Sadness
Alejandro's POV
Pagkauwing pagkauwi ko sa bahay ay si lola kaagad ang inasikaso ko. Tinapos ko na muna ang lahat ng gawain na gagawin ko sa kanya at sinimulan ko na lahat ng gawaing bahay. Sa mga panahong yuon ay hindi nako sumasahod dahil sa nagkaroon ng gulo ang pamilya ng inaalagaan kong matanda.
"Bigyan nyo kase ng sahod yan tita, tignan niyo mukhang nag rerebelde dahil sa ginagawa ninyo e!" singhal ni ate PG parehas sa Tita at Mama niya.
Ang problema sa pagpapasahod sa akin ang naging mitsa ng minsang pagtatalo talo nila. Ang mga anak kasi ni lola ay may katigasan din ng ulo kaya halos di nila matutukan ang pagpapasahod. Si Ta Arlene na nagpapasahod sakin dati ay di na rin makapagbigay sapagkat kailan niya lang nalaman na may breasts cancer ito.
"Oo nga PG, pag uusapan pa nga naming magkakapatid diba, kaya manahimik ka!" singhal pabalik ni ate Rita.
Kasalukuyan naman akong nakayuko noon sa upuan at tahimik na nakikiramdam sa kanila. Simula naman kase talaga nung hindi na sila makapagbigay sa akin, si ate PG na ang nagbibigay ng sahod ko. Siguro dahil nga sa sagot niya lahat ng gastusin sa bahay dahil siya nga ang breadwinner ng pamilya ay nabibigatan din siya.
"Nagrerebelde kaba AJ!?" tanong nito sakin. Habang nakapamewang pa.
"Hindi po."
"O hindi naman pala PG anong inaano mo diyan!?" usal pa nito.
Tumahimik na ang lahat ng sumagot. Nanatili naman akong nag iisip kung ano na ang gagawin ko, sapagkat nag aaral ako at kailangan ko rin ng pera pang sustento sa pag aaral ko. That night, was a disaster for me. Napilitan akong mag decide kung ano ang gagawin ko at napagdesisyunan ko na kapag wala a ring maibibigay na sahod ay mapipilitan akong bumukod na muna sa kanila at umalis upang ipagpatuloy ang pag aaral ko.
KINABUKASAN.
Biyernes at maaga akong pumasok ng skwelahan pagkatapos kong pakainin si lola ng kanyang umagahan ay nagpaalam nako dito.
Pagdating kong eskwelahan ay kaagad kong ibinaba ang mga gamit ko para makapag pahinga pa ng kaunti. Wala ako sa mood dumaldal ngayon at isinalpak ko nalang muna ang earphone ko. Ilang minuto bago iyon ay pumasok naman ang guro.
-_-!.
Wala nakong nagawa kaya diretsong ibinalik ko sa bag ko ang earphone. Sumulyap naman ako kay Kyla, at least kahit papaano may magbibigay sigla ng umaga ko sa mga problema ko ngayon, nakita ko siyang kagigising lang at napangiti ako duon.
DISCUSS.
DISCUSS.
DISCUSS.
BREAKTIME.
Sabay sabay ulit kaming kumain ng mga barkada kong babae, dont get me wrong, hindi ako gay sadyang mas gusto ko lang sumama sa kanila dahil sila ang mga nauna kong kakilala. Napansin ko na wala nuon dito si Kyla.
"Te Jo, saan si Kyla? di sasabay?" sunod sunod na tanong ko.
"Ewan ko dun sa babaeng yun, lumabas e"
"Bat mo hinahanap? Ikaw haaa." pang aasar ni ate Rachel.
Sabi ko na kaya ayokong magtanong sa mga to. Agad na tinungo ko ang labas at yuon nakita ko nga siyang nakaupo sa lamesa, mukhang malungkot at nakatingin sa malayo. Shet, lungkot ni crushie ngayon ha lalapitan ko nga. Katabi niya noon si Jayson na nag gigitara naman sa tabi niya. Aaargh, kakainis. Agad na pumunta ako duon habang tinitignan ko siya, at damn ang lungkot talaga ng mata niya. T_T.
YOU ARE READING
Unang Tingin: A SHS Story
РазноеKwento ito ng isang normal na senior high school student na sinubukang umibig pagkatapos masaktan. Pinrotektahan nya ang puso nya upang hindi na muling umibig pa ngunit hindi niya inaasahan na ang makikilala niya sa pagtungtong niya ng senior high s...