3 - Vintage Locket

21K 122 0
                                    

Agape's PoV

~

Umayos ako nang upo nang makita kong naglalakad na sya patungong kusina.

Halos punong-puno ang mesa ng mga hinandang pagkain ng mga kasamahan nya sa bahay. Suot ko rin ang kulay dilaw na sun dress na pinili kong suotin sa dami ng damit na binili nya para sa akin. Hindi ako pamilyar sa brand pero halatang mamahalin iyon.

Malaki ang bahay ni Isidro. Hindi na ako magugulat dahil dati pa naman ay sobrang mapagbigay na ito kung anong mayroon siya. Hindi naman lingid sa amin ang antas ng pamumuhay nito. Nalulungkot lang ako na tila mag-isa lamang sya sa malaki at marangyang bahay na ito maliban sa mga kasambahay niya. 

Lumunok ako at tinignan siya. Nakasuot sya ng T-shirt at itim na sweat pants. Lumihis ako ng tinig nang makita kong nakatingin rin siya sa akin. Limang taon kaming hindi nagkita. And after such a long time, we kissed. And almost did it. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at hinalikan sya. I just feel like doing it. My heart tells me to do it.

Itinago ko ang hibla ng aking buhok sa likod ng tenga ko. Narinig kong kinausap nya ang ilang kasambahay  na siya namang nag-alisan matapos silang kausapin.

Nag-init ang mga pisngi ko. Napayuko na lamang ako sa walang laman kong plato. Finally, I heard him pulled a chair for himself.

“Agape.”

Nagtaas ako ng tingin nang tawagin nya ang pangalan ko. He smiled at me. Naaalala ko ang linya sa gilid ng mga labi nya tuwing ngingiti sya. Suddenly, I found myself wanting to run my fingers through them.

Makisig at gwapo pa rin si Isidro. Para bang nararamdaman ng mga daliri ko kung gaano katigas ang katawan niya kanina. Namuo ang tila tipak ng ungol sa lalamunan ko. Pinaalis ko na lang ang mga iyon sa isip ko.

“I’m glad the clothes fitted you. Magsabi ka lang kung may gusto kang klase ng damit. Okay? I just you'd be needing some. So, I had someone bought for you. I hope they matches your taste.” Ang tinig nito ay malalim at may kaunting gasgas.

Lalaking lalaki ang tindig ni Isidro. Hindi mo masasabing nakarating na ang edad nito sa kwarenta. He looks young and still very attractive. May kung anong nararamdaman ang katawan ko tuwing maiisip ko iyon.

“Salamat.” Tipid kong sagot.

“Pasensya pala kanina. H-Hindi ko intensyon na magalit sa’yo. You rescued me. Dapat magpasalamat pa ako sa’yo..”

Inabot nya ang kamay ko at hinalikan iyon. I felt his stubble itchingly good against the portion of my skin. Napalunok ako. Sobrang pamilyar ng init ng halik ng labi nya sa balat ko. Had it been earlier when it grazes my skin?

“I understand, You were mad at me. I was mad at myself, too. If I know you’ll end up…” itinigil nya ang dapat sasabihin. “I should have come back sooner. I should have read your letters.”

Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko.

“Nabasa mo?”

Tumango sya. “Yes. They handed me your letters after telling me you ran away from their care.”

Naalala ko ang mga isinulat ko roon. Na paghantong ko ng dise-otso ay sasama ako sa kanya sa maynila. Alam ko na ambisyosa ang nais ko. Pero kay Isidro ko naramdaman ang pakiramdam na magkaroon ng pamilya matapos akong maiwan muli na mag-isa sa ampunan.

Natuwa ako nang maisip na tinupad pa rin ni Nanay Marcel ang pangako nya na ibibigay iyon kay Isidro. Kahit namayapa na ang itinuring kong ina sa ampunan, tinupad nya pa rin ang pangako nya. My letters reached him. And he found me. I smiled upon thinking Nanay is now my guardian angel.

Baby (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon