Enjoy reading!
***
RAFA
Hinihintay namin ngayon ni mom na dumating si dad from work.
Sasabihin namin ni mom ang sitwasyon ko.
While waiting I can't help but to feel nervous.
Any minute ay dadating na si dad.
Mabait si dad pero napaka strict niyang tao, at ngayong ganito ang sitwasyon ko dapat malaman niya.
2 days narin akong hindi pumapasok pero nagpadala naman ng letter si mom sa school kung hindi isang absent ko nalang magiging FDA nako or failure due to absences.
Maya-maya lang ay narinig na namin ang sasakyan ni dad.
This is it.
Hinawakan ko ang kamay ni mommy para pampalakas ng loob ko.
Nang makapasok si dad ay lumapit si mom at hinalikan sa labi.
"Hey hon, are you tired?" mom ask.
"Yeah honey, I think I need a massage right now." paglalambing naman ni dad.
Kinindatan ako ni mom it means kailangan niya munang pag relaxin si dad para hindi ito magalit ng todo.
Kumain muna kami ng dinner pagkatapos ay umakyat na sina mom ako naman ay pumunta muna sa kwarto ko.
THIRD PERSON
"Hon, after kita i-massage wag ka muna matulog, is it okay to you?" Tanong ng ina ni Rafa habang hinhinilot ang asawa.
"Bakit hon?"
"Kakausapin ka raw ng baby natin eh."
"Bakit may ginawa nanaman bang kalokohan si Rafa sa school? Yung batang yon talaga napaka pasaway. Okay kausapin ko na siya ngayon mabibitin lang ako sa masahe kaya tuloy nalang natin after kong kausapin si Rafa."
"Okay honey." Umalis ito sa pagkakaupo sa likod ng asawa.
Lumabas na sila sa kwarto at pumunta sila sa opisina ng ama ni Rafa.
"Tawagin mo nalang si Rafa hon hintayin ko kayo dito." sabi nito habang nagbuhos ng alak sa wine glass.
Lagi kasi may nakahandang wine glass at alak don dahil pag may trabaho or ito at stress na ay iinom lang siya don.
"Okay hon" pagkasabi nito ay humalik muna sa pisngi ng asawa bago lumabas at dumiretso sa kwarto ni Rafa.
RAFA
Nakaupo lang ako at hinihintay na tawagin ni mom.
"Rafa baby?" sabi ni mom mula sa labas.
Mabilis akong tumayo at lumapit sa pinto.
"Kakausapin na daw po ba ako ni dad?" bungad ko pag bukas ko ng pinto.
"Oo dun sa opisina." seryosong sabi ni mom.
Nauna itong naglakad kaya sumunod lang ako habang nginangata ko ang kuko ko kasi kinakabahan ako at hindi mapakali.
Habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa tiyan ko na kahit flat pa eh alam kong may laman na.
'Baby, gagawin ko ang lahat para sayo wag kang mag alala' sabi ko sa isip ko.
Sakaniya ako kumukuha ng lakas.
Pagpasok namin ay umupo si mom habang ako nanatiling nakatayo.
"Sit Rafa, ganon ba kalala ang ginawa mo ngayon at kahit sa pag-upo lang eh nakmtatakot ka. Tell me ano namang kalokohan ang ginawa this time?" seryosong sabi ni daddy.
Fuck.
Nakakatakot talaga pano ko sasabihin ang sitwasyon ko kung wala pa akong sinasabi para anytime mangangain siya ng tao.
"K-kasi po dad uhm ah-eh ano po kasi." Kinakabahang sabi ko.
"Ano yun Rafa, ayusin mo nga di kita pinalaking duwag para hindi aminin ang mga kasalanan at kalokohan na pinaggagawa mo sa buhay." kalmadong sabi nito.
Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim.
"Dad I-I'm p-pregnant." garagal kong sabi at pumikit nagbabadya nanaman kasi ang mga luha ko.
Isang malakas na sampal ang natanggap mula kay daddy kaya halos ika bingi ko yun.
Napahawak ako sa mukha ko at napahikbi, naramdaman ko naman na yinakap ako ni mommy.
"Disgrasya!" matigas ngunit kalmado paring sabi nito.
"Hindi kita pinalaki para lang magpabuntis ng walang kasal na nagaganap Rafa, mula nung bata kapa hanggang ngayon ay puro sakit nalang ng ulo ang ibinigay mo sakin, pero mas malala ang ngayon. Hindi mo ba naisip ang mangyayari at sasabihin ng mga tao samin, satin ha!" Galit na sabi nito.
Mas lalo akong pumikit ng mariin.
Hindi ako makapag salita dahil sa takot.
"Sino ang ama niyan?"
Hindi ako sumagot dahil para ayaw bumuka ng bibig tanging hikbi lamang ang tugon ko.
"Sino!" Sigaw nito.
Napatalon naman ako, dahil ngayon ko lang narinig na sumigaw si dad.
"S-si F-father M-miguel po." Nauutal kong sabi.
"Anak ng, talaga naman Rafa! Ang daming lalaki sa mundo bakit sa isang pari pa! hindi mo ba naisip na hindi ka paninindigan niyan?"
Umiling-iling ako wala namang kasalanan si Father dahil ako ang puno't dulo nitong lahat.
Napahilot ito sa sentido at huminga ng malalim.
"Kung ganon tatanggapin ko nalang ang proposal ni Mr. Lackson." sabi nito at nagsalin muli ng alak sa baso.
"Anong proposal yun hon?" Tanong ni mommy.
"Matagal na niyang gusto na ipakasal ang anak niyang si Jacob Lackson kay Rafa pero tinaggihan ko yun dahil alam kong hindi papayag si Rafa at ikaw, pero this time wala kayong magagawa dahil muna ang masusunod.
Bukas na bukas din ay magpapadala ako ng letter sa school mo, hindi kana papasok at maghohome school kanalang hanggang sa manganak ka."
Nanghihina ang mga tuhod na napaupo nalamang ako.
Walang magawa at hindi maka angal sa sinabi ng daddy ko.
***
JAVSSV
BINABASA MO ANG
Seducing The Hot Priest(COMPLETED)
RomanceI love Jesus and him who created all the non living and living things. I love all his creation. But the more I love is, His Follower, which is the PRIEST.