Chapter 8: Sign of Danger

6 0 0
                                    

Ace's POV

NAKATINGIN lang ako sa limang membryo ng banda habang nagpeperform ito sa taas ng stage. Nag iiba talaga sila kapag nakatapak na sa stage. Si nick na seryoso humeheadbang ngayon habang tumutugtog sa drum. Si chase at althea na laging nag aasaran ngayon naman magkaharap na tumutugtog sa guitara nila habang nakangiti. Si liam na laging nakangiti parang ganoon pa rin pero ang pinagkaiba lang sumeseryoso siya minsan habang tumutugtog sa piano. At si luke na makulit at isip bata...ibang iba siya sa luke na nakikita ko kapag nakahawak na ito ng mikropono at kumakanta sa entablado. Nagiging astig at cool ang loko!

Napansin kong may hinahanap ito pero hindi niya pinapahalata sa mga nanonood. Hanggang sa dumapo ang tingin niya sakin. Ngumiti ito habang kumakanta at nakatingin sakin. Kumindat ito kaya napaiwas na ako ng tingin. Nanlalandi na naman siya! Ito ang lagi niyang ginagawa kapag nahuli niya ako na nakatingin sa kanya.

Nang matapos sila ay agad ako pumunta sa backstage at binigyan sila ng tubig at maliit na twalya pagkapasok nila sa waiting room area. Huli ko binigyan si luke at hindi pa man ito natatapos uminom ay pinunasan ko na siya gamit ang maliit na twalya. Napansin ko na napatigil ito sa pag inom at tulalang tumingin sakin. Tumigil ako sa pagpunas sa kanya at binaba ang tubig na iniinom niya.

"What?" tanong ko sa kanya.

Kumurap ito at umiling. "Nothing." sagot niya at ngumiti ng tipid.

Kinuha niya ang twalya sakin at siya na ang nagpunas ng pawis niya. "Samahan mo naman ako mamaya." pagkaraan na sabi nito habang nagpupunas parin.

"Where?"

Huminto na ito sa pagpunas at tumingin sakin. "Sa Bar...nagsasawa na kasi ako sa mukha ng lalaking iyon...tsk!" sagot nito habang hinahampas hampas ang twalya sa kamay niya.

Well...what he mean 'lalaki' ay yung lagi niyang kasama kapag lumalabas siya. His bodyguard.

I nod. "Okay...sasama ako para maiwasan mo ang malasing...may concert pa naman kayo bukas." sagot ko sa kanya.

Ngumisi ito. "Right! Rules..." komento nito at bumuntong hininga.

"Oh! Pwede sumama?"

Bigla naman sumulpot si chase at umakbay pa samin dalawa ni luke habang malawak ang ngiti at tinaas taas pa kilay na tumingin samin.

"No!" sabay na sabi namin ni luke.

Nagkatinginan kaming dalawa at ngumisi naman ang loko. Tumingin ito kay chase. "Sorry pre! May friendly date kami mamaya..bawal ang third weel." nang aasar na sabi ni luke kay chase at inalis nito ang kamay ni chase na nakahawak sa balikat niya.

Tumingin naman sakin si chase at parang bata na nagmamakaawa na nakatingin sakin. Marahas ko inalis ang kamay niya sa balikat ko at umiling sa kanya bilang sagot.

"Ang daya niyo naman!" maktol nito at tumingin kay luke habang nanlilisik ang mata. "Ikaw luke ah! Porket close na kayo ni miss taylor hindi mo na ako pinapansin! Ang daya mo!" parang bata nitong maktol at nagdadabog na umalis.

Napailing lang si luke sa inakto ng kaibigan at ngumiti sakin. "Pagpasensyahan mo na iyon...takas sa mental kasi kaya ganoon." natatawang sabi nito.

"Hindi ba magkaibigan kayo?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman ito bilang sagot. "Bakit?"

Tumango tango ako. "It made sense." sabi ko.

"Of what?"

"Na pareho kayong takas sa mental." sagot ko.

Natigilan ito at nabitawan ang twalya na hawak niya habang nakatingin sakin. "Are you saying that i'm crazy?" tanong niya.

I Fall in Love with a Rockstar (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon