Chapter 4: First Confrontation

32 2 1
                                    

Ace's POV

BIGLAng napamulat ang mga mata ko nang may marinig ako na kalabog sa labas. Kahit kasi natutulog ako bukas ang sense of hearing ko. Agad ako bumangon at kinuha ang caliber sa ilalim ng unan ko saka mabilis na pumunta sa pinto ng kwarto ko.

Pinikit ko ang mata ko para marinig ng malinaw ang nasa labas. Mahinang ungol at parang nasasaktan ang boses na naririnig ko. I open my eyes when something pop up in my mind. Ang banda!

I automatically open the door nang may bigla ako naisip na maaaring mangyari. Agad ko itinutok ang baril sa unahan at humakbang ng dahan-dahan. Pero napatigil ako at agad naitago ang baril sa likod ko nang makita at makilala ko ang dahilan ng pagkalabog kanina. Lumapit ako dito habang tinatago sa loob ang baril sa likod ng pajama ko at umupo sa harap niya.

"You dare to drink but you can't even tolerate it?" it's not a question. It's sarcastic.

Tumingin ito sakin at ngumiti habang hindi maidilat ng maayos ang mata niya. "Ooww! Mish eishi...haayy! Hehehe.." tumuro pa ito sakin at kumaway habang parang baliw na ngumingiti sakin.

I sighed and touch his elbow to help him sit up. Nakahandusay kasi siya ngayon sa harap ng lamesa na nandito sa sala. Kaya pala kumalabog kanina dahil nabangga niya ang lamesa. Buti hindi nasaktan ang lamesa.

Nakaupo na siya pero nang balak ko na siyang i-angat para makatayo bigla ito bumalikwas at parang bata nagmamaktol.

"Ano ba! Hinji mo ko pweje hweken!" inilagay nito ang kamay niya sa katawan niya. "Wala pweje humewek sheken!" matalim na tumingin ito sakin. "Hinje mo bey alem? Anak *hik* ako neng isang*hik* richerd scort?" iwinagayway niya ang daliri niya sakin. "Hwag na hwag ka mag*hik*babalek na...hweken ako...kunje! Makukulong KA!" sumigaw ito sa huli niyang sinabi kaya napapikit ako.

Pagdilat ng mata ko ay ngumingiti na ito ulit at balak niya na sanang humiga ulit nang mapigilan ko ito. Hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso at marahas na iniangat para tumayo. Napa-aray naman ito sa ginawa ko. Buti nga!

"Shan mo ko dadlhen ha? Hinje tayo chalo!" pagpupumiglas nito buti na lang mahigpit ang pagkahawak ko sa kanya.
Inalalayan ko ito na maglakad at nang makatatlong hakbang na kami ay bigla ito huminto kaya napatingin ako dito.

Pipilitin ko na sana siya maglakad nang bigla siyang gumalaw at parang ang bilis ng pangyayari. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ganoon lakas dahil sa lasing na ito pero nagawa niya ako itulak sa dingding habang mahigpit ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko. Lumapit ito sa mukha ko hanggang isang inch na lang ang pagitan namin.

Naramdaman ko sa sistema ko ang pagkagulat. At alam kong lumalaki ang mata ko ngayon na nakatingin sa seryosong mata niya. Anong nangyayari? Bakit ako nagkakaroon ng emosyon ngayon?

"Hindi ka siya." bulong nito habang seryosong nakatingin sakin.

Umamo ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "Sinong siya?" naguguluhan ko na tanong.

"Pala ngiti...masayahin...may buhay lagi ang mga mata niya na nakatingin lagi sakin..." umiling ito. "Hindi ikaw siya ... Imposibleng ikaw siya..." naiiyak na nitong sabi habang may lungkot at pagaasam ang matang nakatingin ito sakin.

Ano ba ang pinagsasasabi ng lalaking ito? Sinong siya ang sinasabi niya?

Pumikit ito habang umiiyak at dahan dahan na bumitaw sakin at saka umatras ng konti at tumingin sakin. Malungkot na ngumiti ito at saka nawalan ng malay.

Malalim na napabuntong hininga ako dahil sa nangyayari. Hindi ko alam na ganito pala siya kapag nalalasing. At dahil siguro sa 'siya' na sinasabi niya kaya siya naglalasing. What a pity boy!

I Fall in Love with a Rockstar (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon