Chapter 10: Tattoo and a Kiss

8 0 0
                                    

Ace's POV

PAG-UWI namin galing batangas, nagkulong agad si luke sa kwarto niya. Hindi namin nakita ang babae dahil namatay ang lalaki na sinasabi niyang source. Pagdating namin sa apartment na tinutuluyan ng lalaki, bangkay na lang niya ang naabutan namin. Murder ang pagkamatay nito. Ayon sa nakita ko na mga saksak sa tiyan niya ay lumaban pa ito bago namatay. Alam ko ang ganoon klaseng saksak dahil nagawa ko na iyon dati sa mission ko.

Pero ang pinagtataka ko, bakit may suicide note siya? Ano, sinaksak niya ang sarili niya para magsuicide? Magkikita sila ni luke tapos magpapakamatay siya? Ang labo naman noon.

Alam ng suspect na may nalalamaan ang lalaki tungkol sa paghahanap sa babae kaya niya pinatay ito. Ibig sabihin malapit lang kay luke ang suspect? Kasi wala naman nakakaalam na ibang tao, maliban sakin, sa banda at...wait...

Her DAD!

Sabi na nga ba. Minamanmanan niya si luke. Kahit saan magpunta ang lalaki. Siya ba ang nag utos na patayin ang lalaki? Posible iyon dahil ilang tao na ba ang napatay ng demonyong iyon?

"Oh sophia! Nakauwi na pala kayo."

Napatingin ako kay thea nang marinig ko ang boses niya. Kalalabas lang nito sa kwarto habang minamasahe ang likod ng leeg niya.

"Yeah." tipid kong sagot.

"Bakit nandyan ka pa sa harap ng pinto? Wala ka bang balak pumasok?"

Napakurap ako at naglakad papunta sa kusina. Narinig ko ang pagtawa nito dahil sa inakto ko. Kumuha ako ng tubig at uminom. Napansin ko na may hinahanap ito sa mga kabinet na nandito sa kusina.

"Ano ang hinahanap mo?" tanong ko sa kanya.

Tumingin ito sakin habang nasa kabinet pa rin ang kamay. "Hinahanap ko ang cool patch...masakit kasi ang likod ko dahil sa maghapon na praktis kanina." sagot niya at bumalik sa paghahanap.

Nilapitan ko siya at tinulungan siya maghanap. Napahinto ako sa paghahanap nang makita ko na ang hinahanap niya. Kinuha ko ito at pinakita sa kanya.

"Gusto mo ako na maglagay?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya. "Yes please."

Pumunta kami ng sala para mailagay ng maayos ang cool patch sa likod niya. Nakaupo siya sa couch habang ako nakatayo sa likod niya.

Itinaas niya ang buhok niya para mailagay ko ng maayos sa ibabang likod ng leeg niya at likod. Pagkalagay ko ng isa, napahinto ako dahil sa nakita kong tattoo sa likod ng leeg niya. It's skull flame tattoo. Medium size ito. Naramdaman ko na gumalaw ito.

"Bakit sophia, may problema ba?" tanong niya.

"Huh? Aah...wala naman. Nagandahan lang ako sa tattoo mo."

"Aahh...iyan ba? Simula nang mag 18 ako mayroon na ako niyan...well, sabihin na lang natin na tradition ng pamilya?" paliwanag niya at natawa dahil sa huli niyang sinabi.

Tumango na lang ako. "Ang cool niyo pala magpamilya...buti hindi masakit?"

Napansin ko na napatigil ito. Ilalagay ko na sana ang natitirang cool patch nang bigla niyang ibinaba ang buhok niya at tumayo. Humarap ito sakin at walang salita na kinuha sakin ang cool patch saka siya nagpasalamat bago pumasok ng kwarto.

Ano'ng nangyari doon? Sinabi ko lang naman na cool ang pamilya niya.

Napapikit ako nang may maalala. "Oo nga pala...sensitive siya sa usapang pamilya." bulong ko.

---

KAKATAPOS ko lang mag ayos ng kakailanganin ng banda. Nasa dressing room kami ngayon sa backstage ng ARENA kung saan gaganapin ang huling concert nila.

I Fall in Love with a Rockstar (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon