CHAPTER 8

2 0 0
                                    

First Picture

Alejandro's POV

Para akong tanga na sumisilip sa may hamba ng pinto ng room namin. Pinagmamasdan ko si Kyla at yung boyfriend niya, Tch. habang nag uusap sila. Matapos ako kasing tawagan ni ate Jo ng magtanong siya tungkol sa isang subject ay kaagad naman din akong bumalik kaso pagtingin ko ay wala na ang matabang yun!

Napansin naman ako ni Jayson na sumisilip silip sa pintuan.

"Huy, masilip mo lolo mo dyan" tawa nito habang hawak ang gitara.

"Shh, wag ka ngang maingay, sinisilip ko si Kyla" pagpapatahimik ko sa kanya.

"Ano bayan?" Nakisilip na din siya. "O jowaa ni Kyla yan bat mo sinisilip?"

Hindi nalang ako kumibo at sa halip nag focus ako sa pagtitig dito. Matangkad yung lalaki, medyo may kaitiman, matangos ang ilong at, curly yung buhok na sunod sa uso ng mga lalake ngayon. Hindi sa hater ako pero naisaisip ko lang na ampangit.

Tumigil nako ng akmang babalik na sya sa room namin dahil bumaba na yung lalake. Kasabay na niya ang isang guro namin sa research. Kaya bumalik na din ako sa upuaan ko. Pagkabalik ko duon ay puro pag iisip ang ginawa ko dahil boring class naman ang susunod na klase.

Ang hirap naman nito may boyfriend si crushie, mahirap na baka magselos naman yung jowa niyang pangit.

DISCUSS.

DISCUSS.

Uwian na nun at napaaga ang uwian namin dahil walang teacher at absent naman si Sir Velasquez.

"Tara sa bahay namin ate Jo" usal ni Rachel.

"Ano naman gagawin natin duon?" agad na tanong ni ate Joe.

"Foodtrip, dili na te wala naman asawa ko ngayom duon at ako lang mag isa" pilit nito.

"Osige ambagan ha, ikaw AJ sama ka?" harap niya saken.

"Sige lang magkano ba ambagan?"

Naisip ko na pagkakataon ko na yuon upang mas lalo pang mapalapit kay Kyla.

"Kung magkano na" ani Sol.

Agad kaming nagsiligpit ng mga gamit at sabay sabay na bumaba. Bali ang mga kasama ay Ako, si Sol, Rachel, si ate Jo,si Kristina, Daryll at Kyla. Tricycle na kaagad ang sinakyan namin dahil malayo ang bahay ni ate Rachel sa school.

Pagkababa diretso kami sa bahay nila at laking gulat ni Kyla dahil namangha siya sa pagpasok niya. Puno ba naman kasi ng Hello Kitty stuffs at miski yung renolyum. Na nakabalot sa sahig ay Hello Kitty din. Maliit lang kwarto at talagang pang dalawang tao lang ang pwede, may isang bintana at nasa labas ang lababo at banyo.

Agad kaming nagkanya kanya ng pwesto at humanap kaagad ng uupuan ko. Tumabi naman sa akin si Kyla at footspa nakakailig. Siyempre nailang ako kaya medyo natahimik ako ng konti dahil duon. Pero nawala iyon ng magsalita si ate Rachel.

"So ano na, kakainin naten?"

"Pancit canton nalaang?" suggest ni Sol.

"Kayo bahala" ate Jo.

"Ay oo te, yun nalang tas lagyan ng itlog" si Daryll.

Bali ang pwesto namin ay parang pa U shape. Si Sol sa unahan, si ate Jo, si Kristina, ako, Kyla at Daryll nasa unahan naman si Rachel.

Unang Tingin: A SHS StoryWhere stories live. Discover now