First day of School
Nakatingin ako sa harap ng papasukan kong eskwelahan. San Bernardo High School. Malaki, malawak pero normal lang na paaralan. Hindi mo siya maikukumpara sa ibang paaralan na magagarbo ang disenyo
Pagkapasok ko ng paaralan, una ko kaagad hinanap ang room na papasukan ko Grade 11 TVL. Tama hindi ko kasi pinili na mag aral sa mga unibersidad o kolehiyo na may mga programa para sa senior high dahil mas gusto ko na maranasan muna ang buhay ng isang senior high sa paaralang wala pang kolehiyo. Kaka graduate ko lang ng ALS o alternative learning system nito at oo hindi ako normal na isang estudyante.
Kaagad kong nahanap ang nasabing room na iyon at duon pumasok, kasalukuyang nagbibigay ng mga instructions at paalala ang nasabing guro sa room na iyon.
" For this school year I will be handling this section although ako ay isang Humms teacher ako muna pansamantala ang hahawak sa inyo. By the way I'm Mr. Reyes, Rolando Reyes. " Ani nito.
Sumulyap muna ako sa mga tao sa loob na magiging kaklase ko sa loob ng aking grade 11 years.
"Goodmorning sir, may i come in?" Sabi ko.
"Bilis bilis at marami pa tayong gagawin" sabi nito.
Umupo ako sa pagitan ng isang babae at isang lalake na nakilala ko noon nung nag brigada si Jayson at ang kaibigan niya na si Aaron.
"Uy, pare late kana kanina pa nagsimula orientation, tas sabi ni sir first day na din daw to" sabi ni Jayson
"Nagdala ka ng papel at bolpen? introduce yourself agad to pre HAHAAHAHA" palihim na hagikhik ni Aaron
"Meron pre kaso pang ngayon lang to" sabi ko.
Sa hindi inaasahang pangyayari biglang tumunog yung selpon ko habang nagsasalita ang teacher.
"Patayin mo yan bilis, baka marinig ka" sabi nung babaeng katabi ko.
Kaagad niyang tinakpan ng kanyang bag ang pantalon ko kung saan natunog ang aking selpon. Pinatay ko naman ito dahil alarm ko pala yung natunog.
"Salamat" sabi ko
Sinagot naman nya ito ng tango at muling bumaling sa pakikinig sa guro. Nakinig na rin ako sa guro.
"Now since kilala nyo na ako, I will let you introduce yourselves sa mga kaklase nyo at sa akin. Ibigay nyo ang buong pangalan nyo, edad, bakit nyo napili ang strand nato at ano ang gusto nyo paglaki, magsisimula sa iyo" turo neto sa lalaking nakatungo sa kanyang lamesa.
Tumayo ito at nagsalita.
"I am Christoper Marasigan 17 years old, napili ko tong strand na ito dahil walang STEM na strand dito kaya no choice ako. Wala" pagtatapos nito
Kaswal itong umupo sa kanyang upuan na parang tinatamad. Sa tono at tindig neto ay mukha syang matalino. Maputi at medyo may katangkaran, laging nakabusangot ang mukha nya pero mukhang natural naman ito. Since wala syang katabi sa unang row ng tig aapatang silya, sumunod kaagad ang katabi ni Aaron malapit sa pinto.
"Ako si Roland Marquez, 16 years old nakati--- ah umm, napili ko tong strand kase mahilig ako sa computer at pangarap kong maging programmer" aniya nito. Umupo ito pagkatapos.
Talaga naman kasing nakakaba ang first day of school nauutal pa nga tong si Roland habang nagsasalita dahil sa kabang nararamdaman. Siyempre hindi kilala ang iba. Sumunod naman si Aaron.
YOU ARE READING
Unang Tingin: A SHS Story
РазноеKwento ito ng isang normal na senior high school student na sinubukang umibig pagkatapos masaktan. Pinrotektahan nya ang puso nya upang hindi na muling umibig pa ngunit hindi niya inaasahan na ang makikilala niya sa pagtungtong niya ng senior high s...