CHAPTER 7

2 0 0
                                    

Closure

Alejandro's POV

Kinabukasan mas lalo pa kaming naging close ni Kyla. Madalas na rin ang pag uusap namin. Kinikilig ako lagi kapag katabi ko siya at nakakausap dahil sa crush ko nga siya at nililihim ko sa kanya. After class hours kami lagi ang magkausap at ako lagi ang mag iniitiate nuon.

Pagkapasok ko ng room medyo late na ako kaya nag sorry nalang ako sa teacher na naroon at pumasok. Tinawanan naman ako ni Kyla ng makita ko siya kaagad. Nakakainis ang lakas niya mang asar pero ang cute nya.

DISCUSS.

DISCUSS.

DISCUSS.

Natapos ang tatlong klase na puro turo nalang ang nangyari. Breaktime nuon at walang klase, kaya bumaba muna ako para bumili nh sandwich at tubig sa canteen. Pagbalik ko tapos na silang kumain lahat. Well, tapos na din naman ako kaya okay lang. Nakita ko si Kyla na nakaupo lang sa pwesto niya kaya tinabihan ko ito.

"Ha, mag isa na naman ang mataba!"  tawa ko habang nilalapag ko yung tubig sa lamesa. Tinignan niya ako at ngumiti. "So, bakit nag iisa kalang?" tanong ko.

Nasa unahan namin si Cristopher na natutulog habang nakasandal ang ulo sa sandalan ng upuan. Bahagya pa tong nakanganga at tabingi ang salamin. Gwapo amp sana all. Well, aaminin ko hindi naman ako gwapo that time, konti lang. May katabaan ako at pisngi't kilay ang pinaka asset ko.

"Wala, wala namang magawa dito lang muna" sagot niya habang humaharap saken.

"Kwentuhan tayo" sabi ko.

"Sige ba!, pero ikaw muna mag kwento. Magtatanong ako" sang ayon nito.

"Okay. Gaaame!"

"Bakit ka nag ALS?" tanong niya.

Tinititigan ko ang mukha niya noon dahil naka sideview lang ako sa kanya at siya naman ay nakaharap saken at footspa ang gandaa. Shet!

"Out of school youth ako, ibig sabihin nahinto ako sa pag aaral dahil sa family and financial reasons"

"Ganun, ilang taon kanaman natigil?"

"Siguroo, 2 years napakatagal din kase nuon"

Ayaw ko pang ikwento lahat ng nangyari sa akin, especially yung past ko pero kahit papaano may kaunti akong ma share.

"Anong ginawa mo sa loob ng dalawang taon na yuon" itinukod niya ang siko nya sa armchair ng upuan at ipinatong niya sa kamay niya ang baba niya.

Pota! Ang cute! >_<!

"Nagtrabaho lang ako sa loob ng dalawang taon na yun. Nag aalaga ako ng matanda. Hanggang ngayon pa rin naman nag aalaga ako"

Hindi ako direktang nakatingin sa kanya pero nasusulyapan ko siya sa gilid ng mata ko at nakikita kong tinitignan nya lang din ako. Nagulat naman ako kay Cristopher na naalimpungatan.

"Ang panget mo Alejandro..." sabi nito habang inaantok at nakapikit.

"Kupal" sabi ko dito. Pero di niya naman ako pinansin. Natawa naman si Kyla kaya mas lalo akong nainis. "Anyways, ikaw balita ko may boyfriend ka?".

"Ah oo, matagal na saan mo nalaman?" Usisa nito.

"Dyan lang, narinig ko lang kayo nagkekwentuhan, matagal na kayo nun?"

Unang Tingin: A SHS StoryWhere stories live. Discover now