CHAPTER 10

3 0 0
                                    

Pain

Kyla's POV

Kauuwi ko lang ng bahay at wala ako sa mood. Pakiramdam ko ang bigat ng pinapasan ko sa likod. Dirediretso lang ako pumasok sa bahay na kala mo ba ay walang pakialam sa kung sinong tao ang madadaanan ko.

"Aga mo ngayon Kyla ha" si mama.

Pero tango lang naisagot ko sapagkat wala nga talaga ako sa mood makipag usap. Malungkot ako na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Matapos kong magpalit ay dirediretso naman akong gumawa ng mga nakatoka sakin. Alam kong napapansin ako ni Kate dahil kanina pa siya sumusulyap sakin.

"Ate ok kalang?" tanong nito.

Ayaw kong magsalita. Ayaw kong maalala kagabi laang kasi nakita niya kung paano ako umiyak. Kaka break lang namin ni James dahil sa hindi pagkakaunawaan at si Kate ang katabi ko nung araw na makipag break siya sa akin.

Flashback

Kakauwi ko lang galing school. Hinatid ako ni James kanina pero mas lalo akong nawalan ng mood sa mga sinabi niya.

"By, tuloy na talaga yung sa club namin. Tuloy yung camping" habang iniinom niya ang softdrinks.

Napatigil naman ako sa pagkain ng kwekkwek dahil sa mga sinabi niya. Bahagya akong nalungkot dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko ipinahalata iyon pero kinokontra ko ito.

"Hindi ba pwedeng hindi ka sumama dun" pagsusumamo ko.

"By, napag usapan na natin to diba?"

Oo napag usapan na namin to mga ilang beses na nga naming napag awayan ito dahil nga sa pesteng camping na yan. Naiintindihan ko naman e, hindi nga lang matanggap ng isip ko na mahigit limang araw siyang mawawala at ang masama pa nun wala akong kontak sa kanya.

"Wala ka ng oras sa akin nuon" habang itinapon ko ang naubos ko ng pagkain.

Inunahan ko siya sa paglalakad at ayaw kong pansinin dahil nagtatampo nga ako sa kanya.

"By, by, huy!" pilit na habol nito sakin.

Pero nakarating nako sa kanto kaya wala na din siyang nagawa para habulin ako. Nakauwi ako sa bahay at hindi ako nagbukas ng cellphone.

KINAGABIHAN.

Hindi ko na din siya natiis, pagkatapos kong gumalaw dito sa bahay ay agad akong nagbukad ng cellphone.

'by'

J:'by'

'kumain kana?'

J:'opo, galit kapa sakin?'

Iniiwasan ko ang tanong niya dahil nagtatampo pa din ako.

'ah san ka?'

J:'bahay po. by'

'ano?'

J:'galit ka pa din sakin. Wag kana kasi magtampo. Limang araw lang iyon.'

'pero ang tagal nun by, pwede mo naman kasing tanggihan. Mas mahalaga pa ba sayo yun?'

Oo pwede niyang tanggihan yung camping na yun dahil hindi naman masyado kailangan.

J:'by naman. Minsan lang naman yun e'

'ah ganon, minsan? alam mo bang wala akong kontak sayo nun'

J:'ewan ko sayo by, hindi kita maintindihan napaka selfish mo!'

'ah, edi okay pumunta ka.'

Malamig na pakikitungo ko rito. Hindi ko siya kinausap ng mahigit sa isang oras dahil sa mga sinabi niyang ganon. Gumawa ako ng ibang gawain pero naisip ko pa din. Nasasaktan ako sa mga sinabi nya sakin. Ang gusto ko lang naman ay makasama siya sa mga araw na iyon. Am i selfish? Ayaw ko na nga itong pag usapan dahil ang inexpect ko ay okay na at hindi na siya sasama. Makalipas ang isang oras.

Unang Tingin: A SHS StoryWhere stories live. Discover now