Alaala
Pagod ako galing eskwelahan at nagpalit kaagad ako ng damit. Nilapag ko na din yung bag ako at naghilamos. Dumiretso ako kay lola na kasalukuyang nakatingin sakin.
"La, kamusta kaa?" habang inaayos ko ang kumot nya sa paa.
"Ayos naman j, pakiabot mo nga yung ubas ko dyan sa ref" tinuturo nya yung refrigerator.
"Opo la, saglit lang po ayusin ko lang kumot nyo" sabi ko.
Matanda na tong inaalagaan ko at bedridden na. May bed sore ito at ako ang nag aalaga sa kanya. I've been working here for almost 3 years at marami rami na rin akong naipon at yes, working student ako. Aral sa umaga trabaho sa gabi. Maluwag ako dito at halos lahat ay nagagawa ko. Hindi naman ito pormal na trabaho dahil kinuha lang din ako rito.
"O eto napo la, isa isa lang po ang pagsubo haa, lalagyan ko lang po yung tubigan nyo" abot ko sa kanya habang inaangat ang likod.
Tango lang ang tanging naisagot nito at hindi ko na siya inabala. Nagsimula naman akong magwalis na muna at pagkatapos nito ay nagsaing na. Siesta na ang ginawa ko at inisip ko na ang mga bibilhin ko para sa eskwela. Arawan ang sahod ko dito sa halagang isang daang piso iyon ang pinantustos ko sa pag aaral ko simula nung kumuha ako ng ALS.
"Aj, patulong naman nito at ano ang uulamin naten" si ate Arlene anak ni lola.
"Kayo po, ano po ba nakapagsaing na din po ako." habang kinukha ang mga dala nya.
Si ate Arlene ay isa sa mga anak ni lola, sya ang nagpapasahod sa akin upang alagaan si lola.
"Bumili ka nalng ng corn beef, hindi kasi sumasagot si rita at pg. Mas okay na yung may luto tayo pagdating nila" umupo na ito.
"Oo nga pala ta Arlene, si lola po kulang na sa gamit lalo na po yung mga gauze nya" wika ko.
"Nakoo aj! Hayaan mo na kina Jojo yun" kitang irita sa mukha nya.
Pagkatapos naming kumain ay kaagad na din akong naglinis ng pinggan, pinalitan ko na rin ng diapers si lola upang makatulog na.
"Kamusta skwela j?" tanong ni ate PG.
"Ayos naman po ate PG, nakabili na rin po ako ng ilang gamit. Marami rami rin kasing mga kailangan po" sagot ko habang nag cecellphone.
"Kasya pa ba yang allowance mo dadagdagan ko muna" sagot nya habang nag hihilamos
Sa lahat ng amo ko si ate PG ang pinakamabait sa akin. Siya ang breadwinner ng pamilya ni ate Rita. Siya rin ang madalas magbigay sa akin ng allowance kapag minsang di makapagbigay si ate Arlene.
"Kasya papo ate PG. Salamat po" ngiti ko sa kanya.
Naghanda na ako sa pagtulog at napatay na rin ang ilaw, nakatulog na rin si lola at ako nalang ang nanantiling gising sa pusikit na dilim.
Damn, it still hurts.
Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng luha ko sa mata, pero hindi ko na iyon inisip matagal tagal na ding panahon iyon at ayaw ko ng balikan pa. Nakatulog na ako pagkatapos nito.
Kinabukasan, maaga akong nagising at nilutuan ng pagkain si lola.
"O la, itatabi ko na po itong biskwit sa gilid nyo ha, darating po si kuya Ryan para po bantayan kayo" abot ko ng biskwit
Hinawi ko ang maputi niyang buhok at inayos ang gusot nyang damit.
"Uuwi kapa ba?" untag nito habang tinitignan ang mukha ko

YOU ARE READING
Unang Tingin: A SHS Story
RandomKwento ito ng isang normal na senior high school student na sinubukang umibig pagkatapos masaktan. Pinrotektahan nya ang puso nya upang hindi na muling umibig pa ngunit hindi niya inaasahan na ang makikilala niya sa pagtungtong niya ng senior high s...