Chapter 23 STHP

9.2K 105 7
                                    

Enjoy reading!

***

RAFA

Pinunasan ko ang pawis ko pagkatapos ay isinuot ko na ulit ang bra ko at damit pagkatapos ay tinali ko yun na pa bun.

Kakatawag lang kasi kay Father nung kung sino man na malapit na nila maayos ang problema kaya naman inayos ko narin ang sarili ko.

Mahirap na madatnan nila kaming ganito ang sitawasyon.

Buti nalang at walang kuryente kanina nung gumawa kami ng something shining, shimmering, splendid.

Nakahinga ako ng maluwag nang magkaroon na ng ilaw kaya naman tumayo na kami ni Father ng may kung anong tumunog at nag-umpisa narin ulit itong umakyat.

Kung ma s-stock ako ulit sa elevator gusto ko kasama ko si Father kasi hindi ko nalaman kung gaano kami katagal don.

At of course something amazing happened nakakahigh shit.

"For now, take a nap first gigisingin nalang kita pag dinner na."

Tumango naman ako dito at pumasok na sa room ko afrer kong i-type ang security code.

Hayss nangulila bigla ang katawan ko sa malambot na kama kaya padapa akpng tumalon don at tinapon sa kung saan ang sling bag ko.

"Shit! namimiss ko agad si Father pero namiss ko rin ang kama!" sigaw ko at sinabunutan ang sarili.

Fuck.

This is bad, baliw na ata ako.

"Argh!" Kama o si Father?

Pero makikita ko naman siya mamaya eh pero ganon din ang kama.

Pipiliin ko nga si Father pipiliin ba niya ako? Buti pa kung yung kama laging kahit kelan ko gusto. Hayss.

Baliw na talaga ako kung ano-ano nalang naiisip ko.

Siguro kailangan ko lang tong itulog.

THIRD PERSON

Napakuha na ng pagkain si Father Miguel para sa kanilang dinner.

Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa ginawa nila ni Rafa kanina.

'That girl really has something.'

'She's making me crazy.'

Sabi niya sa kaniyang isip.

Pero nawala ang ngiti sa kaniyang labi ng maisip niyang kasalanan yon isang makamundong kasalanan.

Sa tuwing kasama niya at nandiyan lang si Rafa.

Nakakalimutan niya ang kaniyang mga responsibilidad at obligation bilang pari.

Kahit na baguhan palang siya ay minahal na niya ang kaniyang pinili.

Naalala niya kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon.

FLASHBACK

"Sandra, please don't leave I can't live without you, since the day you came to my life you became my life and my world and you know that." pagmamaka-awa ni Miguel kay Sandra na paalis na bitbit ang dalawang maleta.

Pupunta na kasi ito sa ibang bansa at doon ipagpapatuloy ang pag-aaral.

Naluluha man at nasasaktan pinigilan yon ni Sandra at matigas na humarap kay Miguel na ngayon ay nakaluhod at yakal ang kaniyang paa.

"Pinag-usapan na natin to Miguel na pag mag-aaral na ako sa ibang bansa ay maghihiwalay muna tayo hangga't hindi pa ako natatapos."

"Hindi ba pwedeng pagsabayin mo ang pag-aaral at ang pakikipag relasyon? Pangako hindi kita kukulitin."

Lumuhod si Sandra at pinantayan si Miguel.

"Alam mo namang hindi papayag si Mama at Papa baka ibalik nila ako dito sa pilipinas. Alam mo namang matagal ko ng pinapangarap to ngayon paba ako susuko kung kailan may ganitong pagkakataon. Alam mo din na ang tagal ko silang pinilit para lang dito."

"Sige, kung yan ang gusto mo." masama ang loob na sabi ni Miguel at tumayo pagkatapos ay iniwan si Sandra doon.

Apat na taon.

Apat na taon na ang lumipas mula ng iwan siya ni Sandra at dapat ay babalik na ito ngayon ngunit ilang buwan na ang lumipas pero hindi parin siya nito binalikan.

Lalo siyang nawalan ng pag-asa nang malaman niyang ikakasal na ito sa iba.

Kaya nalugmok siya at muntik ng wakasan ang sariling buhay mabuti nalamang ay dumating ang kaniyang tiyuhin na isang pari at niyakag siya nito na lumapit muli sa diyos.

Dati kasi siyang sakristan pero itinigil niya na yon magmula ng iniwan siya ni Sandra.

"Wawakasan mo ang buhay para sa isang babae, Miguel iiwan kana ng lahat ngunit hindi ng diyos tandaan mo yan, sa huli siya parin ang ating hahatungan."

Napilit naman siya ng kaniyang tiyuhin maging pari 29 years old siya ng matapos at 30 years old siya ng maging pari.

End of Flasback

Ngayon ay tuluyan na nga niyang nakalimutan si Sandra ngunit mukhang gustong-gusto siyang paglaruan ng tadhana.

Dahil inilapit nanaman siya nito sa mapanakit at mapanuksong damdamin na siyang matagal niyang iniwasan.

Hindi niya maiwasang mapailing natatakot man sa magiging resulta ng kanilang ginagawa ngunit sinubukan na niyang pigilan ang nararamdaman pero mas lalo lang atang lumala.

Pakiramdam niya ay hindi niya kayang mawala sakaniya si Rafa.

Iniisip nga nito na aalis na sir Rafa sa ampunan ay namimiss at nangungulila na agad siya dito.

Tunay ngang napaka unfair sakaniya ng tadhana dahil sa tuwing siya ay magmamahal lagi nalang may hadlang.

Pakiramdam niya ay hindi na siya sasaya pero pagkasama niya si Rafa para siyang nakalutang sa hangin sa sobrang gaan ng kaniyang pakiramdam.

***

JAVSSV

Seducing The Hot Priest(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon