Chapter 23

159 6 0
                                    

Until we meet








Nakasandal lang ako sa upuan habang nag aantay ng resulta. I'm hurt and tired at the same time, halo halo na ang nararamdaman ko.


Muli kong sinulyapan ang kwarto na pinasukan ni Ship kanina. Unang tingin ko pa lang sa kanya ay alam kong may mali na.


Hindi ko lang inisip na ganito kalala kasi, he's healthy at alam kong wala siyang tinatagong sakit.


Napatayo ako ng lumabas ang doctor sa kwarto. Dumiretso agad ito sakin. " Doc.. ang pasyente... "


" mabuti at naagapan siya miss, baka maaring lumala ang kondisyon niya kung hindi agad siya naidala dito. "


" ano po ang nangyari doc? May sakit po ba siya? "


" Mr. Montefuerte was admitted here last year, ganon din nung nakaraan pang taon at kada buwan siya bumabalik dito for regular check up. Astrocytoma, uri ng brain tumor. I think he stopped coming here for his check up. Limang buwan na siya hindi nag pupunta dito. "


My heart suddenly stops. Hindi, hindi eh! Healthy siya at kitang kita ko yun!


" doc, paano siya gagaling? " i felt so hopeless. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha na dumadaloy.


" he will have his surgery so i advice you to call his guardian. Hindi na kailangan ipag pabukas pa ang operasyon dahil lumala na ang sitwasyon niya. "


Naglakad na sila paalis. Napaluhod ako at napa hagulgol, oh my god! Bakit hindi ko man lang alam ang tungkol dito?!


Tila namanhid ang mga katawan ko nang may sumabunot sakin at sumalpak ako sa sahig. Nanginginig akong inangat ang tingin ko.


Kitang kita ko si Allison na nag aalab ang tingin sakin. Umiiyak din ito at nakakuyom ang mga kamao.


" how dare you to come here!? "


" allison! Mahiya ka! " dinig kong sigaw ng mama niya. Agad ito dumiretso sakin at aalalayan sana ako tumayo.


Ngunit di ko tinanggap ang kamay niya at lumuhod. Bigla nalang naglabasan ang halo halong emosyon na nararamdaman ko.


Sakit, galit, at pagsisisi.


" i don't know that he's ill. I'm sorry ma'am, hindi ko inakala na aabot sa ganito. " hagulgol ko.


" sorry?! You bitch! " nagulat ako sa biglang pag sampal niya sakin. " hindi mo pa ba nakita ang kondisyon niya kanina?! He was like that because of you! "


" i'm sorry... i didn't know... "


" ofcourse hindi mo alam! Paano mo malalaman eh sa loob ng dalawang buwan wala kang ibang ginawa kundi isipin lang ang sarili mo! "


I gritted my teeth and stand up. " ikaw ang may dahilan kung bakit ganito ang nangyari samin. "


Ngumisi siya sakin. " i guess you don't have enough trust. "


" shut up! " sigaw ng mama niya. Namumula na din ito kakaiyak.


Natahimik kaming dalawa at napayuko nalang ako. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob at kakapalan ng mukha para manatili pa rin dito.


Umalis muna sila at naiwan ako dito, pauwi palang ang papa ni Ship galing Dubai.


Napahilamos ako, pagod ako pero i don't want to leave him here.


Waves of Bodacious (Leon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon