Chapter 16: Memories

13 0 0
                                    


"Memories don't lie. People do."


Third person's POV

Nakatingin lang ang babae sa labas ng bintana ng kotse. Walang emosyon ang makikita sa mukha niya kung hindi kalungkutan at pagkasawi. Isang luha ang lumabas sa isa niyang mata.

Hindi matanggap ng babae ang pagkawala ng kanyang mga magulang. Masaya pa sila noon bago nangyari ang aksidente. Namatay ang mga magulang niya dahil sa car accident. Nandoon din siya sa nangyaring aksidente. Pero siya lang ang nakaligtas at nabuhay. Hindi niya inaasahan ang biglaang pag iisa dahil nasanay na siya na lagi nandyan ang mga magulang niya sa tabi. Lalo na ang kanyang papa. Nag iisa siyang anak kaya prinsesa ang turing nito sa kanya. Spoiled siya sa papa niya at lahat nakukuha niya sa isang pakiusap lang dahil ganoon siya kamahal ng kanyang papa. Hindi siya makapaniwala na nawala na lang ito bigla sa tabi niya. Wala ng papa na lalambingin siya sa tuwing nalulungkot siya. Wala na din mama na lagi siyang sinusuportahan sa lahat ng gusto niya at mama na magpapaalala sa kanya na mali na ang mga ginagawa niya.

Wala siyang kamag anak dahil parehong only child ang mga magulang niya at mga ninuno niya. Wala siyang malalapitan sa tuwing kailangan niya ng masasandalan na pamilya.

Mag isa na lang siya.

Isang malambot na kamay ang humawak sa nakasara niyang kamay. Tumingin siya sa nagmamay ari nito pero wala pa rin ibang emosyon na makikita sa mukha niya kundi kalungkutan.

"Hey, stop thinking that you're all alone. I'm still here. I won't leave you. I'm always here if you need anything." bulong ng lalaki na nagmamay ari sa kamay na nakahawak sa kamay niya.

Dahil sa sinabi ng lalaki, hindi niya na napigilan ang luha na lumabas sa mga mata niya at bumuhos na ito ng tuluyan.

"A-alam ko naman iyon luke. P-pero mga magulang ko ang nawala. Nag iisa lang sila at walang makakapalit sa kanila sa kahit na ano sa buhay ko. T-they are my family. My only family. I love them. And it pains me so much because they're gone. And i can't help it to feel that i'm all alone." umiiyak na sabi niya sa lalaki.

Niyakap ng lalaki ang babae at magaan na hinalikan sa ulo habang hinihimas ang buhok nito. Hindi parin tumitigil sa pag iyak ang babae. At dahil sa sinabi nito ay maging ang lalaki ay napaluha din dahil sa nararamdaman na lungkot at pagdadalamhati sa babae.

"I'm always here gab. I won't leave you, i promise. I can be your family if you want." bulong ng lalaki.

Humiwalay sa pagyakap ang babae at luhaan na tumingin sa lalaki. "Family?" piyok na tanong ng babae habang nakatingin sa mata ng lalaki.

Tipid na ngumiti ang lalaki at tumango. "Yes, a family. My family is your family too gab. Simula nang sagutin mo ako, naging parte ka na ng buhay ko at ng pamilya ko. Kaya wag munang isipin na nag iisa ka. Dahil nandito pa ako. Nandito pa ang pamilya ko na handang maging parte ng buhay mo." marahan na sagot ng lalaki at hinalikan ang noo ng babae.

Naiiyak na napangiti ang babae dahil sa naramdaman na sinseridad sa sinabi ng lalaki sa kanya. Unti unting nawawala ang nakaharang na pait sa puso ng babae dahil sa sinabi ng lalaki.

Hindi niya alam ano ang dahilan kung bakit ganito na lang ang pagmamahal sa kanya ng lalaki. Hindi naman ito ang una niyang minahal pero dahil sa kakulitan, kabaitan at pagmamahal sa kanya ng lalaki ay nahulog din ang loob niya dito. Maalaga ang lalaki at kahit isip bata ito ay maromantiko din ito pagdating sa kanya. Kaya siguro nahulog ang loob niya dito ay dahil sa kakaiba nitong pagkatao at misteryosong mata na laging nakatingin sa kanya.

I Fall in Love with a Rockstar (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon