Chapter 13

174 17 0
                                    

Flirt








" our school was amazing. Pero bayad pala natin to. " halakhak ni Trimaine ng buksan namin ang room namin sa hotel.


3 bed in 1 room. Tatlo kami nila Molly dito. Nilapag ko na muna ang mga gamit ko at nahiga sa kama. Tinatamad pa ako magpalit, bukas pa naman ang start ng tour namin kaya makakapag pahinga pa ako.


" si Ship? " tanong ni Molly.


Nag kibit balikat ako. Hindi ko alam pero madalas na nila sakin hanapin ang taong yon. Nanay ba ko non?


Hindi ko din naman siya nakita sa may school at sa lobby kanina kaya hindi ko alam kung sumama ba siya. Wala naman siyang nabanggit sakin.


" walang improvement? " Trimaine


" improvement my ass. Ayoko sa commitment. "


" landi landi lang ganern? "


" she doesn't even know to flirt Tri. " halakhak ni Molly.


Kung makapagsalita akala mo may experience, akala mo naman pwede na siya sa ganitong bagay.


Nung time na bumisita ang family ni Ship pati siya sa bahay ay saktong pag pasok ko pag tapos ko sila maihatid sa bahay ay walang tigil ang pangungusisa ng mama ko.


She keep pushing na may something daw samin ni Ship. She's werid you know, gusto na ata ako ipasalvage papunta sa mga Montefuerte.


About his step mom. Hindi naman siya katulad nung ibang step mom na akala mo kung sino kung makaasta.


She's kind. Si Allison lang talaga ang may deperensya sa pag iisip, sped yata.


Nag chikahan lang kaming tatlo nang makarinig ako ng doorbell. Imposible naman bisitahin kami ng prof namin may gc naman.


" umorder ka ba? " i look at Molly.


" hindi. Kakakain lang natin. "


Tumayo siya at nagtungo sa pintuan. Agad siya tumakbo papunta sakin habang nakangisi kasunod nito ang pag pasok ni Ship.


Naka gray na polo siya habang bukas ang dalawanf butones nito, naka black jeans naman ang pang ibaba niya at naka black shoes.


Tumaas ang kilay ko sa dala niyang flowers. What the heck?


" pagsisimangot mo ba ang ipinunta ko dito? "


" oo para lumayas ka. "


Siniko ako ni Trimaine at hinila si Molly papunta sa labas. Tatawagin ko sana sila nang kumalabog yung pinto sa pag sarado. Those demon left with him!


" bakit naka ayos ka? May lakad ka? "


" let's have a date. "


Natawa ako ng mahina at di makapaniwalang tumingin sa kanya. " talagang hindi mo pinaalam sakin at pumunta ka dito na nakaayos na? Gaano ka ka-sure na sasama ako sayo? "


" 100 % sure. "


Napairap nalang ako. Ganito ba manligaw ang isang Ship Montefuerte? Kung hindi ko pa siya masyadong kilala at sa gantong paraan niya ko niligawan busted agad.


" i'll wait for you here. "


" wait outside. "


" mainit sa labas Carms. "


Waves of Bodacious (Leon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon