Chapter 16

142 15 0
                                    

Alyza

"Sweetie, parang tumaba ka yata?" pagtatanong dakin ni Jairus.

Paanong hindi ako tataba nito. Wala akong trabaho tapus nasa bahay lang ako. Hindi ako makapagwork out ng maayus dahil puro pagkain ang nakikita ko. Paano ako babalik sa pagiging isang model ko kong ganito ang katawan ko. Two weeks pa lamg ang na kalipas pero ganito na kataba ang katawan ko.

Foods, please layu'an niyo naman ako. Kailangan kong maibalik ang alindog ko. Miss na miss ko na talaga mag photoshoot. Dati sabi ko pagkatapus ng kasal ko titigil mo na ako sa pagtra-trabaho pero ano tong nafe-feel ko ngayon. Parang mababaliw na ako dito sa bahay.

"Paano hindi ako tataba nito, puro pagkain ang nasa lamisa"

"Kaya nga bonubosog kita para hindi kana bumalik sa trabaho mo"

"Pero, honey. Kailangan koren kumita ng pera para sa future ng magiging anak natin. Paano kong mabuntis ako next year at wala pala tayong ipon paano na ang baby natin"

"Sweetie, wag kang mag'alala  nagiipon naman ako at malakas naman ang pagdating ng pera sa restuarant ko"

"Kahit na, gusto koren tumolong sa pagiipon. Para ren naman to sa future ng magiging anak natin ang ginagawa natin"

"Okay, kong mapilit ka talaga hindi kita pipigilan. Basta ipangako mo lang sakin na kakain ka ng marami"

"Pangako sweetie, kakainin ko lahat ng mga niluto mo basta pumayag ka lang na bumalik ako sa trabado ko"

Niyakap lang ako ni Jairus. Ang sweet talaga niya. Ni wala man lang nagbago sa ugali niya. Siya paren ang dating Jairus na na kilala ko noon. Ang dating Jairus na minahal ako. Mas lalo lang siyang naging isang mabuting asawa sakin. Inabot na niya sakin ang niluto niyang adobo.

"Kumain kana sweeite, masarap yan"

Nilagyan na niya ako ng kain sa plano at ulam. Hindi na ako makapaghintay na matikam muli ang niluto niya.  Nagmaisubo ko na ang adobo sa bibig ko para akong masusuka sa lasa nito. Bakit parang ang alat naman ng lasa ng nitulo niya. Agad kong dinura ang kinain ko, kasi hindi ko talaga siya kaya na kainin.

"Shit, sweetie okay ka lang ba? Bakit pangit ba ang pagkakaluto?" pagaalala nito kaya inabutan niya ako ng isang basong tubig.

"Honey bakit ganon ang lasa ng niluto mo, bakit masyadong maalat?"

"Anong maalat, hindi ko naman nilagyan ng patis to. Ito kaya ang parati mong kinakain tapus ngayon ayaw mo na"

"Honey, masyado kasing mapait. Ano ba kasing nilagay mo dito ang sama sama ng timpla"

"Sweetie, wala akong binago sa timpla ko. Kong paano ko ito niluluto araw araw ganon paren ang ginagawa ko. Sweetie naman"

"Tikman ko kaya para ma laman mo"

Tinignan lang ako ni Jairus na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Ang pangit talaga ng lasa para akong kumakain ng mga pinaghalong mga pagkain na nakakukuha lang sa kong saan saan. Pagkatikim ni Jairus ngumit lang siya sakin na para bang wala siyang nalalasahan na kong ano sa niloto nito.

"Sweetie, hindi naman mapait ang niluto ko"

"Honey, hindi ko naman siguro iluluwa ang pagkain na niluto mo kong hindi ako nasarapan. Honey ang pait pait talaga ng lasa"

"Sige na nga lang, ipapakain ko nalang ito sa katulong natin mamaya. Ano bang gusto mong kainin ngayon"

"Mag mall na lang kaya tayo, gusto ko bumili ng milktea"

"Honey, naman hindi ka pa nga kumaan magmi-milktea kana agad"

"Paano nga ako kakain kong ang niluto mo ay hindi gaano ka sarap"

"Tsk"

"Kong ayaw mong sumama sakin, bahala ka"

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko na nasa sala lang namin. Hindi ko nahinintay si Jairus. Gustong gusto ko na kasing uminom ng milktea na maraming pearl sa ilalim. Hindi ko alam kong bakit nagiiba ang panglasa ko siguro dala lang ito ng parating niloloto sakin ni Jairus.

