Chapter 9: Threat

6 0 0
                                    

Ace's POV

NAKATINGIN lang ako sa natutulog na si luke habang pinapakinggan ang sermonyas ni xian. Hindi naman malalim ang sugat niya. Parang may pumukpok lang sa likod ng ulo niya kaya nagkasugat ito. Pero sino nga ba ang may gawa? Kahit si john hindi niya nakita. Hindi rin nakita sa CCTv.

"SOPHIA!"

Napatingin ako kay xian nang marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan na ginagamit ko.

"Isa ka pa! Sabi ko sayo...wag mo pababayaan hindi ba? May pa rules rules ka pa nalalaman eh kahit ikaw hindi mo rin sinusunod! Alam mong kapag may ganitong events ang banda delikado ang buhay nila...tapos sinamahan mo pa sa kagaguhan niya? Hay naku! Tatanda ako nito ng maaga dahil sa inyo!"

Inis na lumabas ito pagkatapos niya magsalita. Naramdaman ko ang presensya ni liam sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin at tumingin lang kay luke. Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ni luke. Kahapon pa siya tulog simula nang mangyari ang insidente. Sabi ng doktor baka daw dala lang ng pagkapalo sa ulo niya kaya ngayon wala pa siyang malay.

"Tatanda daw...eh matanda na kaya siya tss!" rinig kong bulong ni chase.

Siniko lang ito ni althea na katabi niya. "Tumigil ka nga! Ganito na nga ang nangyayari may gana ka pa magpatawa." pagsuway ni thea kay chase.

"This is worst."

Napatingin ako kay nick nang magsalita ito. "What do you mean?" tanong ko sa kanya.

"Dati puro mensahe lang sa sulat at prank call...tapos ngayon...pisikalan na."

Kay liam naman ako napatingin nang magsalita ito. "Ano ang pinagsasabi ninyo?" naguguluhan ko na tanong.

"Hindi mo alam? Close na kayo hindi ba? May nagtethreat kay luke simula nang sumikat ang banda...ang akala nga namin isang bashers at haters lang pero hindi...mas malubha pa doon...tsk! Bakit kasi hindi niya pa isumbong sa mga pulis? O di kaya sa NBI."

Paliwanag naman ni chase at inis na kumamot sa ulo niya habang nakatingin kay luke.
Pero ano daw? Threat? Bakit ngayon ko lang nalaman? Parte ba ito sa mga tinatago niya kaya ngayon ko lang alam? Pero bakit niya tinatago? Tama si chase. Bakit hindi niya pa isumbong sa mga pulisya?

Napansin ko na tahimik lang si thea habang malungkot ang mukha nito na parang nag aalala na nakatingin kay luke. Is there something she's hiding from us? Tumingin ako kay luke. Or both of them?

"Bakit hindi na lang kaya tayo ang magsumbong? Tutal alam naman natin." pagkaraan na tanong ni chase.

"Hindi!"

Napatingin silang apat sakin nang magsalita ako. Tumingin ako sa kanila. "Hindi tayo magsusumbong...hintayin natin na si luke ang magdesisyon sa bagay na yan..." tumingin ako kay luke. "Baka may rason siya kung bakit hindi niya masabi sa iba." makahulugan ko na sagot.

Napabuntong hininga sila dahil sa sinabi ko. Nagpaalam na sila na lumabas at nagpaiwan ako dito sa loob para bantayan si luke.

"Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo? Magsusumbong lang hindi mo pa magawa." bulong ko habang nakatingin kay luke.

Umupo ako sa silya na nasa tabi ng kama niya. Kinuha ko ang basang twalya at pinunasan ang ulo niya.

"Hindi ko pinapahirapan ang sarili ko...humahanap lang ako ng tyempo."

Napatingin ako sa kanya nang magsalita ito. Inalis niya ang twalya sa ulo niya at dumilat. Tumingin ito sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Gising ka na pala."

"Ay hindi...nagsasalita ako na tulog."

Umirap ako sa sinabi niya at inalis ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. "Mukhang okay ka na...nakakapagbiro ka na eh."

I Fall in Love with a Rockstar (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon