Chapter 3

331 34 0
                                    

Apologize









" sinungaling. "


" ano? "


Dahan dahan ang paglalakad ko sa hallway hanggang makaabot ako sa room. Tinatamad pa ko pumasok. Isang linggo na simula nung first day ko dito.


" sabi ko sinungaling ka, akala ko ba out of town ang family ni Ship? Eh anong ginagawa ng demonyo niyang kapatid sa hospital? "


" ah si Allison. "


" kilala mo siya? "


" how can i not know her? Dancer yon don, nakilala ko siya bago ako grumaduate. "


" wag mo ibahin ang usapan. How can you lie to me? "


" ikaw tong nagtatanong. " halakhak niya.


At sa kahit anong bagal ko mag lakad ay nakarating pa rin ako kaagad sa harap ng room. Hindi na ko nag paalam kay Rasheed at binabaan ng tawag.


Pag pasok ko ay tanaw ko agad si Molly na nagbabasa ng libro, i repeat nakita ko Molly na nagbabasa ng libro.


" may sakit ka? " tumaas ang kilay niya nang tignan ako. " nagbabasa ka ng libro. "


" may quiz ngayon sa history, kaya nagtataka ako kung bakit ka late. "


" history my ass, easy lang sakin yan. " ngiwi ko.


Sunod sunod na ang pasok ng mga estudyante. Nagulat ako nang makita ko si Ship pumasok kasama ang iilan sa mga kaklase namin.


" anong ginagawa niyan dito? " hindi makapaniwalang tanong ko.


" obviously, classmate. "


Nagtama ang tingin namin, nawala ang mga ngiti sa labi niya na kanina ay nakikipagtawanan siya sa mga kaklase niya.


Nagiwas tingin ako at nilabas na lang ang libro ko sa History. Naalala ko kasi yung pagsusungit ko sa kanya sa hospital bago ako umuwi.


Am i that mean?


Wala naman akong pakeelam sa mga taong mapauulanan ng kademonyohan ko. I don't even say sorry, parang allergic ako sa word na yon.


Kasundo ng mga iilan pang estudyante ang prof namin. Hindi kalayuan si Ship, isang row lang ang pagitan namin.


Does it even matter?


Kahit mag tabi pa kami walang effect! Geez.


" i guess i didn't arrange the seats yet. " ani ng Prof, ano? May seating arrangement pa?


" edi mabuti. " ani Molly.


" hoy! Ayaw mo ba kong katabi?! "


" hindi sa ayaw, pero nakakasawa. " kasunod nito ang pagbitbit niya ng bag at pagtayo.


Wala na din akong nagawa kundi sumunod at tumungo sa harapan. Isa isa pinalipat ang mga kaklase ko sa new seat nila. Habang ako nangangamba.


Mapili ako sa katabi, bukod sa maarte ako sa pagkain gusto ko yung magiging katabi ko is maayos at mabango. Ayoko ng chaka.


" Ms. Dela Verde, dun ka sa tabi ni Mr. Ship " agad ako napatingin sa Prof, gusto ko sana tumutol kaso baka sa labas ako paupuin.


Waves of Bodacious (Leon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon