1 - Daddy Long Legs

33.2K 131 2
                                    

Agape's PoV

~

Daddy long legs.

Iyon ang tawag sa kanya ng mga house parent namin sa ampunan ilang taon na ang nakararaan.

Matangkad. Moreno. May kakapalan ang kilay. Maamong mukha. Ngunit may malulungkot na mga mata.

Walong taon ako noon una ko siyang makilala. Madalas siyang bumibisita sa ampunan para magbigay ng pagkain sa aming mga bata. Noong una nga akala namin ay balak nitong mag ampon ng isa mula sa amin. Pero ayon kay Nanay Marcel, isa sa aming house parent, sumusuporta lang daw si daddy long legs sa ampunan.

Labing apat na taon ako nang maging dalawa ako. Nire-regla na ako noon at sabi ni Nanay Marcel, ganap na raw akong dalaga. Bago noon ay nagiging malimit ang bisita ni daddy long legs sa ampunan. Pero bumalik ito sa madalas na pagbisita noong nagda-dalaga na ako.

Nagsimula kong makita bilang napakagandang lalaki si daddy long legs. Naging malapit kami dahil madalas ako nitong kwentuhan tungkol sa mga bansang napupuntahan niya. Iniisip ko noon kung may asawa na ba ito at may mga anak, pero ayon sa mga house parents, isang beses na aksidente ko silang narinig na nag-uusap sa pantry ay wala raw itong asawa.

Bukod dito, napakabait ni daddy long legs. Mapagbigay at mapagmahal. Ipinangako ko sa sarili ko na kung mag-a-asawa ako at tulad niya ang nais kong mapangasawa.

Labing anim na taong gulang ako nang naging malimit hanggang sa tuluyang natigil ang pagbisita nya sa ampunan.

Halos wala na rin ang mga malalapit kong kaibigan na unti-unting nakatakas na sa ampunan at may mga kani-kanilang bagong pamilya na.

Sinubukan kong sumulat kay daddy long legs. Pero hindi ko alam ang address niya. Kaya ibinigay ko ang mga ito kay Nanay Marcel. Ngunit ayon sa kanya ay hindi niya na rin daw alam kung paano iyon maipapadala. Nagintay ako sa kanya ng buong taon. Pero lumipas ang panahon ay walang daddy long legs na nagpakita sa akin.

Katulad ng nanay ko. Ng mga kaibigan ko. Si Nanay Marcel na namayapa rin ng kaparehong taon. Lahat iniwan nila ako.

Kaya isang gabi, napagpasyahan kong tumakas sa ampunan. Labing walo na ako noon at nasa husto nang gulang. May mga naipon rin ako na sa tingin ko ay kakasya sa pagbyahe ko patungo sa Maynila.

Nakipagsapalaran ako roon. High school lamang ang natapos ko. At wala akong alam na trabaho maliban sa gawaig bahay na madalas naming ginagawa sa ampunan. Kaya namasukan ako bilang serbidora sa isang kainan. Doon ko nakilala si Mama Agnes. Sya ang nagdala sa akin sa bar. Noong una ang sabi nya ay waitress ang magiging trabaho ko kaya naman tinanggap ko ang trabaho. Hindi ko alam na ang pagiging waitress pala doon at higit pa sa nasabing trabaho.

Nagsimula na akong i-table ng mga lalaking customer. Naglaon ay ginawa nila akong dancer tuwing lunes, miyerkules, at biyernes ng gabi. Gabi-gabi akong umiiyak habang naliligo dahil pakiramdam ko ay napakadumi kong babae.

Sa loob ng isang taon ay sumasayaw ako ng hubo’t hubad sa harap ng mga tao. Wala akong choice. Hawak nila ako sa leeg. Pinagbantaan ako ng amo ko na ipapakulong ako kung sakaling subukan kong tumakas.

Naging puta ako. Isang bayarang babae.

Narungisan ang pagkatao ko.

Ang akala ko ay doon na ako tatanda. Pero tuwing uuwi ako sa dorm para magpahinga, iniisip ko pa rin na sana isang araw ay balikan ako ni daddy long legs. Iniiyakan ko tuwing maiisip ko na magbabalik sya sa ampunan ngunit wala na ako. Nagsisisi ako kung bakit ako umalis.

Baby (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon