Chapter 32

182 3 0
                                    

Marry her








Pag gising ko ramdam ko ang pananakit ng bewang at likod ko. Halos mura murahin ko ang iniinda kong sakit habang patayo ako.


Naabutan ko ang tatlo sa kusina, si Billy ang nagluluto ngayon habang sinalubong naman ako ng ngisi ni Molly.


" kamusta tulog? " aniya habang nagbabasa ng magazine.


Nagsalin ako ng tubig sa baso at kumuha ng toasted bread. " maayos naman, bakit ganyan ka makatingin? "


" wala? Mukha kasing pagod na pagod kayo. "


Pinanliitan ko siya ng mata, tsaka lang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Napamura ako kaya natawa si Molly at bumubungisngis si Trimaine.


" d-dito siya natulog? "


" saktong madaling araw na makauwi ako dito naabutan ko siyang pababa sa kwarto mo. Sinabihan ako na wag daw kitang gisingin. "


Nagiwas ako ng tingin at umalis nalang don dahil paniguradong mapagiinitan nila ako.


Biglang tumunog ang cellphone ko kaya natigilan ako sa pag kain. Unknown number lang ang nakalagy dito pero sinagot ko naman agad.


" Hello? Carmenia Montefuerte from BSG Company how may i help you? "


" this is Allison. "


Tumikhim ako. " napatawag ka? May problema ba? "


" can you come to the house? Para mapagusapan na natin yung final design para sa kasal ko. It's only two weeks from now. " aniya


Napasapo ako sa noo ko. Oh my god! I almost forgot na nagtatrabaho pala ako! " sure! I'll be there in a hour. "


" papasundo kita kay ship. "


Napabuntong hininga ako. Oo nga pala, nasa iisang bahay lang sila. Tuwing naalala ko ang mainit na ginawa namin kagabi ay naiirita ako sa sarili ko.


How can i let myself to do that with a man who ks getting married?! Damn!


Wala na akong ginawa kundi pumayag. Kahit hindi naman siya ang mag sundo sakin ay paniguradong magkikita din kami don sa kanila.


Umakyat na ako sa kwarto ko para mag ayos. Hindi na ako nag formal attier dahil hindi naman formal meeting ang dadaluhan ko. Nag floral tube lang ako at pinatungan ko ito ng denim jacket at nakasuot ng maong shorts, hindi na din ako nag abalang mag heels.


Pag baba ko ay nagpaalam ako kila Molly na pupunta ako kay Allison at nilayasan ko agad sila dahil dadami nanaman ang sasabihin.


Saktong paglabas ko ay nakita ko si Ship binaba nito ang bintana at may shades pang suot pero naka pang bahay lang.


Napairap akong binuksan ang pintuan sa likod. " hindi ka diyan uupo. "


I raise my brow. " sino ka para mag desisyon? "


" dito ka tumabi sakin. "


Para tumigil siya ay padabog kong sinarado ang pinto at binuksan ang pintuan sa shot gun sit. Kita ko ang nag lalarong ngisi sa labi niya.


" how's your sleep? "


Hindi ako nakatingin sa kanya kaya di ko alam kung ano ang ekspresyon niya ngayon. I want to forget what happened last night! Hindi iyon big deal sakin kahit siya pa ang naka una dahil nadala lang ako sa alak.


Waves of Bodacious (Leon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon