Chapter 7: Friends?

8 0 0
                                    

Ace's POV

AGAD ko nilapitan si luke pagkalabas niya ng kwarto. Nagtataka naman ito tumingin sakin. "What now? Mananakot ka na naman ba? Miss ET!" nakangisi niyang tanong.

"No..." huminga muna ako ng malalim saka nagpatuloy. "I just want to ask if..." i stop and gulped.

My gad! Kaya ko ba to? Baka mas lalong iisipin ng lalaking ito na gusto ko siya at tama ang hinala niya sakin. Kumurap kurap ako nang biglang may daliring pumitik sa harap ko.

"What do you want to ask?"

I gulped. "I want to ask if...we can be friends?" finally nasabi ko na din. Matagal ko ito pinag-isipan.

Hindi ito sumagot at nakatingin lang sakin. Ilang saglit lang ay may narinig akong humahagikgik sa likuran ko. Hindi ko na kailangan lumingon dahil alam ko na kung sino sila. Sino pa ba ang kasama namin dito sa condo? The band members.

"Hindi ko akalain na friendly ka na pala ngayon miss taylor?" natatawang sabi ni chase.

Hindi ko sila pinansin at nanatiling nakatingin lang kay luke. Seryoso ito nakatingin sakin. Hinawakan niya ako sa braso at hinila papasok sa kwarto niya at nilock ang pinto pagkapasok namin. Tumingin ito sakin at binitawan ako.

"Kung may balak ka...wag mo na tangkain...dahil alam ko na ang ganyang galawan miss taylor...sa umpisa kakaibiganin mo ako tapos kukunin mo ang tiwala ko at pagnakuha mo na ang tiwala ko saka mo ako huhuthutan ng pera...tama? Yung lalaki lang naman iyon ang gusto mo kaya mo ito ginagawa diba?"

Gusto ko na sana kabahan sa sinasabi niya pero gusto ko rin matawa dahil sa huli niyang sinabi. Huthutan ng pera? Mas mayaman ako kesa sa kanya. Pero mas mayaman ang daddy niya. Pero hindi ibig sabihin tama na ang hinala niya sakin. Kung alam niya lang ang totoo na mas malubha pa ang binabalak ko sa kanya.

"Hindi...dahil hindi ako ang tao na iyon luke..." huminto ako saglit at mas lumapit sa kanya. "Magkaiba kami ni tina...wala akong interes sa pera mo o sa daddy mo...at mas lalong hindi ko gusto ang daddy mo. Nagtrabaho ako bilang PA niyo dahil ito lang ang alam kong kaya ko gawin."

Nawala ang seryoso nitong mukha dahil sa sinabi ko. "Kung ganoon...bakit gusto mo mapalapit sakin? Bakit sakin lang?" tanong niya.

"Dahil gusto kita maging kaibigan."

"Bakit nga?"

"Dahil...gusto kitang makilala. Hindi bilang vocalist ng banda o ang luke na nakikita ng lahat...kung hindi ang totoong luke."

Tumawa ito dahil sa sinabi ko. Umiling ito at nakangiting tumingin sakin. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Ako to oh! The real luke scott...ano pa ba ang kailangan mo malaman?"

"Ang rason kung bakit lagi ka naglalasing gabi-gabi." sagot ko sa tanong niya.

Nawala ang ngiti nito pagkasabi ko noon. Pero ilang sandali lang ay ngumiti ito ulit. "Malamang! Normal lang naman ang uminom miss ET! Ano naman ang mali doon? Nagagampanan ko din naman ng mabuti ang trabaho ko." pagdadahilan nito.

"Ang rason kung bakit nakikita mo sakin ang babae na iyon."

Ngayon talagang nawala na ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko. He is sensitive when it comes to that girl. Parang mas lalong nagka interes ako malaman kung sino ba talaga ang babae na iyon.

"Iyon ba ang rason kung bakit gusto mo ako maging kaibigan? Para malaman kung sino siya?" seryoso niyang tanong.

"Oo." tipid kong sagot.

Mapakla itong tumawa. "Ngayon alam ko na..." mataman itong tumingin sakin. "He hired you to know who's that girl...right?" tanong nito na ikinakunot ng noo ko.

I Fall in Love with a Rockstar (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon