KUMUKULO ang dugong ginawang punching bag ni Sabel ang tagiliran ni Uno na siyang panay ang iwas ng huli. Halatang nanggigigil ang dalaga kaya't nangingiting sinalubong na lamang ni Uno ang pagsuntok nito hanggang sa tumigil ito at galit na ibinagsak ang mga globs na ginamit.
"Mukhang may tinatago kang galit sa akin ah? Panay tira mo kahit dehado na ako," nakangiting sabi ni Uno at tinungo ang lalagyan ng mineral water nito saka kinuha iyon sabay iniabot iyon papunta kay Sabel.
"Oh, tubig!" pag-abot niya't umupo sa bakanteng silya.
Tinapunan lamang ng tingin ni Sabel ang kausap bago tinanggap ang ibinigay nito.
"Tch! Naiinis ako. Huwag mo na lang akong kausapin sa ngayon, na hi-high blood pa ako," kunot-noong sabi ni Sabel bago binuksan ang takip ng mineral water.
Natatawang iniling na lang ni Uno ang kanyang ulo bago tumayo.
"Chill ka lang! Sabihan mo lang ako kung anong balak mo. Resbakan natin ang muklo na 'yun ng hindi ka na ma-highblood riyan!" nakangising wika nito sa kanya.
Isang malakas na sapok sa batok ang ipinagkaloob ni Sabel rito at sinamaan ng tingin pagkatapos.
"Psh! Tumahimik ka na lang. Ako nang bahala sa kanya," seryoso ang mukhang saad ni Sabel saka sumilay sa labi ang tipid na ngiti.
Bago pa man kasi siya muling mahalikan ng lalaking iyon sa gabing nagdaan ay dumating na si Uno at walang pasabing sinigawan at sinuntok ang lalaking may hawak sa braso niya at agad siyang ilayo mula rito.
And she thanks after all,
kahit pa na may nangyari sa kanila ng lalaking iyon ay hindi niya papangaraping panagutan ito. Bagkus, nabawasan na ang kaunting paghanga niya sa lalaki at pinalitan iyon ng takot at pagkairita.
"Sinuswerte ang damuhong 'yun kung sa inaakala niyang mapapayag niya ako. Pwes! Nagkakamali siya. Ang kapal talaga ng apog niya! Ako itong babae pero ako pa ang talaga ang managot. Haist! Kapal! Ang kapal!" nanggigigil niyang sabi na ikinangiwi ni Uno.
INIISA-ISANG kinolekta ni Gilbert ang mga Personal Data ng mga crew na siyang nag catter kagabi sa mansion nila at inabala niya ang may-ari ng restaurant na siyang namamahala.
Tila pinagpawisan si Mr.Arth, ang lalaking nakatayo sa kanyang tabi dahil, hindi niya matandaan ang mukha ng babaeng pinapahanap nito. Hanggang sa natigilan at nahinto si Gilbert sa isang file at nahanap niya ang kanyang hinahanap. Isang ngiting tagumpay ang ibinigay niya sa lalaking nakatayo na ikinahinga naman ng maluwag ng huli.
"I'm sorry for making you bottered Mr. Arth. Thanks for this info, sana naman hindi ito makakarating kay Kuya, okay?" naka-ngiting wika niya sa lalaki na ikina-ngiting pilit ng kausap nito.
"I will, Mr. Gustav," sagot sa kanya ni Mr. Arth bago niya ito iniwan at talikuran.
Isang ngising nakakaloko ang sumilay sa sulok ng labi ni Gilbert matapos niyang makuha ang kanyang gusto. Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil, hawak na niya ang impormasyong gustong-gusto niyang malaman.
"Sabel Linares," pagbigkas niya bago niya tinupi ang kapirasong puting papel at isinuksok sa bulsa ng kanyang pantalon.
Umupo siya sa loob ng kanyang Audi habang kinakalikot ang kanyang cellphone. Nag-research siya tungkol sa pangalan na nakalap niya at ganoon na lamang ang pagkunot ng kanyang noo ng walang mai-labas ang internet. Bagkus ay inire-komenda lang sa kanya ang hindi pamilyar na pangalan.
"Isabel Linares Fontanilla," nakakunot-noo niyang sambit at makahulugang minasdan ang impormasyong nakalap.
Bagamat nag-aalangan ay hindi na niya inisip pa ang dahilan ng dalaga kung bakit hindi nito isinulat sa Resume ang totoong apelyido at buong pangalan.
"Hmp! Interesting," nakangising naisatinig na lamang ng kanyang isipan.
KINAGABIHAN, hindi dinalaw ng antok si Sabel matapos mapanaginipan ang kanyang inang nakahilata sa kama at umiiyak habang tinatawag siya nito. Bumundol ang kaba sa kanyang dibdib at kaagad na naisipang tumawag sa kanilang mansion.Nakailang tunog ang telepono ngunit walang sumasagot. Hindi siya nawalan ng pag-asa kung kaya't muli niyang tinawagan ang memoryadong numero ng kanyang ina.
Nakahinga siya ng maluwag ng sumagot ito. Ngunit, natigil na lamang siya ng hindi ang kanyang ina ang kausap niya.
"Hello, sino po sila?" inaantok ang boses ng babaeng sumagot mula sa kabilang linya.
"Si, Isabela ito. . ." mahinang sagot niya sa kausap.
Tila nabuhayan ng dugo ang kinausap nito at halatang nagulat.
"Maam! Ay! Señorita, Isabel. Diyos ko! Salamat naman at tumawag ka," anito.
"May problema ba, Jeneve? Ang mama, k-kamusta na siya?" kinakabahang tanong ni Sabel.
"Pasensya na señorita, pero may malubhang sakit ang iyong Mama. Hanggang ngayon ay nakahiga pa sa kanyang kama at lagi niyang tinatawag ang pangalan mo. Kanina lang umaga po ay binisita ulit siya ni sir Sebastian at nagpapasabing harapin mo raw siya,'' mahabang wika ng kanyang kausap.
Sumikip ang dibdib niyang naikagat ang ibabang labi at agad na bumaba ng kanyang higaan. Habang ningatngat niya ang kanyang mga kuko sa daliri dahil sa kaba at tensiyon ay napapa-isip siya ng malalim. Tiyak niyang nagkasakit ang kanyang mama dahil, sa pagsuway niya rito.
She sighed,
"Pwede mo bang bantayan ang mama para sa akin? Uuwi ako kapag okay na pakiramdam ko," aniya at tuluyan ibinaba ang tawag.
KINABUKASAN, malawak na nakangiti si Sabel habang pumalapakpak sa harap ng mga estudyanteng tinuruan niya. Isa siyang Kindergarten Teacher na lingid sa kaalaman ng iba.
Pagkatapos ng klase ay isa-isang lumabas ang kanyang mga estudyante at isang batang lalaki ang umagaw ng kanyang atensiyon ng kalabitin siya nito at kinukulit na naman.
"Teacher Sab! Teacher Sab! Can you date my dada? Please. . .pretty please?'' nakangusong pag-puppy eyes ni Angelo na noong isang linggo pa niya hiniling at muli na namang ungkatin ngayon.
Natawa na lang at naiiling sa harap ng bata si Sabel at nameywang ito sabay kunot-noo.
"Sorry, Angelo. But, I can't. You know naman na busy si Teacher, diba? So, teacher Sabel can't go on date," nakangiti niyang pagtanggi sa kausap na batang lalaki.
Ngumuso sa kanya ang bata na para bang naiiyak na ito dahil sa kanyang pagtanggi.
"But, your single diba? You don't have a boyfrien---" putol ang sambit ni Angelo ng may tumakpan sa bibig nito na ikinanlaki ng mga mata ni Sabel nang makita at makilala ang taong iyon.
"She is not a single anymore, you duck! Your teacher Sabel is only belongs to me," baritonong ani ng lalaki na ikinasama ng mukha ni Sabel.
"Excuse me! Kilala ba kita?" kumukulo ang dugong naitanong niya na ikinangisi lamang ng lalaki.
Tinapunan ng tingin ni Sabel si Angelo na ngayon ay naiiyak na kaya niluhuran niya ito at inalo.
"Don't mind him, sweety. Sige na. You can leave now. Kakausapin ko lang 'tong lalaking ito," malambing niyang sabi na ikinaangat ng kilay ni Gilbert na animo hindi nagustuhan ang sinabi ng dalaga.
"Date my dadda po. He promise to me he, buy me stuff if you go on a date with him," naiiyak pakiusap ni Angelo na ikina-buntonghininga ni Sabel. Tumayo siya at hindi natuloy ang pag-node niya ng magsalita kaagad si Gilbert.
"No! She can't go and she never do that. I can buy you stuff if you want," saad ni Gibert kay Angelo na ikinanganga ni Sabel at hindi pinahalatang nabibilib sa kakapalan ng mukha nito.
"Sure?"
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 2: Gilbert Gustav (COMPLETED_Under for Revision)
RomancePreserving one's dignity is important to Gilbert. He is the only man who is afraid to socialize with women. That is why he is a certified never-been-kissed, never-been-touched. How come a night of temptation broke his innocence? A night with a str...