After my debut, everything started going well for me.
Eros stopped bothering me... maski kausapin ako hindi niya na ginagawa. Pati nga din ang tingnan ko. Buti naman at hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya kung patuloy niya akong guguluhin.
Mommy told me na pwede na daw ako bumalik sa condo o bahay namin, but then Miriella offered me to stay in a condo together. Malapit lang din sa Brierwell para pwede nalang namin lakarin. It's in the same building as Trent's condo kaya familiar ako dun.
I told Mommy about my plans of being roommates with Rie and she supported me. Medyo may kalayuan rin kase ang bahay namin sa school, kaya pumayag na siya. Sinabi ko rin kay Trent yung plano kong 'yon.
Before the 2nd sem starts, napagdesisyunan na namin ni Rie na kunin yung condo. We will take halfs sa bayaran as promised. Sinabi pa nga niya na okay lang sa kanya kahit siya na ang magbayad ng lahat, at tutal siya naman ang pumilit sa 'kin dito.
"I'll miss you, hija. Wala na ako kasama magshopping." Tita Priscilla told me with a sad face.
Lumapit ako kay Tita at niyakap siya. She's like my second mother the whole duration of my stay here. I appreciated everything that she had done for me and how she took care of me like her own daughter.
"Bumisita ka, hija!"
"Of course, Tita."
I turned to Trent. He was frowning. Kala naman niya hindi na kami magkikita. In fact, we're in the same building and same floor. Hindi ko alam kung sinadya ba 'to ni Rie dahil nakwento ko noon kung saan nakatira si Trent. May condo rin kase si Prince doon.
I also spent my Christmas and New Year with them, dahil yun yung request ni Tita. Kasama din naman namin si Mama at saka sina Iñigo at Daphne. I also spent a part of my holidays with Mama, Iñigo and Daphne with Lolo and Lola in Batangas.
"Ang drama mo!" I said lightly slapping him because he really looked sad.
"Hindi na kita makikita sa morning..." sabi niya.
Tumawa naman ako. Buti nalang at kaming dalawa nalang dahil papunta na kami sa kotse niya. Ang landi kase ng isang 'to!
"Tsk. We live in the same floor and the same building. Dali-dali lang kaya maglakad. Parang nasa bahay lang din tayo." I said.
"Guess I should go back to my condo huh?" he says.
Umiling nalang ako nung hinatid niya ako sa bagong condo namin ni Rie. She's already there at mukhang marami na naayos dahil may furnitures na rin! Nahiya naman ako.
"Oh! Hi, Trent!" she greeted. "Nasan pinsan mo?" she innocently asked.
What a coincidence lang din at halos lahat kami sa pare-parehas na condominium nakatira. Dito rin kase sina Iñigo, different tower nga lang. Si Prince naman daw, sa ibang floor, kwento ni Trent.
Property kase 'to ng mga Montereal. It's one of their projects kaya naman halos lahat sila may condo dito. No one wanted to get the penthouse, kaya pumili nalang sila ng floor na para bang kendi lang 'yon. Dalawang unit na pinagsama ang unit ni Trent kaya mas malaki 'yon kumpara sa mga ibang unit dito sa floor.
"He's probably in his condo."sagot naman ni Trent.
"Aww. Sana sinama niyo," sabi ni Rie.
Napasapo ang noo ko para kay Rie, hindi ko alam kung ano nangyari sa ibang mga crush niya at mukhang si Prince nalang ang gusto niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Searching the Stars (Montereal Series #1)
Fiksi RemajaMontereal Series #1 Asteria Margaret Elizalde has always wondered how her life would turn out in the future. All she wants is to achieve her dreams, marry her crush, live the life of luxury that she is used to, but when things start falling apart sh...