[32]

4.4K 83 23
                                    


"What are you doing here?"

He stood in front of me with a neutral expression. His eyes drifted down from my face down towards at what I'm wearing, his jaw suddenly clenched and his brows furrowed. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nainis habang nakatingin sa suot ko.

"I said, what are you doing here?" I repeated, crossing my arms. "Paano ka nakapasok dito?"

"I rented this place," malamig niyang sabi.

Kumunot ang noo ko. How did he rent this place when I'm the one who rented it? Sigurado naman akong wala ngang magrerenta nito at sinabi naman ni Lola na wala. Kaya anong sinasabi niyang siya ang nagrenta dito?

"What? That's not possible! I am the one who rented this place." mariin kong sabi. I pointed the door and stomped my feet. "Get out!"

"You won't believe me?" he said, a little bit tired. Siguro ay ilang oras din siyang bumiyahe dito. Tiningnan ko ang oras at nakitang mga 11 PM na pala.

He whipped out his phone from his jeans and pressed something. He is calling someone. My brow slightly raised. At sino naman ang tinatawagan niya?

"Hello? Trent, bakit ka napatawag?" si Lola.

Nanlaki ang mga mata ko. May contact siya kay Lola? How? My grandmother knows what happened with me and him. Paanong nakakausap niya pala ito?

"Lola, si Tria po ayaw maniwala sa sinasabi ko. Pinapaalis niya po ako dito," he said while looking at me.

I just crossed my arms and raised a brow at him.

"Nako, Tria! Wag mong paalisin si Trent! Totoo ang sinasabi niya. Nirenta niya talaga ang villa na 'yan!" sabi ni Lola.

Lumapit ako kay Trent para kausapin si Lola. Napatingin lang naman siya sa akin. His tall height is towering me too much na pakiramdam ko ay kita niya na ang dibdib ko. Agad ko naman inayos yung robe. I won't allow him to see anything!

"Ano? Pero, La. I rented this place, first. Paano naman nangyaring siya ang nauna dito?"

"Nako, akala ko naman kase, magkasama kayo! Kaya hinayaan ko nalang. Hindi naman pala kayo magkasama." sagot ni Lola.

Napasapo ako sa noo ko. Alam kong tumatanda na si Lola pero nakalimutan niya na ba na hindi na kami ni Trent? O na wala na talagang namamagitan sa aming dalawa? Nakalimutan niya na ba ang ginawa niya sa akin.

"Fine, Lola. Lilipat nalang ako ng ibang villa. O di kaya dyan nalang sa bahay." sabi ko.

"Ha? Nako, hija! Punuan na ang lahat! Hindi ka rin pwede dito sa bahay at masyado maraming gamit, wala kang matutulugan!" natatarantang niyang sabi.

Ano? Edi saan nalang ako tutulog? Sa dagat? Sa buhanginan?

"Just stay here." Trent said. "Dito nalang po siya. I don't mind. I rented this for the two of us anyway." he told my grandmother.

I raised my brow at him. There's no way I'm going to sleep here with him. Not after what he did to me at his office. I suddenly remembered what happened. I kissed back! Now, he's probably thinking I still love him or something.

"Ayun naman pala, wag ka nang maarte, apo. Magkakilala naman kayo. Makisama ka nalang sa kanya." sabi ni Lola.

I glared at Trent before looking at his phone again. Ayoko naman bigyan pa ng sakit ng ulo si Lola. Kaya ko naman sigurong tiisin 'tong lalaking 'to. I mean, I did live with him, for like a year or so.

"Sige po, Lola. Dalawa naman po, kwarto dito." sagot ko nalang.

Humalaklak naman si Lola. "Sige, apo! Enjoy!" huling sabi ni Lola bago pinatay ang tawag.

Searching the Stars (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon