siya lumagi, inanod ang sarili sa inuming nakakalasing sa harap niya at walang ni isang salita niya iyon tinungga.
His jaw's clenched in greeting teeth. Tila sinabayan ng mainit na alak ang nag-aalab niyang puso. Seing her girl crying for another man stabbing him back. And so much painful for him.
Sa unang pagkakataong nakita niya ang larawan ng dalaga ay alam na alam niyang ito na ang daan para magbago siya sa buhay. Kaya idadaan niya sa pwersahan ang lahat maangkin lamang niya ang nais.
Pwersahang alam niyang ikakagalit ng nakakarami.

ISANG Buwan na ang nagdaan ngunit sariwa parin kay Gilbert ang sakit ng isang gabing nawala sa kanya ang babaeng mahal na mahal. Alam niyang masyado siyang makasarili kung siya ang pipiliin ni Sabel keysa sa buhay ng ina nito.
Ngunit, masakit sa loob niya ang itago sa kanya ng dalaga ang nakatagong sekreto sa buhay. Handa naman siya nitong tulungan anumang mangyari ang ikinagagalit niya lamang ay basta-basta lamang siyang iwan nito mag-isa sa ere.
His arms fist because of anger. Anger of Sabel.
Nasa isang bar siya kung saan pagmamay-ari ni Miguel na siyang kaibigan niya. Walang araw at gabi siyang hindi pumupunta ng bar at maglibang saka uuwing lasing na naman. Naiiling na pinagmasdan ni Miguel ang kaibigan---tila naging pabaya na ito, at hindi na marunong umahit na dati ay poging-pogi.
''Dude, tama na 'yan lasing ka na.'' Nagawang pigil ni Miguel ng akmang tunggain na naman ni Gilbert ang isang bote ng tiquilla.

Galit na muling inagaw ni Gilbert ang bote ngunit nailayo na iyon ni Miguel kaya wala na siyang nagawa kundi ang sabunutin ang sariling buhok at kuyom ang kamaong sinuntok ng malakas ang bartender table. Tumalsik ang ibang baso at sa agap ni Miguel ay hindi tuluyang bumagsak ang mga iyon.

''Minahal ko siya ng tapat, Migs. Why...why the earth can't gave me my happiness, hindi naman ako manloloko ah! Tangna! nakaka-tangna!'' deretsong aniya't hindi maikubli ang mga luhang pumapatak.

Miguel felt sorry for his buddy. Kung may magagawa lamang siya ay tutulungan niya ito. Pero, minalas naman siya't hindi pa siya nakaranas umibig.

KINABUKASAN...
Biglang naiharang ni Gilbert ang sariling mga braso ng tumama sa mukha nito ang sinag ng araw dahil tanghali na siya nagising. Unang tumambad sa harap niya ang seryosong anyo ni Gal kaya bahagya siyang ngumiwi't nagpasyang bumangon.

'' Fix yourself Gilbert, ayaw na ayaw ng mga kasosyo mo ang taong mala-pagong ang kilos.'' Anito habang inaayos ang pagkatupi sa manggas ng kanyang kulay itim na tuxedo.

''Go alone Kuya. I don't care what they f*cking say.'' Deretsang aniya't bumaba ng kama.

Akma siyang tatalikod ng mabilis na hinawakan ni Gal ang braso nito at minasdan siya ng nakakamatay na titig.

'' Forget about her, she's brave chosing over you and her mother, Gilbert. Kaya imbis na magmukmok ka diyan, ayusin mo muna ang sarili mo't bawiin siya sa maayos na paraan.'' Seryosong sabi ni Gal na ikinatigil niya sandali bago nagyuko ng ulo.

'' I can help you...but first, fix yourself and don't ruin your own life, Dimwit!'' Nagtagis ang pangang dugtong ni Gal saka humiwalay sa kapatid bago nito tinapik ang balikat ng kausap.
'' I will wait you downstairs.'' Saad nito't nilisan ang kwarto ng kapatid.

ENGRANDE'T maraming mga tauhan ang imbitado sa araw ng enggagement ni Sabel. Kaharap niya ang salamin at suot na nito ang damit para sa gabing ito. Ngunit, makikitaan sa kanyang mukha ang pagdisgusto nito sa okasyong gaganapin.
Mula sa nakabukas na pinto ay sumilip si Miss Samira tulad niya ay naka-ayos na ito.
'' Pwede ba akong makapasok?'' Paghinging permiso ng babae.
Nilingon iyon ni Sabel bago ngumiti ng tipid at tumango.
'' Pasok ka po.'' Aniya't tumayo.

Pinasidahan ng titig ni Misis Samira ang anak at hindi nakaligtas ang pagpatak ng mga luha't humingi ng kapatawaran sa anak.
Niyakap siya si Sabel na ikinahikbi niya ng tuluyan.
'' Patawarin mo ako Isabel, alam kung isang pagkakamali ang nagawa kung ipapakasal ka kay Mr. Sebastian.'' Anito't humiwalay.

'' Mama, huwag niyo na pong isipin iyon. Para narin po sa companyang pinaghirapan ninyo ni papa, gagawin ko ang gusto niyo. Basta alam kulang ligtas kayo at hindi masasaktan.'' Pekeng ngiting ani Sabel at pilit pinatatag ang sarili.

'' Its my fault...matatali ka sa lalaking hindi mo mahal, anak. And I'm so sorry. I'm sorry for being bad mother to you.'' hilam ang luhang sambit ni Misis Samira.

Napahikbi ng tuluyan si Sabel at dahilan para unti-unting masira ang make-up niya.
'' Hush, baby. Don't ruin your make-up. Please, tama na baka magalit si Joaquin kapag nakita kang nagka-ganyan. Sige na, tama na. Huwag ka ng umiyak.'' Puno ng pag-alalang paki-usap ng mama niya.

Muling inayusan ng baklita ang make-up ni Sabel. Isang simpleng make-up iyon ngunit kayganda niyang pagmasdan lalo na sa sexy at hapit nitong white gown na abot lamang iyon hanggang hita niya. Nakapusod ang buhok nito't suot ang kumikinang na takong---tila tulad iyon ng perlas dahil sa kintab.

Inalay ni Joaquin papunta sa kanya ang palad nito at ng tuluyan siyang makalapit dito ay saka ito bumulong sa kanya.
'' Act for what i want, Sabel. Don't you dare to show them that your against this enggagement.'' Anito.

Tumalim ang tingin ni Sabel sa kanya saka pumekeng ngumisi at tulad ng binata ay bumulong rin siya.
'' Don't worry. I'll make sure you be the happier monster tonight. Happy now?'' Sarkastikong aniya't naunang humakbang.
Nagtagis ang pangang sinundan ng mata ni Joaquin ang papalayong dalaga bago nito tinawagan ang inatasang bantay at sinigurado ang lahat.
''Make sure, that he's probably witnessing the show.'' Tugon nito't ngumisi ng malademonyo.
'' Copy, Boss.'' Tinig ng babae sa kabilang linya't agad na ibinaba ang tawag.

Napakunot ang noo ni Gilbert at naiinip na rin siya dahil kanina pa siya nag-aantay sa kasosyo daw nitong inirokemanda ni Gal sa kanya. Na-upo siya sa silyang nakabakante at niriserba para sa kanya at hindi niya maalis sa sarili ang hindi magtaka. Bago paman siya tuluyang mainip at magpasyang tumayo para umalis ay nagsalita na ang emcee para simulan ang dalawang taong e-enggaged sa gabing ito.

Walang kaalam-alam sa mga oras na iyon si Gilbert maski si Gal na ikinadurog ng husto ng binata ang huling nasaksihan.
His eyes can't blink any seconds...ayaw niyang kumurap, ayaw niyang ialis ang mata sa babaeng may magandang ngiti sa harap niya habang sa ibang lalaki ang deriksiyon ang kanyang mga tingin na noon sa kanya lamang nakatitig.
Unti-unti, bumagsak ang masaganang luha ni Gilbert habang kuyom ang magkabilang braso nito.
'' Maraming salamat sa inyo dahil narito kayo para saksihan ang enggagement party namin ng Fiance kung si Isabel Fuentanilla.'' Masayang turan ni Joaquin mula sa mikropono.

Nagawang ngumiti ng mapait ni Gilbert at agad na tumingala para ikubli ang sakit na naramdaman. Ngunit, hindi kayang makipagsabayan ang mga luha niya at patuloy lamang iyon sa paglandas. Kaya hanggat kaya pa niya ay agad siyang tumalikod at humakbang palayo.
Mabilis niyang pinasibad ang kotse nito at sa isang tahimik at walang katao-tao niya inilabas ang hinanakit at buong lakas na sumigaw.

OBSESSION SERIES 2: Gilbert Gustav (COMPLETED_Under for Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon