[7]

4.2K 90 40
                                    

"Hija! I am so glad to see you!"

Pagdating palang namin sa bahay nila ay niyakap na agad ako ni Ninang Priscilla. She still looked elegant as ever and wore classy clothes kahit na nasa bahay lang siya.

I remember the first time I was here and how young I was. Nothing changed in their house. Siguro taon lang din ang lumipas noon.

"I always wanted you to come here more often to sleepover! You know I always wanted to have a daughter. Lahat kase ng kasama ko dito mga lalaki. Wala tuloy ako ma-spoil na babae!" Kwento niya habang papasok kami ng bahay nila. Nakasunod naman sa amin si Santi, dala yung gamit ko.

Gabi na nung nakaalis kami sa unit ni Trent. Hindi man lang nga siya nagpaalam sa akin ng maayos he just said bye and went inside his room. Si Iñigo naman sumabay na din pababa sa amin.

"Nasaan kapatid mo, Santiago? Hindi daw ba siya uuwi dito?" tanong ni Ninang sa anak.

Trent never said anything to Santi except 'bye'. Hindi ko alam kung in good terms ba sila at parang di sila nagpapansinan. Usually naman suplado talaga si Trent kaya di ko rin sure.

"Wala siyang sinabi, Mama." sagot ni Santi.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Binigay niya ang mga bag ko sa mga katulong at umupo muna kami sa living room. I've always admired how they designed the whole place. Halatang-halata mo talaga kung gaano sila kayaman. It speaks of modern and classical design.

"Nako, ilang linggo na siyang di umuuwi. Tell him, does he still have a mother? Parang di niya na ako naalala." sabi ni Ninang, may bahid ng pagtatampo sa boses.

Ngumiti lang naman si Santi na parang natatawa. "Pagpahingahin mo na si Tria, Mama. Baka antok na." Santi said to his mother.

Ang taas pa kase ng energy ni Ninang. Parang gusto pa niya makipagkwentuhan sa akin pero napagtanto niya sigurong pagod at antok na ako.

"Oh yes! Sige, pahatid nalang Santiago. Bukas na tayo magkwentuhan, hija! I'll just ask someone to bring her milk." Ninang said and looked at me with so much adoration. Kulang nalang ata may makita akong heart sa eyes niya.

"Thank you po..." I said at sumama na kay Santi paakyat ng hagdan.

Wala ni isa sa amin ang nagsalita. It felt awkward. Naalala ko pa yung huling sinabi ko sa kanya dito. Nakakahiya talaga yun! Ano ba kase ang iniisip ng twelve year old me at nagawa niya yun? Ang tanga!

Pero at least alam niya dati na crush ko siya. Tapang ko pa 'non. Something na hindi ko siguro kayang gawin ngayon.

He opened the same room that I slept in nung huli kong punta dito. The sheets are no longer floral but it seems like pangbabae pa rin ang designs.

Iniisip ko kung papasok na ba ako dahil nakadungaw lang kami pareho.

"Uh.. good night? I guess?" panimula ko at pumasok na sa kwarto.

He wanted to say something but he quickly dismissed it. Ngumiti nalang din siya ulit. I just realized how the both of us grown. He is onto his last year in college habang ako naman ay malapit na rin magcollege. We have grown a lot from the last time we encountered each other.

"Good night." tipid siyang ngumiti at naglakad na palayo.

Sinara ko na ang pinto at pinagmasdan ang buong kwarto. May walk-in closet din ito. Pumasok ako roon at nakitang may mga damit na magaganda na may sticky note na nakalagay, 'Asteria'

Totoo pala yun sinabi ni Ninang that she will spoil me? Lol.

I quickly did my night routine at humiga na sa kama. Inisip ko pa rin yung nangyari kanina pero alam ko kakayanin ko pa man. I am not as weak as other perceived me to be. Maaring iyakin ako pero di ako madaling sumuko. I just know that suppressing my emotions wouldn't do me any good to my mental health, baka lumalala lang.

Searching the Stars (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon