[8]

4.1K 108 22
                                    

"Are you sure you're going to drive me to school? Iba ang daan papunta sa amin."

Nakatayo lang ako sa gilid ng kotse niya. I didn't wanna be a hassle to him. Sapat na nga yung pinatira nila ako sa bahay nila, baka mamaya malate pa siya papuntang Brierwell, kasalanan ko pa. Konsensya ko pa.

"Just get in. Hindi mo rin naman alam ang daan papunta diba?" sabi niya sa akin. "Ano? Sasakay ka ba? Aalis na ako."

Hmp. Masungit na naman siya sa akin. I don't understand him sometimes. Minsan mabait siya, pero madalas talaga he's suplado. He's so confusing.

Pero he's right. Hindi ko nga alam ang papunta mula dito. I guess I have no choice, huh?

"Okay." sabi ko nalang at sumakay na.

As soon as I got in, he didn't even spare me a glance and started driving. He was just driving with his one hand, habang nakasandal sa bintana ang siko niya.

I felt so awkward. Pakiramdam ko ang tahimik masyado. Hindi ako sanay na walang patugtog pag nasa kotse. Nakakahiya naman dahil nakikisakay lang naman ako. It must've been a hassle for him too to drive for me.

"Sorry. You have to drive for me pa," I started. "Promise! I'll find a way to commute! Para hindi na rin hassle sa inyo. Baka ma-late ka pa..."

"Puro mga private vehicles lang ang dumadaan dito, I don't think you can find a way to go home with that," he told me. "I don't mind anyway. My class starts at 9. I'll have plenty of time, then."

Tumango nalang ako.

"What time is your dismissal?" he suddenly asked.

"Wag mo na akong sunduin! Baka naman may susundo na sa akin mamaya!" agad kong sabi.

He looked at me and raised one brow. I noticed that we stopped because we're at the stoplight. His attention is solely on me right now.

"Who said I'll fetch you?" he coldly said. "I am just asking, in case Mama would ask me."

Right! Tinatanong niya lang naman!

"Oh... sorry. Pero mga 3:35pm." sagot ko.

He just nodded and returned his gaze on the road. Napatingin nalang ako sa may bintana, watching the cars. Bigla ko naman narinig na may tumunog. I looked at the monitor in his car and saw a name that I heard last night.

Audrey Sandoval calling...

Tiningnan niya lang 'yun at pinatay ang tawag. Hindi ba magagalit 'yung babae?

"Bakit hindi mo sinagot?" tanong ko. "Baka magalit."

He glanced at me for awhile. "I'm driving. She can wait later." sagot niya.

Hindi nalang ulit ako nagsalita. Hindi naman kami close. Baka isipan niya nahihimasok pa ako sa buhay niya. I wanted to ask him if it's his girlfriend, pero nahihiya ako.

Tumunog ulit yung phone niya pero patuloy niya pa rin pinapatay ang tawag. Umismid nalang ako at sinandal ang siko ko sa bintana.

"Thank you." sambit ko sa kanya bago sinara ang pinto. I didn't even need to tell him the directions dahil alam niya na ang daan dito. Sakto rin naman na 30 minutes before the time at nakarating kami. Kung ganon, makakarating pa rin nga siya ng mga 9 sa school nila.

Tinangunahan niya lang ako at tumuloy na agad sa pag-drive.

"Tria?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. It's Aria! Ngumiti siya at tumakbo papunta sa akin. I smiled back.

Searching the Stars (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon