WHY?

43 3 0
                                    

Bella's POV

Today is "The" day! I am waiting for my friends to come, nauna kasi ako sa venue dahil my Dad is the President of APSTD which is a organization for Private schools, kaya bawal siyang ma late. Ang
tagal tagal nila, so I decided to find a near cafe or kahit McDonalds lang. I think today will be a great day, may malapit kasi na 7 eleven sa venue ng event and nakakatikim ako ng mogu mogu, as I entered the convenient store I saw a guy and ang weird niya he's just looking at the drinks in front of him na parang hirap na hirap siyang pumili, hinintay ko siya pumili kasi sa sobrang tangkad niya hindi ko makuha yung mogu mogu ko. Hindi ko na napigilan ang bagal talaga niya mamili kaya nag papansin na ako "Ehem." Sa tangkad ng lalakeng to a single
Ehem startled him, bakla ata to sayang gwapo pa naman.

The contest started at sa wakas kasama ko na mga friends ko, sobrang tagal nilang nakarating. Naunang lumabas yung mga girls kaya sigawan lahat ng mga lalake from different campuses while si Mae puro chaka ang sinasabi. Tapos biglang lumabas na din yung mga lalake, nag tilian lahat ng mga girls while ako lowkey lang na nanonood.

"Bella, mamili kana!"
"Mae, wala namang gwapo."
"Bulag ka ghourl? Kadami oh!"

Hindi ko alam kung anong nakikita ni Mae, para saakin wala namang ganun ka gwapo sa mga contestants..... Wait, is that the guy kanina sa convenient store? Oo nga siya nga akalain mo contestant pala siya, well gwapo naman I think pwede na para makalimutan ko si Dylan.

"Mae, yun oh gwapo."
"Omgiiieee! Si Kuya Cale pala type mo hahahaha!"
"Kilala mo?"
"Oo naman! Kasama ko siya sa isang organization na tumutulong sa mga less fortunate. Yung sinalihan ko nun."
"Ahh."

Top 5 na yung kinukuha, wala ng representative ang Gospel pero si Cale kasama padin. I was staring at him ng biglang tumawag si Mom na kailangan ko daw pumunta sa gymnasium sa gilid ng venue na to kasi yung little brother ko na si Jonathan will be playing, ano pa nga ba edi basketball so I said okay.

"Guys I need to go, papanoorin ko little brother ko."

Then they said goodbye pero si Mae iba talaga "Bumalik ka dito may gagawin tayo." She whispered.
"Oo na babalik ako." I replied kahit hindi ako sure.
I enjoyed watching kids basketball like nakakatawa sila kasi minsan pinapasa nila sa kalaban yung bola tapos 2nd quarter na wala pang nakakashoot haha!
Pero at least nanalo sila Jonathan, kaya proud na proud sila Mom and Dad. Paalis na kami ng biglang nag message saakin si Mae.

"Saan kana?"
"Ito na pabalik na ako."
"Bilisan mo announcement na."

Sa sobrang takot ko na baka hindi ko na maabutan, tumakbo ako ng sobrang bilis. Then I saw Mae, bigla niya akong hinila papunta sa backstage.

"Mae anong ginagawa mo?!"
"Kailangan mo na mag pakilala at mag pa picture kay Kuya Cale bago ka pa maunahan."
"Hindi tayo papapasukin bawal mga audience sa loob."
"Bella nakakalimutan mo ata na anak ka ng Presidente ng APSTD."

Totoo nga, tama si Mae sinabi niya lang na anak ako ni President Delgado pinapasok na kami. Nakita ko si Cale, hindi ko siya tinawag na Kuya kasi hindi naman kami close si Mae lang ang tumawag sakanya na Kuya. Nakatayo lang siya tapos nag iisip siguro kung siya ba yung mananalo "Kuya Cale?!" Sigaw ni Mae. "Mae? Ayos ah andito ka." Sagot ni Cale. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kaya ngumiti nalang ako. "Ikaw yung babae kanina diba? Yung gusto ng mogu mogu?" Tanong ni Cale. "Oo, ako nga." Sagot ko. Nainip na ata si Mae kaya kinuha na niya agad phone ko tapos kinuhanan kami ni Cale ng picture. And after that He won.

Nag kwentuhan muna kami ng mga friends ko bago ako umuwi kasi gusto nila malaman kung may pagasa ba na si Cale nalang magustuhan ko.
Sa totoo lang, mahirap kalimutan si Dylan ang tagal ko na din na nag hihintay na mapansin niya ako. Kaso wala talaga e, may Jen naman na siya.
Baka nga habang ako naka tambay lang dito sa kwarto ko sila mag kachat. *Ting* Huh, may nag message?

D: Bella gising ka pa?
B: Oo bakit?
D: Wala gusto lang kita makachat.
B: Si Jen nalang ichat mo tigilan mo nga ako Dylan.
D: Paano pag ikaw gusto ko?

What? Ako? Bakit? Gusto niya ako? Hindi ko na alam isasagot ko bakit naman ako pa kasi niloloko nito. Lord, please po guide me, para malaman ko kung anong gagawin ko dito sa lalakeng to.

WHY?

WAITING FOR YOUWhere stories live. Discover now