"Good morning Architect!"
"Good morning." bati ko at ngumiti.
Pagkatapos nung gabi na hinatid ako ni Trent ay halos hindi na 'to maalis sa isipan ko. Gaya nung sinabi niya ay umiwas nga siya sa akin. He would only talk to me if it's work related.
"Hey, girl. Kamusta?" tanong ni Rie. She's back dahil kakatapos lang ng project niya sa may Bohol.
Ilang linggo rin ang nakalipas na noong pag-uusap namin na 'yun. So far, okay naman. Pero ramdam ko pa rin ang awkwardness.
"Fine, buhay pa naman." sabi ko at tumawa.
Nakita ko naman bigla si Trent na nakasalamin na pumasok. Binati siya nung ibang mga tao ngunit tinanguhan niya lang naman ito.
"Grabe, mas gwapo na talaga siya ngayon 'no?" sabi ni Rie habang sinusundan ng tingin si Trent. "Alam mo ba, ang daming nalilink sa kanya na babae? Puro mga models at ang gaganda!"
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Alam ko naman yun. Paminsan-minsan ay sinusubukan kong makibakita sa kanya. Madalas ko nga marinig 'yung mga balitang 'yan. He's linked to a lot of women. Hindi ko nga lang alam kung totoo.
"Talaga? Good for him." sagot ko.
"Oo, ang dami ngang nagsasabi na sila daw, pero 'di naman ako naniniwala dahil mukhang one sided lang. Hindi rin naman ata alam ni Trent na sila pala!" sabi niya sabay tawa.
I bit my lip, thinking about him with another woman. Dati, ni hindi nga daw siya kumakausap ng babae. Tapos ngayon, ang dami ng babae na umaasa? Wow, people really do change huh?
"Grabe, I thought you still love him, ba't parang wala ka naman reaksyon sa mukha?" sabi ni Rie.
I shushed her. Baka mamaya may makarinig. Ayoko naman na makarating pa sa kanya 'yon. Baka isipan niya in love pa rin ako sa kanya.
"Pag ikaw talaga narinig niya, isusumpa kong hindi ka makakapagasawa." sabi ko.
She held her chest. "Hoy! grabe ka! Oo na, tatahimik na nga po." she said, zipping her lips.
Umirap lang ako sa kanya at inayos ang mga gamit ko. Ang daldal talaga nitong si Rie! Hindi ko tuloy alam kung swerte nga ba ang mapapangasawa niya o hindi.
"Architect Elizalde, tawag na po kayo sa meeting."
Tumingin ako kay Rie. "Talk to you later, may meeting ako. I have to present this." sabi ko habang dala ang mga gamit ko.
"Good luck girl!" she cheered.
Pagpasok ko naman ay nandoon na si Trent nakaupo. Tinanggal niya na rin ang salamin niya at nakasakbit lang 'to sa polo niya. Gosh, I gotta admit he does look hotter now compared to when we were in college.
I looked away. Hinanda ko naman na yung laptop ko, at mga kailangan para sa presentation. His presence shall not disturb me from my work.
Biglang pumasok si Elijah Gallego, yung current CEO nang Gallego corp. Kilala ko siya dahil kapatid siya nung batchmate kong si Emma. He also used to be the team captain of Brierwell's basketball team. Which, Trent used to be a part of. Madalas din kase ako tumambay sa mga trainings niya at manood ng games nila.
"Mr. Gallego," bati ni Drake. Lumapit din si Trent sa kanya at binati ito. Nalipat naman ang tingin sa akin ni Elijah, he smiled.
"Architect Elizalde, long time no see." bati niya sa akin. "Ang ganda mo pa rin, in fact mas maganda ka ngayon."
I let out a small laugh. "Of course, I'm happier now."
"Single pa rin?" sabi niya, at lumapit ng konti sa akin. "I'm available."
BINABASA MO ANG
Searching the Stars (Montereal Series #1)
Novela JuvenilMontereal Series #1 Asteria Margaret Elizalde has always wondered how her life would turn out in the future. All she wants is to achieve her dreams, marry her crush, live the life of luxury that she is used to, but when things start falling apart sh...