First Talk
Gawaing bahay kaagad ang una kong aasikasuhin dahil ako ang nakatoka kapag umuwi nako.
"Saan ka na naman galing Kyla? Alas tres na? Dos medya uwi nyo ha" si mama.
"Skwelahan lang ma" kaswal na sagot ko.
Hindi na muli itong nagtanong pero alam ko na nakikiramdam si mama. Pangalawa ako sa magkakapatid, nasa kolehiyo na si kuya at nasa junior high school palang ang dalawa kong kapatid. Dalawa kaming babae at napapagitnaan kami ng lalake.
Mamaya pa uuwi si kuya kaya siya na lamang ang wala dito sa bahay. Kaming babae lamang ang nakatoka sa mga gawaing bahay ni Kate, sumunod saken. Si mama naman ay walang masyadong ginagawa dahil nga sa kami na ang gumagawa noon.
"Kate mamaya magsaing ka ha para sa hapunan" utos ko sa kanya.
"Opo, ate" sagot nito habang di nakatingin sa akin.
Pagkatapos kong gawin ang nakatoka sa akin nagpahinga na ako kaagad sa taas. Nagbukas ng cellphone at chinat kaagad ang boyfriend ko.
3:35 PM
'by, nakauwi napo ako. Tapos na din ako gumawa dito'
'imissyouu by, umuwi ka pagkatapos mong maglaro ha at galingan mo'
'iloveyou by'Hindi ko na inaasahan ang reply nito dahil paniguradong naglalaro ito. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagbuklat ng notebook ko kung saan ko isinulat ang lahat ng kailangan para sa ibat ibang subjects.
Mamimili ako mamaya nito kasabay ng pamamalengke ko mamaya kaya pinagsama sama ko ito sa papel. Hindi ko inaasahan na marami ang magiging kaklase ko sa strand na to dahil ang akala ko ay hindi ito popular. Ito na din ang pinili kong strand dahil may backround na rin naman ako sa computer. Tahimik ko lang pinapasadahan ng tingin ang mga bago kong kaklase.
Maingay ang mga ito at kapansin pansin na halos ang iba sa kanila ay magkakakilala na, mayroon namang iba na tahimik lang lang na nakaupo at yung iba naman ay tulog.
May mangilan ngilan namang kumakausap sakin, mga nangagamusta. Madalas si Joy ang kausap ko pero minsan talaga ay busy din ito kaka cellphone.
Nagdaan pa ng mas maraming araw na ganoon ang sitwasyon. Madalas akong sinusundo din ni James pagkatapos ng skwela. Sa room naman, marami na din akong nakilala at naging pamilyar na din sila sakin. Partikular na sa grupo nila ate Jo.
"Ilang taon ka ate nag ALS?" usisa ko.
"Isang taon lang, madali lang naman mga tinuturo duon" kwento niya.
Tango nalang ang naisagot ko dito.Siya ang pinakamatanda sa grupo nila kasamaa pa si Patricia, Sol, at Kristina. Lahat sila ay galing sa ALS maliban lang kay Kristina na isang transferee.
Hindi naman ako nagsisi na ito ang pinili kong strand dahil hindi naman ito mahirap. Ang kaibahan lang ay ang mga minor subjects ang nagbibigay bigat sa strand na ito. Agad na nagdaan ang maraming oras ng klase madalas dito para sakin ay boring, hindi sa hindi ako nakikinig pero parang tinatamad lang din ako.
Alejandro's POV
Kasalukuyang nagtuturo ang aming guro sa Politics na si sir Reyes. Strikto si sir at ayaw nito ng mga estudyante na hindi nakikinig kapag siya ay nag didisscus sa harapan.
"De Guzman! Tayo!" singhal nito
Tumayo naman ito habang kumakamot ang ulo.
"Hindi ka na naman nakikinig! Sige, define the legislative branch of the government!" saad nito habang tinitignan lamang sya.
YOU ARE READING
Unang Tingin: A SHS Story
RandomKwento ito ng isang normal na senior high school student na sinubukang umibig pagkatapos masaktan. Pinrotektahan nya ang puso nya upang hindi na muling umibig pa ngunit hindi niya inaasahan na ang makikilala niya sa pagtungtong niya ng senior high s...