Ace's POV
PAGKAUWI ko sa apartment si althea lang ang nadatnan ko sa sala. Nanonood ito ng movie habang kumakain ng pop corn. Tumabi ako sa kanya pero hindi pa rin ako napapansin ng loka. Seryoso talaga siya sa panonood ng movie. Tumikhim ako para mapansin niya at hindi nga ako nabigo dahil tumingin ito sakin.
"Andito ka na pala sophia...kamusta ang meet up niyo ng long lost sister mo?" tanong niya habang ngumunguya ng pop corn.
Natawa ako ng mahina dahil sa palusot na sinabi sa kanya ni spade.
[Flashbacks]
"Ano ang sinabi mo kay thea noong umalis tayo?" tanong ko kay spade habang naglalakad kami sa hallway ng headquarter sa BMO camp.
"Aahh...sinabi ko lang na nahanap mo na ang long lost sister mo." sagot niya.
Napahinto ako at ngumiwi sa kanya. "Ano'ng klaseng palusot iyon? Bigla ako nawala at hindi nakapagpaalam sa kanila dahil lang nahanap ko na ang fake long lost sister ko? Seriously spade? Nagpapatawa ka ba?" nakangiwi kong tanong sa kanya.
Nagkibit balikat naman ito. "Eh sa wala na ako maisip na idadahilan. At saka mukhang naniwala naman sila kasi nakalagay sa Data mo na lumaki ka sa orphanage, at tarantang taranta na ako noon dahil kulay talong ka na. Buti na lang natiis ko ang systema ko na kumalma habang kaharap sila." paliwanag niya.
[End of Flashbacks]
"Hmm...hindi okay, hindi siya ang nawawala kong kapatid. We mistaken her as my long lost sister. Kamukha niya lang." palusot ko.
"Aahh..." lumapit ito sa tenga ko at bumulong. "But i'm sure hindi iyon totoo, right? Palusot niyo lang iyon?" bulong niya.
Napangiti ako dahil sa wais ng pagiisip niya. Tumango na lang ako bilang sagot. Pareho kami napatingin sa pinto nang bumukas ito. Tumayo ako at mas lalong napangiti dahil sa isang tao na nakatayo ngayon sa harap ng pinto.
"Luke." pagtawag ko sa kanya.
Lalapit na sana ako sa kanya pero napahinto ako nang mabilis ito lumapit papunta sakin at nabigla ako nang sunggaban niya ako ng mahigpit na yakap. Ngumiti ako at tumugon din sa yakap niya. Ilang minuto kami nagyakapan bago siya humiwalay sa pagyakap.
He stared me like he didn't see me for so long.
"I miss you." he whispered.
I smile at him. "I miss you too."
Tatangkain niya na sana ako halikan nang biglang may asungot na umeksena sa tabi namin.
"Ang OA niyo ah! Dalawang araw lang kayo hindi nakapagkita, kung makamiss wagas! Tss." sabi ng asungot na si chase na kakalabas lang ng kwarto niya.
Tinignan siya ng masama ni Luke. "Wala ka kasing girlfriend kaya hindi mo naiintindihan! Wag ka panira ng moment kung ayaw mo wasakin ko ang mga porn DVDs mo!" galit na sigaw niya kay chase.
Narinig ko ang hagikgik ni thea na nasa likod ko.
Sumimangot si chase habang nakatingin samin. "Oo na! Kayo na inlove! Walang forever! Maghihiwalay din kayo!" ganti na sigaw nito bago pumasok ulit ng kwarto niya.
Napahagalpak na ng tawa si thea kaya napatingin kami ni luke sa kanya. Huminto ito pero halata na pinipigil niya ang pagtawa niya.
"Sorry...nakakatawa kasi ang pinapanood ko. Kung ako sa inyo, kung ayaw niyo maistorbo? Sa kwarto o sa labas na lang kayo maglambingan okay? May apat na single po na nakatira dito para ipaalala ko sa inyo, hm?" sabi niya at natawa ulit.
BINABASA MO ANG
I Fall in Love with a Rockstar (ON-GOING)
FantascienzaGabriella Reid a.k.a ACE. One of the greatest and amazing Spy Agent of a Secret Organization. Black Mamba Organization. Ace is not just a normal human. She has a power that no one has. No feelings, no emotions and no heartbeat. Funny but she's alive...