Meet Her
Uwian na at nagsiligpitan na kame ng gamit. Nakita ko ulit si Kyla na nagliligpit na din ng gamit at muling itinali ng pa ponytail ang buhok nito.
Beautiful.
Agad ding lumihis ang tingin ko sa kanya ng ito'y lumabas na ng room. Siguro hindi ako nito napansin. Si Joy lang ang kasabay nito. Natigil lang ang pag iisip ko ng bulyawan ako nila ate Jo.
"Aj, sasabay kaba sa amin" ani nito habang nagliligpit.
"Oo teka, ligpit ko lang din ito" sabi ko.
Natapos na akong magligpit at lumabas na ng room, may iba pang mga naiwan tulad nalang nung magbabarkadang apat.
"Ano saan tayo lalakad, sa landargon sa botig?" usal ni Sol.
"Layo namin dyan ate" sagot ni Kristina.
Kaming lima lagi ang laging magkakasama umuwi. Ako, si Sol, Patricia, Kristina at si ate Jo. Madalas na humihiwalay sa amin sina Sol at Patricia kaya kameng tatlo nalang ang nagkakasabay umuwi.
"Dami nyo kaagad prends ha" sabay tawa ko.
"Natural kami kami lang ang magkaka close, dahil pare parehas ALS maliban lang dito kay Kristina" ngiti nito.
Maganda din si ate Jo at hindi mo mahahalata sa mukha nya ang edad nya dahil halos balikat ko lang ang bente syete anyos na nanay ko sa room. Mahabang buhok na hanggang balikat niya at payat ang pangangatawan nito.
Maganda din si Kristina, hindi tulad ni ate Jo na payat, siya naman ay medyo may katabaan ang pangangatawan. Mahaba ang buhok nito pero madalas na makikita mo siyang naka ponytail. Ang pinagkaiba lamang niya kay ate Jo ay puno ng kolorete ang mukha,mahilig ito sa mga make up at mas matangkad siya kaysa kay ate Jo.
"Gagawa talaga ng paraan si Vincent makasama kalang sa isang upuan no" tawa din ni Kristina.
"Diyos ko nalaman na lahat lahat ang edad ko, hindi pa din ako tinitigilan" iritang sabi niyo habang umiinom ng soft drink.
"Bet na bet ka kasii ma, sabi ni Marc saken pakboy daw yung punyetang yuon e" tawa ko ulit.
"Di nako magtataka kung imemessage nalang ako sa facebook nung bwisit na yun" tawa din ni Kristina.
"Huwag mo nalang pansinin" pagtatapos ko.
Mahabang lakaran ang gagawin namin pauwi magkalapit ang bahay namin ni ate Jo habang malayo naman si Kristina. Si Kristina ang nauunang lumilihis ng uwi at madalas na kami ni ate Jo ang magkasabay.
"May assignment ba tayo ngayong araw" tanong ko.
"Meron kay sir Velasquez saka kay sir Reyes. Mahihirap naman pero madali lang i search" usal ko.
"Pakopya ako bukas ha. Asahan kita" saad niya.
Kaming tatlo lamang din ang madalas na magkakopyahan sa mga sagot ng assignments namin. Napagkakamalan na rin akong bakla dahil sa kasasama ko sa kanila pero, i dont care. Hindi ko nalang pinapansin. Pagdating ko sa bahay balik sa dating routine ako. Magbibihis, maghihilamos, at che checkup in si lola.
Naabutan kong tulog si lola kaya naisipan ko na mag cellphone nalang muna. Inisip ko kaagad si Kyla. Agad agad kong sinearch ang facebook nya at nakita ko nga ito kaagad. Ang cute niya at isa pa roonn ang taba ng pisngii niya, pero sa mata niya talaga ako nahihiwagaan dahil makikita mo ang ekspresyon niya sa pagtingin lamang sa mga mata nya.
YOU ARE READING
Unang Tingin: A SHS Story
RandomKwento ito ng isang normal na senior high school student na sinubukang umibig pagkatapos masaktan. Pinrotektahan nya ang puso nya upang hindi na muling umibig pa ngunit hindi niya inaasahan na ang makikilala niya sa pagtungtong niya ng senior high s...