"Sweetie, hintayin mo naman ako. Sasama ako sayo. Baka kong ano pa ang mangyari sayo sa labas"

"Bilisan mo na lang dyan. Naiinip na ako dito"

"Hito na sweetie nag bihis lang ako ng short"

Sumakay na ako sa sakyan namin at sumonod ren siya. Akala ko magpapaiwan siya, sasama ren lang naman pala siya. Sinabihan kona si Manong Berto na sa mall kami pupunta kaya hinated na niya kami doon.

Gusto kong kumain ngayon ng black forest cake tapus uminom ng milktea habang nanonood ng mga taong dumadaan. Hindi ko alam kong bakit ganito ako mag isip ngayon dala lang siguro ng pamamalagi sa bahay. Ngayon lang naman ako nakalabas kaya naninibago ako.

"Isang chocolate milktea nga" wika nong lalaki na nasa gilid ko. Saktong iaabot na niya ang bayad niya ng masilay ko ang pagmumukha niya.

"Dekim? Ikaw na naman at dito pa talaga tayu ulit nagkita sa mall" wika ko na kinagulat ren niya.

"Congrats pala sa kasal mo" wika pa nito.

"Thank you"

"Sorry kong hindi ako nakapunta sa kasal mo subrang busy kasi. Marami pa akong hahabulin na mga deadline sa iba kong pang project"

"Okay lang, successful  naman ang naging kasal ko"

"Sino pala ang kasama mo"

"Ang asawa ko, pinabili ko na muna siya ng cake. Nagugutom kasi ako"

"Ganon ba, umopo na munta tayo habang naghihintay ang milktea. By the way tumaba ka masyado"

"Yun nga ang kinaiinisan ko, balak ko pa naman bumalik sa pagmo-model"

"Ganon ba, kong mag work out ka kaya. May alam akong lugar. Gusto mo tulongan pa kita"

Magwork-out na kasama si Dekim parang magandang idea yun. Para naman ganahan ako sa pagpapaganda ng katawan ko. Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si Jairus. Nilapag nito ang cake na binili niya sa harap ko. Seryoso lang ang mukha nitl na para bang na kakita siyang kaaway.

"Hindi siya sasama sayo sa pagwo-work out. Please umalis ka na nga. Don't try to flirt my wife" wika nito sabay upo sa tabi ko. Nagulat lang si Dekim sa sinabi niya.

"Bro, easy ka lang hindi ko aagawin ang asawa mo sayo. Tinutolongan ko lang siya"

"And I don't want you to help my wife then. At isa pa bakit kaba nan dito?"

"Bumili lang ako ng milktea kaso nakita ako ng asawa mo. Nagkwentohan kami"

"Yun lang ba ang pinunta mo dito?"

"I think so, by the way aalis na ako. Bye Alyza magkita na lang tayo if ever nakabalik kana"

"Bye" sabi ko at tinignan lang ako ng masama ni Jairus.

Bakit napakasama naman ng tingin ni Jairus kay Dekim naguusap lang naman kami at wala naman ginagawa ang tao sakin. Parang galit siya, kainis naman gusto ko ma naman sana magkwentohan kami ni Dekim. Magtatanong lang sana ako kong sino na ba ang bagong trending ngayon nong na wala ako. Kaso itong si Jairus sinindak si Dekim ayun umalis na lang siya.

"Sa susunod ayaw ko ng makita na kinakausap mo siya"

"Honey naman, kong galit ka dahil hindi ko kinain ang niloto mo sorry na at wag mo naman dahil dito ang paggigimoody mo"

"Hindi ako galit sayo na iinis lang talaga ako sa mukha ng lalaking yun"

"Sige na honey hindi na ako makikipag usap kahit kanino"

Binigyan yan lang ako ni Jairus ng isang peking ngiti. Hindi ko alam kong tinanggap na ba niya ang sorry ko. Pero bahala siya nag sorry naman ako sa kanya at isa pa ang pait pait talaga ng lasa ng niluto niya.

----

The Good Boy's Vow - Book2 - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon