Chapter 13: Jealousy

6 0 0
                                    

Ace's POV

PAGDATING namin sa harap ng police station ay agad ako pumasok sa loob pero napatigil ako nang mapansin ko na hindi sumusunod sakin si luke. Lumingon ako sa kanya. Nasa labas pa ito at tulala habang mahigpit ang hawak sa mapa.

I sighed and approach him. "Oh...ano na namang arte iyan?" tanong ko sa kanya.

"You think...we can find her here? Baka mabigo na naman tayo sophia." nag aalangan na sabi niya.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Luke Scott, the famous vocalist of monarch band...is not confident? Seriously? That's new." sarkastik na sabi ko sa kanya.

He glared at me and groaned in annoyance. "Fine! Lets go." pagsuko niya saka nauna ng pumasok sa loob.

Pigil ang ngiti na sinundan ko na lang ito. Pagpasok namin sa loob, isang police ang nadatnan namin na nasa information desk niya.

"Excuse me..." pag agaw pansin ko sa lalaki.

Tumingin ito samin. "Uh yes?" pagsagot niya.

Nginitian ko siya ng matamis para naman magmukha akong normal. "Can we see the files of the victims since 9 years ago?" marahan na tanong ko sa pulis.

Habang nasa byahe kasi kami kanina, kinwento ni luke kung kailan nawala ang babae. Siyam na taon na pala ang nakakaraan simula nang mawala ang babae.  May events sa skwelahan nila noon nang mangyari ang pagkawala niya. Nakasali kasi si luke sa isang event kaya busy siya noon sa pagpapractice pero hanggang matapos ang events hindi na nagpakita si gabriella. Nawala na daw ito bigla na parang bula.

"Aahh...maaari ko bang malaman ang identity ninyo?" tanong ng pulis.

Oh right! Identity. Naramdaman ko na tumingin sakin si luke. Hindi niya siguro inasahan ang tanong ng pulis. Pero ako? Alam ko na magtatanong siya kaya nakahanda na ang pekeng ID para dito. Spade made this. And the identity is not fake, when they access the ID...may lalabas na data files ng ibang tao pero mukha ko ang nakalagay. Cool right? That's my spade. She can do it all.

Kinuha ko ang pekeng ID sa loob ng bulsa ng leather jacket ko saka binigay kay mamang pulis.
Pagkakuha niya nito ay agad niya hinanap sa desktop computer niya kung totoo na ako nga iyon. Ilang saglit lang binigay niya na ito sa akin at biglang nag salute sakin na ikinagulat ni luke.

"Police officer 1, Patrick Jose ma'am." pagpapakilala niya.

Pagtango ko saka niya binaba ang kamay niya. "Pasensya ka na kung maaabala kita..kailangan ko kasi ito sa kaso na rineresolba ko ngayon." pagsisinungaling ko.

"Okay lang po ma'am...kinagagalak ko po kayo makilala Lieutenant Corpuz." sagot niya.

Lieutenant Corpuz is a famous police detective. Madami na siyang naresolba na kaso at ang kaso ng isang senator ang dahilan ng pagsikat niya pero madalang lang ito magpakita sa publiko. Kaya siya ang kinuha ni spade para sa fake identity ko.

"This way ma'am." pag aya nito papunta sa Restricted Section.

Ngumiti ako at susunod na sana ako sa kanya nang bigla ako hinawakan ni luke sa braso para pigilan.

"What's with the fake identity?" bulong na tanong niya sakin.

Tumingin tingin muna ako sa paligid bago bumulong sa tenga niya. "If you want to find her? Then just play along with me." bulong ko sa kanya at kumindat.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita at sumunod na sa mamang pulis. Pagkapasok ko sa loob ay mga nakatambak na files sa mga shelves ang tumambad sa mata ko.

I Fall in Love with a Rockstar (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon