Chapter 15

148 12 0
                                    

Untitled








" no Carmenia, i won't let you jealous of other girls. "


Somehow, nakahinga ako ng maluwag. Hindi sa nagdududa ako sa kanya, kundi dahil kakaiba ang pinapakita ni Allison sa kanya. I'm certain, it's not a sister's love.


Hindi ko lang maikwento kay Ship dahil ayokong isipin niya na sinisiraan ko ang kapatid niya kahit hindi sila close.


Hindi ko alam kung manhid lang talaga siya or ayaw niya lang i-accept.


Hindi ko maaitim isipin na kung anong ginagawa nila sa bahay nila if they were alone. I trust Ship, alam kong hindi niya gagawin yon lalo na at step sister niya pa.


" what were you thinking? "


Nilingon ko siya. Bakas sa mukha niya ang pag aalala dahil siguro sa pag open niya sa kapatid niya.


I gave him a small smile. " Nothing Ship. "


" are you hungry? "


" hindi, nabusog naman ako sa kinain ko sa museum kanina. "


" sorry kung hindi kita napuntahan kanina. Ayoko maki gulo sa bonding nyong mag kakaibigan. "


Tumango ako at ibinalik ang atensyon ko sa pool. Sobrang ganda dito sa Mactan, ilang beses na ako nakakapunta dito because of business pag ako ang nauutusan but i don't get a chance of having a relaxation here.


Buti nalang nang mag pasukan na ay tinatanan na ko ng parents ko. Minsan kasi pag hindi sila nakakauwi ako sakin nila pinapaasikaso ang business nila sa Leon.


Tumayo ako at naglahad ng kamay. " Sayang ang pag punta kung di tayo maliligo dito. "


Natawa siya at tinanggap ang kamay ko. Siya ang naunang mag lakad samin at tumungo kami sa wooden Bridge sa tubig. Kitang kita kung gaano kalinis at kalinaw ang tubig.


Natigil kami nang makaabot kami sa dulo. Napasulyap ako sa kalangitan at papalubog na ang araw.


" Carmenia. "


Napatingin ako kay ship. Hinahangin ang bangs nito kaya maayos ko natitigan ang mga mata niya. Matamis na ngiti ang binigay niya sakin.


" thankyou for giving me a chance to court you. I cannot promise not to hurt you, but i won't intentionally. "


Bigla akong napangiti. Ganito pala feeling ng nililigawan? I spent my years not to entertain anyone in my life unless kung magkakatrabaho ako at makakaipon ako.


But all those sayings broke when i met this guy. Napaka kulit at assumero!


I'm still not sure of my feelings that i have for him yet. Pero sure ako na gusto ko siya at ayoko siyang patigilin sa panliligaw niya.


Hindi niya din pa nasasabi ang 3 words sakin but that's enough for me. Hindi naman kailangan madaliin.


" i like to give this to you and hope that you won't scold me after. " halakhak niya at may inilabas na maliit na box.


Pero hindi siya kasing liit ng wedding ring. Medyo malaki ito at kulang white ang box.


" eto muna tsaka na ang singsing. " aniya at binuksan ang box at pinakita sakin ang laman.


Namilog ang bibig ko nang makita ko ang gold heart and arrow necklaces. Manipis lang ang lace at maliit lang ang pendant na anytime pag nalaglag ay mukhang hindi mahahanap.


Waves of Bodacious (Leon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon