5 - The Deal

17.7K 116 1
                                    

Agape’s PoV

~

Kinabukasan ay inaya ako ni Sid na mamasyal sa labas.

I picked the royal blue romper and the strappy sandal from the stacks of clothes he bought for me. Naglagay lang ako ng light make up at ipinuyod ang buhok ko nang maluwag. May hair falls on the middle of my back. Gustuhin ko man kasi noon na magpagupit ay hindi pu-pwede dahil sa trabaho ko bilang dancer sa bar.

Saglit kong pinagmasdan ang sarili ko. My eyes looked tired. Suddenly, I felt disgust overwhelming me. Disgust with myself; of what I did.

Hindi na ako malinis.

Kahit na birhen pa ako ay nadungisan na ang pagkatao ko sa trabahong pinasukan ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Parang hindi ako makahinga. Agad kong binuksan ang gripo at binuhusan ng tubig ang mukha ko. I ran to the toilet and puked what I ate for breakfast. Matapos kong magsuka ay tila maasim ang sikmura ko.

I crawled on the corner and started sobbing. hindi ko na namalayan na nakapasok na si Sid sa banyo at niyakap ako.

Paaka-nakang hinahalikan ny ang ulo ko.

“Shhh. Don't cry, Magie. Please.”

Binuhat nya ako pabalik sa kama. He laid me there and covered me with the thick blanket.

“Sorry.” Mahinang sabi ko sa kanya. We were supposed to go out pero mukhang hindi ko sya mapagbibigyan sa ngayon.

I touched the corner of his lips when he smiled. His smile fades before giving another one.

“Magpahinga ka lang. We’ll go out next time.”

Isinara nya ang mga kurtina upang dumilim ang kwarto. I just heard the door opened and then closed before I fall into sleep.

~

Alas tres na yata ng tanghali nang magising ako. I feel bad dahil hindi kami natuloy ni Sid. Alam kong gusto niya rin akong ipasyal. Tanghali na pero hindi pa ako nagugutom kaya lumabas ako ng kwarto para hanapin si Sid. I tried his study and found him there.

Ilang kwarto lang ang pagitan nito sa kwarto na ipinahiram sa akin ni Sid. May malaking yari sa mamahaling kahoy ang pinto noon. Medyo nakauwang ang pinto kaya sumilip ako. I saw Sid sitting in front of his desk, writing something.

I decided not to disturb him kaya tumalikod na ako pero nakita nya pala ako.

“Agape?”

Dahan-dahan akong napalingon. Mukhang naabala ko nga sya.

“Come in.”

Wala na akong nagawa kung hindi pumasok sa loob. Malaki ang study nya, high ceiling at napapalibutan ng ilang bookshelves. May isang malaking bintana rin malapit sa desk nya kung saan kita ang tanawin ng Antipolo. Parang iyong mga nasa foreign movies. Parang iyong study ng bida sa My Love From The Star.

“Are you okay?” Bungad nito. “You have to eat. Hindi ka na namin ginising kasi ang sarap ng tulog mo.”

Ngumiti ako. “I will. Kakabangon ko lang din. Okay naman ako.”

Tumango ito. He twirls his sign pen using his finger.

“Let me know if you have questions or other needs.”

Tumango ako. “Salamat.”

“Sid, thank you for being so nice to me. I do not know why. At hindi ko rin alam kung paano ba ako makakabawi. Kung wala ka, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Salamat talaga. Sabihin mo lang din kung paano ako makakabayad o makakabawi man lang sa’yo.”

Baby (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon