Dylan's POV
5 am palang gising na ako, I need to go to school as early as possible. Dahil ayokong may makakita na may dala akong roses for Bella, and I know na maaga siyang pumapasok kaya kailangan ko talagang mag madali. 7 am na, wala pa akong kasama sa classroom namin. Perfect time para hindi ako makita, nilagay ko yung flowers sa isang pot na puno lang ng tubig. Pinatago ko sa guard house para hindi makita. Then my chocolates din ako na dala for her, alam ko naman na matakaw siya sa sweets kaya nga siya natutong mag bake ng favorite niya na chocolate chip cookies.
I'm not the only one na mag bibigay ng gifts, even si Fifth bibigyan niya din si Annie. And we both decided to go upstairs sa library para sulatan sila Bella and Annie ng letters. Sana hindi sila makahalata kung bakit kami nawawala ni Fifth.
After namin na write ng letters bumaba na kami agad, I saw Bella with Evann tawa sila ng tawa tapos naki sama ako."Anong pinag uusapan niyo?" (Tanong ko)
"Kung gaano kalaki yung butas ng ilong mo." (Sagot ni Bella na tamatawa)
"Bella alam mo ba kung anong araw ngayon?" (Tanong ko.......hindi niya masagot)
"Ano?" (Tanong ni Bella)
"Girl valentines day ngayon! Hindi mo ba nakikita ang daming may dala ng chocolates!" (Sagot ni Evann)
"Ahhh...okay hahahaha!" (Tumatawa nanaman siya)Nakakainis lang na yung bibigyan ko pala ng mga regalo, is walang pake sa valentines. Paano pag hindi niya magustuhan? Kaya nag isip ako ng paraan para hindi na siya magulat. May dumating na staff ng isang donut shop sa school namin. Nag pamigay siya ng mga pwedeng bilhin ngayong valentines day. Kaya kumuha ako ng papel na pinapamigay, and I decided to buy 12 dozen ng donuts and a teddy bear.
Inabot ko kay Bella yung donuts and yung teddy bear and her reaction was priceless, she's so happy.
Hindi ko pa nabibigay yung roses and chocolates pero masaya na siya. Napaka baba lang pala ng kaligayan niya, pero syempre masaya siya kasi galing saakin."Thank youuuu!" (She said)
"Meron pa, but you need to wait for it."
"Huh?"Buong math class kinukulit lang niya ako, "Dylan ano yun?" "A car?" "Oh my bahay?" "Makeup?"
Gustong gusto ko ng sabihin para lang manahimik na siya, pero I didn't kasi it will ruin the surprise. Sayang naman diba kung sasabihin ko nalang sakanya agad. Bigla siyang tumahimik, natatakot na ako baka galit na siya. Tanong kasi ng tanong."Bakit tumahimik ka?" (I asked)
"You're not gonna tell me kung ano yun anyways, kahit anong tanong ko diba?" (Galit na nga)
"Malalaman mo din naman later." (Ang hirap suyuin)
"Okay."Haaaaay! Sana uwian na para mabigay ko na sakanya. Sigurado na pag tumagal pa yung pag hihintay niya, hindi na niya ako kakausapin.
Pero buti nalang binigyan siya ni Evann ng gift, artistic kasi si Evann and lahat ng girl na friends niya binigyan niya ng gift. I wish kasing galing niya ako sa pag gawa ng mga handwritten letters, and sana magaling din ako mag calligraphy para araw-araw kong bibigyan ng notes si Bella. Mahilig pa naman siya mag basa.Finally uwian na, nag mamadali si Bella na umuwi.
Bad trip nga siya, but I held her hand and said "Wait, stay here." Then I ran as fast as I can para kunin yung roses sa guard house. Habang nag lalakad ako pabalik sakanya, She looks so pretty.
Nakatingin lang siya saakin with a blank face.
Hindi ko alam kung naiiyak siya o wala lang talaga siyang reaction. I gave her the roses and kinuha ko na din yung chocolates sa bag ko, she smiled. Ang
bilis ng tibok ng puso ko habang inaamoy niya yung roses, then she said "Thank you." Sobrang happy ako kasi napasaya ko siya today.Hinatid ko siya sa apartment nila, kasi dun daw muna siya mag hihintay kay papa niya bago sila umuwi. Actually gusto kong makapunta sa bahay nila, gusto kong makipag laro kay Jonathan ng basketball. Buti nga close kami ng little brother niya, makulit din katulad ni Bella. Pauwi na ako, and hindi mawala sa isip ko yung reaction ni Bella kanina. Ang ganda ganda niya, inside and out.
I consider myself blessed kasi everything went well today, God is good!Kaso iniisip isip ko padin yung prom, gusto ko siyang isayaw hanggang umaga hahahahaha!
Kaso pupunta pa pala siya sa event ni Donny, tsk.
Mas gwapo pa ako dun, kaso wala akong magagawa fan siya e support ko nalang. Pero sana wag siyang ma late, excited na ako to see her sa prom. Sana bukas na yung prom hahahaha! Well at least makakatulog na ako ng maayos, I made her happy today and that's enough for me to be happy din.She smiled.

YOU ARE READING
WAITING FOR YOU
Roman d'amourThey say there's a season for waiting, but what if you already waited for 6 years and still be friends with the one that you love? Will you still keep on waiting? Or Find someone else? Bella Elise Antonette Morales Delgado was only 6 years old when...