Chapter 18

147 7 0
                                    

No other guys








Kinabukasan, maaga akong nagising dahil babyahe kaming patungo sa Imoy falls. Mahigit isang oras papunta doon kaya agad na ako nag ayos ng gamit ko.


Gising na din ang mga kasamahan namin papunta don. Molly invited 3 or her girlfriends na kilala ko naman. The rest ay si Billy, Trimaine, Ship, and me.


Hindi pa man ako nakakapag ayos sa sarili ko ay nabigla ako ng may kumatok. Pag bukas ko ay tumambad sakin si Ship na kagigising lang.


" good morning. " he smiled sweetly.


Ang aga aga ang gwapo! Kainis!


" g-goodmorning. Napadaan ka yata dito? "


" i just check you if you are awake already. Kapag tapos ka na sa pag aayos bumaba ka na so we will have our breakfast. "


" as usual. Ako magluluto. " ngisi ko.


Ngumiti ito ng malapad. Nagulat ako ng bigla siyang humakbang papalapit sakin at hinalikan ang ulo ko.


" hurry up. "


Omg!!! Did he just kissed my head?! Hala! Wala pa akong ligo! Hindi ko pa nababasa ang ulo ko!


Paano kung amoy laway?!


Naramdaman ko ang pagiinit ng pisngi ko. Pilit kong inaalis sa isipan ko ang ginawa niya kanina ngunit di ko maiwasan di isipin.


First time ko yung ganon!


Di niyo ko masisisi kung bakit ang OA ko!


Pag tapos ko mag ayos ng gamit at tumungo ako sa banyo para maligo. Sinigurado kong mabango ang buhok ko kaya dinamihan ko ang shampoo sa ulo.


Nag suot ako ng white beach dress at bumaba na. Hindi na ako nag ayos muna ng mukha ko, maliligo din naman ulit ako.


" sana nag shower ka lang. " Ship said while reading a news paper. 


" pag tapos mong halikan ang ulo ko? "


Narinig ko ang mahinang pag tawa niya. Nagtungo na ako sa kusina at nag hanap ng maluluto.


Nang makapag luto ako ay tinawag ko na siya para mag almusal. Ham and bacon lang ang niluto ko, don nalang kami magbabawi ng kain.


" where is your sister? "


" hindi ko alam. Maagang umalis kanina. "


How did you know eh kagigising mo lang? Hindi nalang ako umimik at pinagpatuloy ang pagkain ko. It's not like na naghihinala ako, i trust Ship. Alam kong hindi niya papatulan si Allison.


Hindi niya gusto ang tao at the same time hindi rin siya galit dito. I know how Ship treats his step sister, in not a nice way.


" what were you thinking? "


Umiling ako. " i'm just excited. "


" pero naka busangot. "


Inirapan ko siya at tumayo. Nilagay ko ang pinagkainan ko sa lababo, it's time for him to wash the dishes.




" sino mag babantay ng mga gamit? " Trimaine.


8 am ng makarating kami sa Imoy Falls. Ibinaba ko agad ang bag ko sa cottage. Nag prisinta ako na ako muna ang magbabantay.


Waves of Bodacious (Leon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon