PROLOGUE

11 0 0
                                    

Alejandro's POV

Kasalukuyan akong naglalakad sa street namin. Galing akong computer shop matapos kong malaman ang nakapanlulumong nabasa ko sa facebook. Gusto ko nalang umiyak magdamag, magwalwal at kung ano anong bagay na makapagpapawala ng sakit na dinadamdam ko.

I was broken for loving the wrong person who loves her past. Habang naglalakad ko ay nasalubong ko siya, nakatingin lamang ito sa akin.

Althea.

"Hey, umm AJ!" tawag nito.

Nakatungo lang akong naglalakad dirediretso at nakatingin sa dinaraanan ko. Hindi ko siya pinapansin. I cant accept na parang naging panandaliang saya niya lang ako habang wala sila nung huling boyfriend nya.

Dirediretso na sana ako ng siya na mismo ang humawak sa braso ko. Tinignan ko siya sa mata kahit alam kong babagsak na yung mga luhang pinipilit kong huwag bumagsak. Hinatak niya ako malapit sa pintuan ng bahay nila.

"Hey, AJ, bakit? Ano nangyare sayo?" usisa nito habang hawak pa din ang braso ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit dahilan upang dun na talagang bumagsak ang luha ko. Damn, kung alam mo lang yung nalaman ko. Dapat alam mo yun e,pero kahit pa sabihin ko sa iyo wala akong karapatan kasi walang tayo. Usal ko sa isipan ko. Buti na lamang walang tao sa pasilyo ng bahay nila kaya wala masyadong nakapansin.

Bumitaw siya sa pagkakayakap at tinitigan nya ako sa mukha. Tinitigan ko lang siya bilang sukli.

"Ayos ka lang ba?" usal nito.

Pero sa pagkakataong yun puro hikbi lang ang tanging naisasagot ko. Hindi ko magawang sumagot dahil sa sakit na nararamdaman ko at sa katotohanang siya ang dahilan nuon.

"Okay lang ako. Papahinga lang."

Hinayaan niya akong lumabas ng pasilyo nila, dala ng sakit sa dibdib ko habang marahang naglalakad palabas. Iniisip ko na eto na ang huling pag uusap namin dahil sa pagkakataong ito iiwasan ko naman siya.

Masakit, mahirap kalimutan yung mga bagay na pinagsamahan namin dahil sa mga panahong yun mahal na mahal ko siya pero i guess ganito tumatakbo ang mundo ng pag ibig, its unfair.

Paglabas ko duon agad kong tinungo ang bahay namin, duon ko nilabas lahat ng emosyong tinago ko. Galit, lungkot, sakit. Umiyak ako magdamag. Kinabukasan hindi ko na siya talaga pinapansin. Iniiwasan ko siya at bawat oras na makikita or makakasalubong ko siya ay kaagad akong lumilihis ng daan. Ginugol ko ang lahat ng oras ko sa paglalaro ng kompyuter. Apat na taon, sa loob nun uminom ako, natutong magbisyo, para lang makalimutan siya.

Simula nuon hindi nako naniwala sa PAG IBIG. I close and protect my heart, not to fall in love with the wrong person.

Unang Tingin: A SHS StoryWhere stories live. Discover now