CHAPTER 2

7 0 0
                                    

Familiarization

Kinabukasan ang second day ko sa pagpasok maaga akong nagising at nagprepare. Dala dala ko na din yung mga gamit na pinagbibili ko palang kagabi bilang requirements ng mga guro na dadalhin.

Nagkamali ako ng bili ng pantalon ng mapagkamalan ko na itim pa rin ang gagamitin ng mga senior high school na yun pala ay hindi kundi gray. Ang uniporme ng mga lalake sa San Bernardo High School ay white na polo na pang itaas at grey na pants na pang ibaba. Sa babae naman ay blouse na may tie at palda na hapit at kulay green. Kaya since nagkamali ako ng nabili ay napilitan akong mag suot ng pamorma kong damit. Nag T shirt ako sa pang itaas at pantalon na pants na pang ibaba.

Pagdating ko ng skwelahan pinayagan naman ako pumasok ng guwardiya naisip ko nalang na siguro pwedeng mag sibilyan dahil kasisimula palang ng pasok. Pagkadating ko sa room ay walang guro kaya diretso agad ako sa upuan ko. As usual, tulog si Cristopher at walang balak magpagising. Agad akong binati ni Jayson.

"Goodmorning brad, pormadong pormado ka ha, saan lakad naten" asar niya.

"Loko, wala pa kasi akong uniporme kaya eto muna" balik ko.

Napansin ko naman na halos lahat ng mga kaklase ko ay naka uniporme. Siguro mga lumang uniporme nila ito nung grade ten at sinuot nila para maging uniporme ng grade eleven. Napansin ko rin na halos itim ang pants ng mga lalake, duon palang napagtanto ko na pang grade ten nga ang gamit nila.

Napansin ko rin na naka sibilyan din si krisha kaya tinanong ko sya kaagad pagkatapos kong mailapag ang bag ko.

"Krisha, naka sibilyan ka din?"

"Oo e, wala kasi akong uniporme pa at bibili palang" sabi nya.

"Bakit? Di ka ba dito nag high school?"

"Oo sa tarlac ako nag aaral ng highschool tas nilipat lang ako dito nila papa kasi malapit trabaho nila dito" dagdag nya pa.

"Ah ganun ba, parehas tayong pormado ngayong araw" tawa ko.

Pumasok naman bigla si Mr. Reyes at nagsimulang ilapag lahat ng kailangan nya. Naglapag din siya ng mga listahan ng kumpletong attendance at nagsimula sa pagtawag ng mga apelyido namin.

"Aguas,Bernabe,Barcelona,Bantag......." Anas neto.

Lahat naman iyon sinasagot ng present ng mga kaklase ko. May iilang absent at binalaan ni ser na kapag daw sila nagsipasok ay paglilinisin ng buong room at pasilyo. Tahimik lang din akong nakinig habang nagsusulat ng mga pina aassignment sa amin.

"Ano bayan! Ang aga pa para magka assignment, wala pa nga akong susulatan e!" angil ni Roland.

"Huwag ka nalang maingay at baka marinig ka ni ser yari ka nyan" sabay sabat ni Aaron

"Oo na nakakainis lang kase tong si ser" ani nito na naiinis pa din.

Tahimik na nagsusulat ang lahat sa mga sinabi ni ser. Habang nagsasalita si Mr.Reyes biglang may pumasok na lalake. Medyo may katabaan at matangkad.

"Goormorning sir, pasensya na po late na ako sir" abot ang hiningang sabi nito.

"Pangalan? at bakit ka late" titig nito sa lalaki.

Napatingin naman sa kanya ang buong klase at napatigil sa pagsusulat.

"Mark Vincent de Guzman po sir, na late lang po ako ng gising sir" pagpapaliwanag nito.

"Hindi mo ba alam Mr. Late na ang mga ma le late sa klase ko ay maglilinis ng kwarto at pasilyo?" sagot ni Mr.Reyes

"Hindi po sir"

Unang Tingin: A SHS StoryWhere stories live. Discover now