CHAPTER 4

5 0 0
                                    

Eyes

Mabilis na lumipas ang mga araw at mas lalo ko pang nakilala ang mga kaklase ko partikular na sila Peter, Marc at Jelord. Sila ang madalas na kasama ko sa room. Nagkaroon na din ng iilang teacher na nagsipasok, siguro paubos na yung mga nag eenroll kaya siguro nabawasan ang pagiging busy ng mga teachers.

May mga bagong nadagdadag din na mga kaklase namin at isa na roon si ate Josefina, siya ang naging halos nanay ko na sa loob ng room. Hindi literal, pero dahil kasi sa edad nya na bente syete. Ginawa namin siyang nanay kasama ko sina Marc at Jelord. Siya ang napagtripang ligawan naman ni Mark Vincent na noon ay playboy ang dating sa room. Bestfriend sya ni Marc.

Si ate Josefina ay galing din ng ALS at mabilis naming nakasundo nina Sol,Jeric at Patricia. May isa pang bagong pasok na babae din na halos mamuti ang mukha dahil sa mga koloreteng nilagay nito. Maganda sya at talaga namang habulin ng lalaki sa room partikular na si Vincent. Eto rin ang niligawan ni Marc kalaunan.

Josefina Pamintuan
Maria Kristina Salvador

Sila ang aking madalas makasama sa pag uwi, medyo bit weird na puro babae ang kasama ko pero kalaunan ay hinayaan ko na lang din kaysa wala naman akong kasabay na umuwi.

"Okay, kumuha kayo ngayon ng 1/4 na papel at isulat nyo ang pangalan at edad nyo rito" bati ni sir Chua. Science Teacher.

Mabilis naman na nagsikilos ang mga kaklase ko ang iba ay mayayaman sa papel at halatang naglalabas pa ng mas marami. Hindi ko lang alam kung ipinagmamalaki nila ito, pero isa lang ang alam ko, sila ay magiging banko ng papel.

Umiling nalang ako sa naiisip ko at tumawa. Agad din akong kumilos at siyempre katulad ng normal na estudyante nanghingi din ako ng papel.

-_-

Habang naghahanap ako kung kanino ako hihingi nasulayapan ko yung isang babae duon sa harapan. Naka ponytail ang buhok malapad ang ngiti at maganda yung mata. Aaminin ko those eyes made my heart skipped a bit. Hindi naalis sa kanya ang mata ko ng ilang saglit at malamang na kung titignan ako ng katabi ko ay baka batukan ako nito.

Bumalik lang ako sa ulirat ng abutan ako ng papel ni Stephen.

"O tol, magsulat kana nakahingi tayo dun sa source ng papel sa harapan" nakangisi ito.

"Salamat pre" habang nakatingin sa kanya pa rin.

Damn

Nakabuo ako ng plano sa isip ko at aaminin ko nahulog ako dito, love at first sight ba. Isinulat ko ang buong pangalan ko sa papel at inilagay ko din ang palayaw ko.

Alejandro "AJ" Villanueva
16 years old.

Ang plano ko ay makilala ko sya at makilala nya ako sa pamamagitan ng palayaw ko.

"Times up, pass your papers in front" ani Sir Chua.

Imbis na ipasa ko ang papel ko sa harapan ay ako ang nagpunta mula sa lamesa nya at mismong sa kanya ko ipinasa. Hindi naman ako napansin ni sir sapagkat abala sya sa pag kolekta ng papel.

Katabi nung babaing naka huli ng tingin ko si Joy at siya kaagad ang kumuha ng papel na inilahad ko. Sadya ko talagang ipakita sa kanya ang aking papel at swerte namang nasulyapan ko ang pangalan nya.

Kyla Marie Mendoza
16 years old

At talagang napatitig ako sa kanya, hindi ko nalang alam pero ang alam ko, it sends shivers down my skin. Parang pakiramdam ko ay kumislap ang paligid ko ng ngumiti pa sya sa akin.

Unang Tingin: A SHS StoryWhere stories live. Discover now