Chapter 7

208 27 0
                                    

Oops, i slipped








Nandito ako ngayon sa mall kasama sina Trimaine at Molly. Ngayon kami magpapagawa ng gown para sa 19th birthday ni Molly, sagot ko na ang pagpapagawa niya ng gown dahil wala akong maisip na ireregalo sa kanya.


" this is insane, gusto ko lahat! " ani Molly habang tumitingin sa brochure.


Habang ako ay mag roroam lang sa buhok at tumitingin ng mga gowns, ganon din si Trimaine.


" guys maganda ba? "


Umiling ako, light gowns were not suitable for her. Maputi at pinong pino ang kutis ni Molly kumpara sakin na may pag ka light brown.


Nagulat nga ang parents ko nang ayain ko si Molly sa bahay nung bago bago ko lang siyang nakilala. They thought she's a foreigner.


Ngumuso si Molly at naghanap ulit. Bigla naman nag ring ang cellphone ko sa bulsa ko kaya sinagot ko iyon.


" hello. "


" Carmenia darling. "


" ma? "


" uuwi kami ni papa mo jan next week. How are you pala? School is fun? "


Fun but disaster. Pati ba naman ang competition ay hindi pa nakisama, kung tatanungin nyo kung sino ang nanalo ay yung isang grupo na kasama namin.


" okay naman. "


" sabi ng kuya mo sumali ka ng dance club. "


Napapikit ako, if ever na kung nasa bahay lang si Rasheed ay paniguradong pinauulanan ko na to ng mura at naiimagine ko na ang mukha niyang tuwang tuwa.


" yes ma.. "


" i thought you aren't interested anymore. "


" i join because of Molly. "

" oh? Asan pala si Molly? Malapit na ang birthday niya can i talk to her? "


Tamad kong inabot ang cellphone kay Molly tinaasan niya ko ng kilay ngunit hindi ko siya pinansin.


Close sila ni mama, kumpara sakin. I don't get along with other people miski parents at kapatid ko ay nakakaaway ko.


Si Molly lang talaga ang nakakatagal sa ugali ko.


Inabot sakin ni Molly ang cellphone ko na nakangisi. " bat nakangisi ka? "


Nagkibit balikat siya at bumalik sa pagkakaupo. Pag swipe ko sa cellphone ko ay nakita ko ang tatlong message galing kay Ship.


3 days na simula nang itext niya ko ulit. Aminado ako na hindi ako komportable makipag text sa lalake, si Rasheed at papa lang ang lalake sa contact list ko.


Kaya pag inuupdate ako ni Ship sa mga ginagawa niya lagi kong binabara to, pag nagkekwento siya pinipilosopo ko.


Nireplyan ko ang text niyang nagtanong kung nasan ako, hindi naman para magsinungaling sa kanya dahil hindi naman siya susulpot dito.


" hindi mo na ko pinapapunta sa inyo. Why? " ani Molly.


" gusto ko magisa sa bahay, bilisan mong mamili dahil gagabihin nanaman tayo. "


" kumain muna tayo Carms! Nagugutom ako. " ani Trimaine.


Tumango ako bumaling na sa cellphone ko. Hindi matigil tigil ang pag tetext ni Ship kahit walang kwenta na ang mga tinitext.


Waves of Bodacious (Leon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon