Chapter 6: OPLAN: Be friendly

25 2 0
                                    

Ace's POV

LAHAT ng tao may sekretong tinatago. Mabuti man o masama. May rason man o wala. Pero hindi ibig sabihin wala na silang ibang gagawin para hindi mabunyag ang lihim na tinatago nila. Minsan ang iba tinatago na lang nila dahil ayaw nilang masaktan ang mga tao sa paligid nila o mga mahal nila sa buhay. Pero madalas...may mga tao talaga na gagawin ang lahat...para walang makaalam sa madilim nilang ginagawa. Hindi dahil ayaw nilang masaktan kung hindi...para mas ipagpapatuloy nila ang nasimulan nila. At para hindi mawala ang pinaghirapan nilang buohin. Katulad na lang ni Richard Scott. He even sacrifice his wife for his greedy to be successful and to cover up his wrongdoings from everyone. All people adore him. Not because of his wealthy life and successful business but because of the way he think and move. He's so clean to the point na walang makitang masamang bakas o madilim na hangarin sa kanya. He's a meticulous kind of person. Iyon ang pagkakakilala ko sa kanya simula nang tumapak ako sa buhay niya. Pinag aaralan ko kasi siya habang nagtatrabaho ako sa banda. Kung ibang tao ang gumagawa nito ay baka namatay na ito sa araw-araw kong ginagawa. Trabaho sa banda sa umaga. Gabi naman sa pagsusubaybay kay Richard Scott. Oo...tahimik ako lumalabas sa condo kapag hating gabi na. Pero hindi ibig sabihin kapag lumalabas ako hindi ko na nalalaman kung ano'ng nangyayari sa condo. I have Eye you know. That Eye's name is Spade. May nilagay na kasi ako na maliit na cctv sa condo ng banda simula nang mangyari ang gabing iyon. I should know if they still follow my rules.

Napamulat ako nang maramdaman ko ang malamig na bagay sa hita ko. At nakangising mukha ng isang unggoy ang bumungad sa harap ko.

"Cold right?" nang aakit ang mata na pagkasabi nito.

Napasinghap ako nang maramdaman ko na pinalandas na niya ito papunta sa pang itaas ng hita ko. Nakapalda kasi ako ngayon. Sinunod ko ang payo ng isang genius daw pagdating sa pananamit na si thea. Dapat daw ganito ang suot ko at hindi naka suit. Baka daw pagkamalan ako na bodyguard nila. Pero ngayon ko lang narealize na pinagtitripan pala ako ng isang iyon.

I sighed and held the cold bottlewater and look at him with a blank expression. "Are you seducing me mr.scott?" i asked.

Tumaas ang gilid ng labi nito habang naniningkit ang mata nakatingin sakin. "Is that what you think i'm doing?" he asked instead.

I shake my head. "No...but it looks like you're seducing me." i whispered.

"Well..." inalis nito ang bottlewater sa hita ko at imbes na lumayo ay mas lumapit ito sakin at inilagay niya ang kamay niya sa magkabilang gilid ko at lumapit sa mukha ko. Nakaupo kasi ako ngayon sa malaking stereo na nandito sa backstage. "I'm just giving you of what you really need." he whispered while charmingly looking at me.

Pinalayo ko ang mukha ko. "I'm fine...you don't need to--" hindi natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang lumayo at pinagsalikop ang mga kamay na nanliliit ang matang nakatingin sakin. "I don't think you're fine..." tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. "You're sweating...at parang malapit ka na mahimatay dahil diyan sa suot mo." komento nito.

Tinignan ko ang suot ko. Naka sweatshirt ako at mahabang palda na may skinny jeans sa loob. Nakalugay din ang buhok ko at nakahigh boots.
"I look oka--" again he cut my words. Not because he talked but because he touch my hair and tie it with bun.

Napakurap ako habang nakatingin sa kanya. Ang lapit ng mukha niya pero sa buhok ko siya nakatingin. Napalunok ako nang makatingin ako sa labi niya. Naramdaman ko na huminto ito sa ginagawa at umatras ng konti saka tumingin sa mga mata ko.

"Can you smile? Can you show an emotion...just for a bit?" he whispered while looking straight to my eyes.

I just blink my eyes. Ano ba ang nangyayari sa lalaking ito? Kahapon nang iinis siya tapos ngayon naman nababaliw na?

I Fall in Love with a Rockstar (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon