Chapter 8

211 28 0
                                    

Sweetdreams








Nakasandal ako habang nakapakit, hindi na maganda ang pakiramdam ko pagtapos namin kumain ng mcdo. Sumabay pa itong inis ko sa dalawa na iniwan kami.


Hinayaan kong mag drive si Ship ng kotse ko. Gusto ko magpahinga ngunit hindi ako nakakatulog sa byahe.


" get some rest. "


" i can't. "


Nilalamig na ko kahit nakapatay naman ang aircon at naka sarado ang bintana. 2 oras pa ang byahe bago ako makarating sa bahay at paniguradong hassle pa ito.


Maayos naman ang daanan papuntang Leon dahil hindi naman naulan at hindi mapuputikan ang kotse ko.


Ang kaso nga lang ay lubak lubak ang daanan papunta don, iilang barangay palang ang na construct na sahig.


Habang sa byahe ay ramdam ko ang panay sulyap ni Ship sakin. Wala na kong pakeelam sa itsura ko ngayon, anytime feel ko ay susuka ako dito.


" okay ka lang ba? "


" shut up and drive. "


" sagutin mo ko, ipupunta kita sa Hospital. "


Napailing agad ako. No, i rather die than being at the hospital. That's a scary place to me ever since.


Hindi niya na ko sinagot at binilisan ang pag maneho. 1 hour and 30 minutes lang ang naging byahe namin, he's not a bad driver. Ako kasi hindi ko kaya magpabilis ng drive dahil nagiingat ako.


Pinagbuksan niya ko ng pinto at nagulat ako nang hinapit niya ang bewang at likod ko para kargahin ako.


Hindi ko na magawang awayin siya at magreklamo pa dahil wala na akong lakas kaya hinayaan ko nalang siyang gawin yon.


Pag pasok sa bahay ay inihiga niya agad ako sa sofa. Maingat niyang inilagay ang palad niya sa noo ko.


" ang init mo. "


" malamang buhay pa ko. "


Ngumisi siya at umìling. " how can you manage to talk back in that condition? Bilib na talaga ako sayo. "


Mag sasalita pa sana ako nang bigla siyang tumayo at tumungo sa kusina, hindi na ko nakapag react at pumikit na lang.


I even heared the stove opened. Bihira lang ako magkasakit pero di ko naalagaan ang sarili ko. My parents want to have maids in the house but i insist.


Kaya salamat kay Ship, kung di dahil sa kanya ngayon ay paniguradong nahihirapan na ko alagaan ang sarili ko.


" you can't be alone, asan si mama at papa mo. "


" business. "


" they left you here? "


" kasi gusto ko. " ngisi ko, napatingin ako sa kanya. Malalim na ang mga mata niya marahil ay napagod ito kanina. " you can go home after this. "


" no, mag stay ako dito. "


Bumilis bigla ang tibok ng puso ko, marahil kinakabahan ako dahil gusto niyang manatili dito sa bahay.


" may bahay ka— "


" aalis din ako pag alam kong okay na ang pakiramdam mo. Hindi kita kayang iwanan dito na ganyan ang kondisyon mo tapos magisa ka pa. "


Waves of Bodacious (Leon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon