Dylan's POV
Today is Monday, and this week na yung team building pero hindi padin ako nakaka pag ayos ng mga dadalhin ko. Kamusta kaya si Bella parang late siya ngayon ah, napupuyat na ata kakachat kay Cale loko talaga yun hindi ba niya alam na masama mag puyat? Nakakasama talaga siya kay Bella pero ano namang magagawa ko? Wala, kasi hindi naman kami ganun ka close ni Bella para sabihan ko siya.
"Dylan." (Ay ang ganda)
"Bakit Bella?"
"Can I talk to you after class?" (OO NAMAN!")
"Sure, saan?"
"Library." (She smiled and left)Ano kayang sasabihin ni Bella saakin? Baka tatanongin niya lang ako kung paano sila magiging close nung Cale na yun. Hindi ko kasi kayang sabihin kay Bella na gusto ko siya, kasi baka ma reject lang ako. Kaya sinasakyan ko nalang mga classmates ko na baka nga tama sila, si Jen ang para saakin. Pero paano kung si Bella ang mahal ko? Ayokong makasakit pero pag pinilit ko na kalimutan si Bella ako naman ang mahihirapan. Ang hirap hirap.
Walang math class ngayon, kaya ang last subject namin is English favorite ni Bella. Sobrang galing niya mag salita, pag nag salita na siya parang lahat ng sinasabi niya tama. She's so smart, the way she smiled after niya mag salita is just breathtaking.
"Hoy baka tumulo laway mo."
"Grabe naman yun Fifth."
"Crush mo si Bella?"
"Hindi....ko alam."Tinignan lang ako ni Fifth, ayoko mag sinungaling sa sarili ko o kahit kanino. Sana makayanan ko yung sasabihin saakin ni Bella mamaya, kung ano man yun be ready Dylan. And sabihin mo na din sakanya yung nararamdaman mo, wag na maging torpe.
*School Bell*
Papunta na ako sa Library ng biglang kinausap ako ng kaibigan ni Jen, sinabihan niya ako na wag ko sanang saktan si Jen kasi hindi niya deserve na masaktan. Napapansin na kasi niya na malapit na ako masyado kay Bella, gets ko siya gusto lang niya maging okay si Jen. Pero paano naman ako? Ganun ba talaga dapat? Maganda naman si Jen, sweet at iba talaga siya mag effort pero paano kung si Bella ang gusto ng puso ko? Ang hirap talaga.
"Bella." (Kinakabahan na ako)
"Hi." (Naka smile siya pero parang malungkot)
"Ano yung sasabihin mo?" (Lumapit ako sakanya)
"Dylan......I like you." (Prank ba to?)
"Huh?"
"I like you, sorry because I know na happy kana kay Jen but I can't help it. Sawa na ako mag tago, I want you to know how special you are to me. I don't care kung sabihan nila ako ng kung ano ano, kasi pagod na ako. I want to take a risk, I want to love you Dylan Ezekiel Nicholas Castro Alvarez." (She's crying)
"Stop crying."I hugged her, all this time yung babaeng mahal ko ako pala ang gusto. Dahil sa pagiging insensitive ko na sasaktan ko na pala siya, ang tagal niya palang na keep yung feelings niya saakin. Now that I know her true feelings, alam ko na ang dapat kong gawin. She's so brave, she doesn't care about what the others would say. She choose me over kay Cale, sa mga sasabihin ng tao sakanya, sa anxiety niya na baka ma reject siya and she choose me over sa takot niya. Niyakap ko lang siya hanggang sa maging okay na siya, wala muna akong sinabi kasi alam ko na ang dapat kong gawin. *Ting*
"Dylan may sasabihin sayo si Bella."
"Na she likes me?"
"Bro paano mo nalaman?"
"Sinabi na niya and Dave I think alam ko na yung dapat kong gawin."
"Then do it bro!"Hindi ako makatulog, alam ko na yung feelings saakin ni Bella pero wala akong sinabi saknaya. Baka kung ano ano na yung iniisip niya ngayon. Ako naman iniisip ko kung paano ko masasabi kay Mr. Delgado na gusto ko si Bella, na kung pwede akong mag hintay hanggang sa pwede na siyang ligawan.
Gusto ko kasi na malaman ni Mr. Delgado bago ko sabihin kay Bella na gusto ko din siya, para wala na talagang kawala si Bella saakin kasi alam na ng Dad niya na nag hihintay ako. Chat ko nga si JC."JC!"
"Yow! Bakit Dylan?"
"Paano ako aamin?"
"Huh?"
"Gusto ko sana kausapin si Mr. Delgado kung pwede ako mag hintay kay Bella."
"Nako DELGADO yan. Hahahahhaha!" (Loko loko)
"Hahahaha! Pero seryoso, paano?"
"Hintay ka ng chance, pero pag pray mo muna."
"Okay! Thanks bro!"
"Anytime!"Paano ko kaya makakausap si Mr. Delgado? Wait... bukas pala meeting ng mga nag laro ng basketball sa APSTD, chance ko na! Bukas ko kakausapin si Sir, and I hope na maging ayos yung pag uusap namin.
Kinabahan na ako, hindi ko alam kung kakayanin ko, Lord guide me, kung ano man po ang sasabihin ko kay Mr. Delgado bukas. Amen!" Pero syempre sinabi ko na din kila Mama at Papa na hihintayin ko na si Bella hanggang sa maging asawa ko na siya. Walang problema sa parents ko at sana kay Mr. Delgado din.Today is Tuesday, ito na yung hinihintay ko na araw para sabihin kay Mr. Delgado na gusto ko si Bella.
Kaso ang laki ng problema ko, hindi na ako pinapansin ni Bella, kasi wala akong sinabi sakanya nung umamin na siya saakin. Sorry Bella, papaalam muna ako kay Dad mo na future Dad ko na din hahahahaha! Claim ko na!"Lahat daw ng mga players ng basketball nung APSTD, punta na kayo sa office ni Sir!"
Ito na, kinakabahan na ako na para bang pag kinausap ko si Sir papalabasin na niya ako agad.
Lord, let Your Will Be Done! Ito na nakapasok na kami, mukhang good mood naman si Sir ngayon.
Sinabi niya lang na proud parin siya saamin kahit na hindi kami nanalo, buti nalang mabait ngayon si Sir.
Nag paalam na si Sir saamin at isa isa na din silang lumalabas, pero kailangan kong kausapin si Sir."Sir."
"Yes, Mr. Alvarez?"
"Sir, may sasabihin lang po sana ako."
"Sure ano yun?"
"Sir crush ko po si Bella, actually po I really like her."
"And?" (Galit na ata)
"Sir, willing po ako na mag hintay hanggang sa pwede ko na po siyang ligawan. Gusto ko lang po sabihin sainyo na mag hihintay po ako sa anak niyo."
"Okay lang naman saakin Mr. Alvarez or should I call you Dylan nalang?"
"Dylan nalang po Sir."
"Okay, basta I don't want to see my daughter crying.
I want you to protect her, and sinabi na din niya saakin na crush ka niya. Ang gusto ko lang naman is matapos niyo ang pag-aaral niyo tapos makahanap ng magandang trabaho at mabigyan ako ng apo." (Ay apo talaga?")
"Okay po Sir! Salamat po." (I smiled)Ang bait pala ni Mr. Delgado, hindi ako maka move on dun sa apo hahahahaha! I can't wait to tell Bella, tapos saktong nag lalakad sila ni Mae sa hallway. I grabbed her hand at tinakbo siya papunta sa library. Nakatingin lang siya saakin habang hinihingal siya, uunahan ko na siyang mag salita kasi for sure magagalit lang siya saakin.
"Bella I like you and nag paalam na din ako sa Dad mo kung pwede akong mag hintay sayo." (Masyado atang mabilis)
"You did?"
"Oo."
"So you like me?"
"No."
"Huh?"
"I love you."Tapos niyakap ko siya ng sobrang higpit, ayoko na siyang pakawalan. Pero may kailangan pa akong gawin, I need to say sorry kay Jen and tell her the truth. Ayokong makasakit pero mas masasaktan lang siya kung hindi niya malalaman yung totoo. Kailangan ko ng sabihin, pero team building na bukas. Paano ko kaya gagawin?
How?
YOU ARE READING
WAITING FOR YOU
RomantizmThey say there's a season for waiting, but what if you already waited for 6 years and still be friends with the one that you love? Will you still keep on waiting? Or Find someone else? Bella Elise Antonette Morales Delgado was only 6 years old when...