Chapter 3: Strange

40 4 0
                                    

Ace's POV

KASALUKUYAN na nakaupo ako ngayon sa isang couch na nandito sa loob ng waiting room na nasa backstage ng Arena. Dito gaganapin ang concert ng banda. Sobrang sikat ng banda to the point na sold out ang tickets nila.

Napadilat ako ng mata nang marinig ko ang boses ng isang make up artist na kasalukuyan na nagmamake-up ngayon kay luke. Tumingin ako dito at kita ang pagkabagot at inis sa mukha nito. Sino ba ang hindi maiinis kung ang inaayusan mo ngayon at isama pa ang oras na sinusunod nila dahil malapit na ang oras ng performance...eh tulog mantika pa?

I sighed. I stand up and walk towards them. Tinignan ko ang babae na nag aayos ng mukha ni luke. "Need some help?" i asked. Napatango naman ito nang maintindihan ang sinabi ko.
Inilagay ko ang kamay ko sa balikat ng lalaki saka hinawakan ng mahigpit.

"Aaacckkk! Ang sakit! What the--" napatigil ito sa balak na magmura nang makita niya ako ang may gawa sa sakit na nararamdaman niya ngayon. "What the F! Ano ba ang problema mo?" inis na sigaw nito.

"Ikaw ano ang problema mo? Bakit hanggang ngayon tulog mantika ka pa? Para ipaalala ko sayo...concert niyo PO ngayon at kailangan niyo na magmadali dahil malapit na ang oras ng performance niyo." mahabang paliwanag ko dito at diniin ko pa ang salitang 'PO'.

"Psh! Pwede mo naman ako gisingin nang hindi sinasaktan!" maktol nito at tumingin sa babae. Napayuko lang ang huli nang makita ang tingin sa kaniya ni luke.

"Kanina ka pa niya ginigising Mr. scott...talagang tulog mantika ka kaya kahit kalabitin o sigawan ka hindi ka parin magigising..." i stopped and cross my arms. "Bakit nga ba antok na antok ka ngayon? Ilang alak ba ang tinira mo kagabi?" tanong ko dito pero alam ko naman ang sagot dahil nandoon ako kagabi sa bar kung nasaan siya pero hindi ako nagpakita sa kanya at sa malayo lang ako nagsusubaybay.

Mukhang na-guilty naman ito at tahimik na lang na umupo at hindi sinagot ang tanong ko. Tumango ako sa babae para sabihin na umpisahan niya na at ngumiti lang ito sakin. Nang mapatingin ako sa salamin nakita ko ang talim na tingin ng lalaki. Umiling lang ako at iniwas ang tingin sa kanya saka umupo na ulit.

Kinuha ko ang isang magazine na na nakalagay dito sa lamesa na nasa tabi ng couch. Pagbuklat ko ay mukha agad ng isang lalaki na dahilan na kinagagalit ni captain sa mundo. Richard Scott. Luke's father and my main mission.
Tungkol lahat sa kanya ang nababasa ko sa loob at sa mga business niya. Kanina ko pa napapansin na walang nababanggit dito ang pangalan ni luke at ng asawa niya. Bakit nga ba?

Napatigil ako sa pagbabasa nang marinig ko ang isang boses.

"Are you a fan of him?"

Binaba ko ang magazine at tumingala sa taong nakatayo ngayon sa harap ko habang nakapamulsang nakatingin sakin. Ang 'fan' na sinasabi niya ay si Richard scott.

"No." i answered.

She smiled and sat beside me. Tumingin ito sakin at kinuha ang magazine na hawak ko at binuklat ito saka kunwaring nagbabasa. "You know what...ang ganda ng boses mo kapag nagtatagalog ka." komento nito sa nangyari kanina.

Nakikinig pala siya. Hindi ako sumagot at tumingin lang sa kanya. Sinarado niya ang magazine at ibinalik sa lamesa saka tumingin sakin. "Kaya ba nag apply ka bilang PA namin dahil gusto mo mapalapit sa anak niya?" tanong nito na nakaagaw ng atensyon ni spade.

"Psychic ba siya? Paano niya nahulaan iyon?"

"I said i'm not a fan of him...and i applied this job because i don't have a choice." pagdadahilan ko.

Ngumiti lang siya. "Sana nga...sana nga hindi ka tulad ng dating PA namin." makahulugan na sabi nito at tumayo na saka lumapit sa dalawang lalaki na nag uusap sa dulo.

I Fall in Love with a Rockstar (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon