17 - Main Man

12K 114 32
                                    

Agape's PoV

~

Hindi ko na binanggit kay Sid ang mga narinig ko mula sa mga kasamahan nito sa bahay.

Lately, napapansin ko na medyo occupied ang isip nito sa trabaho. Kapag uuwi ito minsan, magpapahinga lamang ng saglit tapos magpapaalam na na pupunta sa study nya para mag trabaho. Isa pa, ayoko na lamang palakihin ang issue. Alam ko naman na may kani-kaniyang opinyon ang bawat tao. Hindi ko mapipilit ang lahat ng tao na sumang-ayon sa akin. Siguro ang mahalaga na lamang ngayon ay kung ano ang nararamdaman namin ni Sid para sa isa't isa.

Pero ang isa kong ikinakabahala rin ay ang babaeng nagngangalan na Penny. Sigurado ako na ex ito ni Sid. Ilang araw na rin ang lumipas at minsan gustong-gusto ko nang itanong kay Sid ang tungkol doon. I badly want to ask him what's behind him and Penny that his helpers seemed to like her so much. Kung gusto ito ng mga katiwala nya, marahil ay mas higit ang pagtingin sa kanya ni Sid noon. And that painting. It must have had a sentimental value.

Hindi ko pa man din lubusan na kilala ang babaeng iyon, pero hindi ko maiwasan na hindi mag selos.

Over the weekend, I've learned some of Sid's favorites in music and movies. Wala akong alam sa kahit ano sa mga paborito nya. Nalungkot ako kasi magkaibang-magkaiba kami. I wonder if Penny shares the same interest. Siguro. At ako? Hindi ko maiwasang mag overthink.

Where is that Penny and what happened to their relationship?

Hinanap ko rin ito sa Instagram. I found her account, since it has the same displayed photo from her Facebook account. Pero naka private ito. I wonder if she's married or happy with someone else right now. Gustong-gusto kong malaman pero nawawalan ako ng lakas ng loob. Ngayon pa lang, pakiramdam ko ang liit liit ko na. Paano pa kung malaman ko ang tungkol sa kanya at sa kanila ni Sid?

"Mukhang hindi matutuloy ang uwi ni boyfriend ko this month." Malungkot na balita ni Paula sa akin. Naglalakad kami papunta sa library para sana humiram ng mga libro na gagamitin naming reference sa report namin sa History subject namin.

"Bakit naman?"

Ngumuso ito. "Eh kasi na-delayed iyong alis nila sa Japan. Baka mag stay pa raw sila doon ng ilang linggo."

I feel sad for Paula. Medyo matagal-tagal na rin kasi noong huli silang nagkasama ng boyfriend nya. Naalala ko iyong sinabi ni Sid sa akin noong isang gabi. Na ang magkakalayo na taong nagmamahalan, parang hangin. Hindi mo man sila makita, pero lagi mo silang mararamdaman na para bang nandyan lang sila sa iyo palagi.

Iyon ang naramdaman ko kay Sid noong mga panahon na hindi ko sya nakasama. Gabi-gabing sambit ko sa panalangin ko na sana maayos sya at sana dalhin sya pabalik sa akin balang araw. Kaya kahit papaano ay naiintindihan ko si Paula.

"Hayaan mo na, basta isipin mo na lang kaunting tiis na lang." Bigay lakas ko naman sa kanya.

"Thank you, friend. Buti ka pa sa jowa mo." Aniya sa akin.

"Maswerte ka rin naman ha? Hayaan mo, darating din ang panahon magkakasama rin kayo."

"Sana nga."

Wala masyadong tao sa library nang magpunta kami. Nahanap naman namin agad iyong kailangan naming reference. Since vacant time din namin, nag prepare na rin kami para sa sunod na subject at nag review ng notes mula sa last meeting.

Abala ako sa pagb-browse ng lecture notes ko nang maramdaman kong nag vibrate ang phone ko sa bulsa ng palda ko. Kinuha ko iyon tapos nakita na may chat message sa akin si Sid. Alam nya na vacant period ko ngayon kaya ito nag chat. Usually kasi kapag alam nya na may klase ako, hindi talaga sya nangi-istorbo. Excited kong binuksan ang message nya.

Baby (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon